e i g h t

43 7 1
                                    

Chapter 8









"Manang Biday ang ganda naman po ng hardin dito. Kayo po ba nagtanim nito?" Pinagmasdan kong may ngiti ang malawak na hardin sa likod ng palasyo ni Habeoji. This is not like your 'princess' thingy palace, but somehow a modernized palace. May ganito pala rito? Manghang mangha ako, mula sa makukulay na bulaklak hanggang sa mga Fountain at mga statues na naririto ay mayroon ding isang malaking puting pintuan na may gitnong kandado? na hindi ko alam kung saan ito patungo. Kung pagmamasdan ito ay tanging mga halaman o kaya Bush lang ang nagsisilbing harang sa likod ng puting pinto. I wonder?









"Ijah nakalimot ka nga. Hindi ako ang nagtanim jaan. Kundi ang yumaong Senyora." Hindi makapaniwalang sinulyapan ko ang malawak na hardin na singlaki lang naman ng tatlong hektaryong palayan. Senyora? Naikwento saakin ni manang na mahilig si mommy sa mga bulaklak. Itong munting hardin na ito ang siyang nagsilbing pangalawang tahanan na ni mommy.









Mula sa maliliit na halaman hanggang sa mga puno ay itinanim ni Mommy. Nakangiti kong inilibot muli ang aking mga mata. It's truly a paradise! My mom's sanctuary. I may not experienced her warm embraces, makasisiguro akong higit pa sa inakala ko ang pagmamahal niya samin ni Audy at ni Dad. Bulaklak nga nagawa niyang buhayin dahil sa kanyang pagmamahal what more is in my Mom? How I wish to have a mom.









We were here in the garden. Kasama ko si Manang Biday, ang pinakamatagal na caretaker ng Palasyo ni Halbeoji. Dahil ang maglolo may pinuntahan samantalang si Dad? Syempre alam na ang sagot, nasa kumpanya niya. Gaya nga ng sinabi ko He'd rather spend his day working than spending his day here with me. Sasakit lang ang ulo niya saakin. Tingnan ngalang hindi niya na maatim paano pa kaya kung tumagal ako ng isang araw kasama si Dad?









"Manang Biday bakit may kandado dito? Ano pong mayroon sa likod?" natutuwang sabi ko na papalapit lang naman sa puting pintuan. Natigil si Manang sa pagdidilig saka ako tinungo. "Simula po nang umalis kayo ng bansa ay nakakandado na po yan. Walang kahit isa saaming nagtatrabaho dito ay nakapasok jan." Tumango tango nalang ako. Damn! I'm curious. Hindi kaya mas paradiso pa ang nasa likod nito? Or it could be anything? something like a maze? cliff? forest? or a field?  Ooh I'm getting excited.








"Halika na ijah. Tirik na ang araw baka magalit ang Senyorito sa pagbabad mo sa araw. Pinakaiingatan niya pa naman ata ang iyong mala porselanang kutis." pinayungan na ako ni Manang Biday na mukhang tapos na sa pagdidilig. Nailing nalang ako kay Manang. Maarteng Senyorito yon. "Manang Biday, ibahin niyo po ako. Hindi po ako kasing arte ng kambal kong bipolar na mukhang masusunog sa ilalim ng tirik na araw. Siya pa nga ata ang babae samin eh." I shrugged. Totoo naman kasi. If there's anything na kakaartehan nitong si Audy, yan ay ang pumailalim sa tirik na araw.










Ayaw lang naman ng maarteng yun na napapawisan at naiinitan. Back in Los Angeles during the olympics in our Academy, Hindi niya na inalis ang kanyang shades at iba't iba pang kaartehan sa katawan na panangga sa araw. Habang siya ay naglalaro ng Baseball. Aba! ang maarte gumamit ba naman ng payong na singlaki ng nagtitinda sa palengke na tama lang para maiwasan ang sinag ng araw. Sobrang kartehan na yan. Hindi pa nakuntento nagsama pa siya ng tsaperon na taga hawak sa payong at ng iniinuman niyang wine. Nakakahiya!














Naiiling kong inialis sa utak ko ang nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Simula nun ay pinagtutukso ako ng mga kaklase ko. Umatras pa ang mga manligaw saakin which is ang isa doon ay yung crush ko dahil sa kaartehan ni Audy. It was not his shame alone but ours too. Nandamay pa ang maarte!









Back To Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon