t w e n t y-o n e

23 8 1
                                    

Chapter 21










"W-what dad?" tila ba nabingi ako sa sinabi ni dad. Ano nanaman bang palaisipan to? "All because of selfishness anak. Hindi ko kayang sikmurahing sisisihin mo nanaman ang sarili mo nak, I want you to forget all the pain..." dito na ako sumingit. "But dad, forgetting the pain is forgetting mom." natigil si dad sa paghaplos sa mahaba kong buhok, at ngumiti ng napakapait. "There's a part of me anak na mas nanaisin mong hindi maalala sa nakaraan. Dahil sa pagiging makasarili ko, ginusto kong kalimutan mo ang paninisi ko sayo. Hindi ko alam kung anong ihaharap ko sayo anak. Patawad."










Hindi ko alam na ganito ang dinadala ni Dad sa pagtatago ng nakaraan saakin. Apology accepted dad. I smiled at dad sa pagkakataong ito, lahat ng mabigat na pagdadamdam ko ay napawi. Lahat ng sakit at sirang pagtitiwala ay naglaho ng sobrang bilis. Hindi man agad na magbabalik pagtitiwala alam kong sa tamang panahon...dadating din ito. I hate to admit it but yes, napakamarupok ko lalo na sa pinakamamahal kong pamilya. It might take time for me to fully recover my trust, but I wanted to thank everyone who didn't gave up. All their efforts are highly appreciated. "Dad let's accept it kahit masakit. Hindi man ngayon o bukas, but slowly let's move on. Mom is safe and happy up there. Even mom wouldn't like seeing us this broke."










"Alright kiddo." ginulo ni dad yung buhok ko while laughing. Natapos ang gabing yon na may ngiting walang katapusan. I've talked to Audy and Halbeoji. Told them I'm sorry for all the immaturities I've caused them. Buong akala ko ay ipagtatabuyan ako ni Audy lalo na sa pananampal at sa masasakit kong sinabi sa kanya, but my twin didn't. Sinalubong niya ako ng may ngiti sa labi. "Welcome back panget!"









"Then what happened?" it's been a week simula nung rebolusyong iyon at ngayon kasalukuyan lang naman kaming nasa puntod ni mom, nagkwekwento si Halbeoji tungkol sa kabataan namin ni Audy. Hindi narin akong nagatubiling magtanong pa ng bagay bagay. I'll just wait for my memories. "Nagsumbong si Chris saakin na kinagat mo daw yung anak ng bagong kapitbahay." my jaw literally dropped while listening to halbeoji. "Why would I even bite an innocent child?" hindi makapaniwalang tanong ko na siyang ikinatawa nina Dad at Audy.











"Amazona ka kasi. Pati ako noon tinadtad mo ng bugbog." sabat ni Audy. Tumingin ako kay dad for confirmation at laking panghihinayang ko nang tumango ito. Am I that wild before? "Akala ko nga magtotomboy yung nagiisang unica ijah namin. Charlotte apo maniwala ka o maniwala, mas gugustuhin mo pa ang laruang kotse ni Audy kaysa sa mga manikang kamuka mo." tawa ni halbeoji habang sinusulyapan ang picture kong puno ng putik sa muka. "That's not me. Si Audy yan eh!" I denied. Since magkamukang magkamuka naman kami ni Audy noon. But heck, it is me! The kid wearing a pink dress covered in mud.









"What the--ilang taon ako dito?" tanong ko sa batang lumalaklak ng alak. Napaface palm akong tinititigan ang sarili kong may tunggang mamahalin ngunit malakas na alak. "Probably eleven." Weyt....teka ha? Hindi kinaya ng sistema ko na umiinom pala ako ng alak sa ganung edad. "That's not the first time drunktard. Lumaklak ka na noong seven years old palang tayo noon. Heck pinasubo mo pa akong pagtakpan yung nawawalang alak ni Dad noon." nakapamewang na sabi ni Audy.










Damn, buhay pa kaya kidney ko? "How about Audy? Are we the same age when we drank alcohol?" tanong ko kay dad na ikinahalakhak nila ni Halbeoji. While Audy turned red hearing my words. What? "Nako nako anak. Late bloomer kakambal mo. At patuloy paring magblobloom." nalito ako sa sinabi ni Dad. Late bloomer? What the hell? "Dad stop it." seryosong sabi ni Audy na halatang napipikon na. Pilit kong inaalala kung anong meron sa alak at kay Audy.









Back To Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon