t h i r t y-t h r e e

17 6 1
                                    

Chapter 33









"Lumabas din sa kuta niya. Wala na late ka na patapos na magpresent yung Unit One." Tutok na tutok sa panonood yung apat na babaeng kala mo may koreanong magpeperform sa stage.











Sa gilid ng stage nakita ko rin yung apat na magpipinsang tutok na tutok din--actually hindi. Nagbubulungan pa nga sila eh. Hula ko nanlalait nanaman ito ng mga banda.










Nakakapagtaka kasi hindi nila kasama si Audy gaya ng nakagawian nila. Asan na yon? Tapos na kaya yung mga games. "Kala ko magkasama kayo ni Chase, asan siya?" puna ni Sheena nang mapansing magisa lang akong lumabas sa building.










"ha?" maangmaangan ko sa kabila ng kaalamang iniwan ko siyang mahimbing na natutulog sa library. Masisiguro ko namang walang gigising don sa papel na nakadikit sa noo niya.









Dahil alam kong kailangan na kailangan niya talaga ng tulog, I had to write 'do not disturb' sa sticky paper na dilaw para paggising niya masaya siya. "Ewan ko sa inyo. May space pa lika na dito!" tinuro turo pa ni Nats yung tabi niya kaya naman ay naupo narin ako doon at tahimik na nagmasid sa susunod na magpeperform.










"Ano may nakita kayong gwapo?" usisa ko sa apat na bagsak ang balikat. Mukang hindi na sila umasa, they had this bored face. Paano ba naman kasi ang laki ng tiwala nilang may makikita silang gwapo sa mga banda.










"Huwag mo nang itanong." iling ni Sheena.









"Mga inutil. Hayop ang papangit na nga nila silang pa." Panlalait ni Jeela na akala mo inano eh. Siraulo talaga.









"Huwag niyo naman lahatin. May gwapo naman! Hindi mo lang nakita yung drummer!" reklamo ni Gwenn kay Jeela.









"Anong gwapo? Muka ngang tambay sa kanto. Hayy walang manlang may matinong muka sa Unit One." napakahawak si Nats sa kanyang sentido na animo'y disappointed talaga sa nasilayang banda.










"Gwapo naman si Nihahabol." huli na nang bawiin ko yung sinabi ko. The girls already heard it. "I-I mean matino." Dagdag kong hindi makatingin sa mga matang nang aasar nung apat. In a minute nakangising aso na sila, walang pinagkaiba sa magpipinsang iyon.









"Nabingi ako. Sino ulit?" Nastatwa ako sa kinauupuan ko at doon ko din lang naintindihan kung bakit ang laki nung ngisi nung apat. They were not smirking at me, kundi dahil sa nasa likod ko. I knew he heard it too.









"Ha?" patay malisya ko. "Kaka-Ha mo muka ka nang hakdog." bulong ni Gwenn na hindi naman nakatakas sa tenga ko. I shot her a glare because of that.










Hindi ako makatingin sa kanya, bakit kasi hindi manlang nag ayos to ng buhok? His hair was a nest but damn he looked--ayoko na. Masyado ka nang napaghahalatahan Auby. Ibinalik ko nalang ulit sa stage yung atensyon ko. Habang sa likod ko naman pumwesto ang kadadating na si Nihahabol.









"Iniwan mo ako." bulong niya mula sa likod ko na may halong pagtatampo ang tono. "Hindi ah. May kasama ka ngang Sticky Note eh!" tangging pakamatay naman Auby. He chuckled and gave me the paper. Balik basura ganon? Nang buksan ko ito hindi na pala ito yung papel na sinulatan ko.









It was another paper na dilaw parin pero sa pagkakataong ito si Nihahabol naman yung nagsulat. I was expecting a sweet message gaya ng I love you or something like thank you but ghaad! Hindi pala normal yung nanliligaw saakin. I crumpled the paper and placed it inside my jacket as I curse colorful words.










Back To Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon