t h i r t y-o n e

27 9 1
                                    

Chapter 31









"Natiis mo naman pala, bakit di nalang kaya tayo maglakad pauwi?" nakapamulsang sabi ni Nihahabol nang sandaling ipaubaya ako ng napakatino at maaasahan kong kakambal na ihatid ako dahil balak nanaman niyang maglakwatsa at mangolekta ng babae.









Mabilis pa sa leeg ni Dora kung umikot ang ulo ko at harapin si Nihahabol. "What?" ano nanaman bang trip nitong lalaking to? Kasalukuyan lang naman kaming papunta sa parking lot, heading home since natapos narin sa wakas yung Program. Sinabi nilang sa last day of Intramurals na malalaman kung sino ang mga nanalo.









Tanda ko pa ang tinanong kay Liam... "Will technology be humanity's salvation, downfall, or neither? Why?" since hindi naman siya makakasali sa SSC kung bobo siya ay sinagot niya ito sa paraan ng hindi inaasahan. He didn't agreed, kasi para daw sa kanya Technology is life. Yan lang talaga naalala ko sa haba ng sinabi niya, pero hindi madadaan sa haba ng sinabi ang pagsasagot sa mga katanungan. Gaya ni Czarina, he smoothly answered it and ended with a remarkable tense na hindi ko din maalala. Poor memory.









"Fine, keep up the act. Ayos lang naman saakin na maglakad tayo pauwi." he flashed me his signature rectangle smile. Nang ngayon ngayon ko lang napagtantong natapilok ako kanina. Fuck, hindi niya ba alam na ginalingan kong umarte kanina para lang walang makapansin pero heto siya alam na alam niya pala? How did he noticed it?








Hindi ko siya sinagot, kasi di ko rin alam ang isasagot ko. Mukhang nabobo ako sa Q and A kanina, ubos lahat ng braincells ko kaiinom ng tubig eh---anong connect? I thought he was just bluffing to kill the awkward silence between us pero bigla kong naalala na may isa nga pala siyang salita. Damn psychopath.









Lumiko siya ng daan at lumabas sa building. Tinotoong uuwi talaga kaming maglalakad, bastard! Alam mo palang natapilok ako paglalakarin mo ako pauwi!? I followed him brows crumpled. Bakit nga ba kasi hindi ako nagpalit o kaya nagtsinelas? I still had my evening gown samantalang nagpalit naman ng black shirt si Niahahabol. Kala mo naman sisilipan ko ng cleavage.










Malay ko bang maglalakad pala kami? Edi sana sinabihan niya ako at sumabay nalang sana ako kela Gwenn at Nats. Nasa tabing kalye na kami at ipinagtuloy niya parin ang paglalakad. At kung mamalasin nga naman walang ilaw yung bawat sulok o tabi manlang ng kalye. Only my phone gives light on whatever I would stumble on. Nakakastress ha!








Ilang minuto kaming binalot ng nakakabinging katahimikan ngunit masasabi kong medyo malayo narin ang narating namin mula sa Campus, ngunit mas malayo pa sa Bahay. Although malapit naman na kami sa town--was that a good sign? Punyeta ka Nihahabol! So ungentleman. Sa sakit ng paa ko, pagod at sa pagkakatapilok ko kanina ay inalis ko na yung heels ko at binitbit ito sa isang kamay ko habang yung isa naman ay buhat buhat yung napakabigat ko lang naman na gown.









"Teka lang ha? Ano bang kinukulo ng budhi mo?" annoyed I yelled at him at the top of my lungs dahil sa layo na ng narating nya, bakit kasi ang hahaba ng paa niya? Hindi niya ako nilingon at tila ba nabingi na ng tuluyan. Badtrip! Dapat ako nabibwisit sa kanya ngayon eh! Siya kaya tong nakakailan na, sama niya pa yung linta niya. Badtrip.









Nilalamig narin ako, damn I should've brought along my jacket. Kasalanan ito nung psychopath na yon eh. Akala mo nasa survivable kami, ugh! At kung mamalasin pa ay tuluyan na akong nakipagisang dibdib sa napakalamig at matigas na kalye. Happy diba? Katangahan.








Back To Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon