t w e n t y-t w o

26 8 3
                                    

Chapter 22










"Bitch.." umiinit talaga ulo ko sa tuwing kaumagahan. Everyday hobby ata ni Czarina sirain araw ko, hindi lang naman PE shirt ko yung binasa niya kundi pati narin buong locker ko. Juskooooo! Ano ba yan? Palala ng palala mga ginagawa niya, it started with my pen hanggang sa buong locker ko na. Talaga bang naghahanap ng gulo tong babaeng to? Just tell me Czarina akong mismong uupak sayo. Bullshit!









"Okay, You have 15 minutes to change. Make it fast" nakasandal sa pintong sabi ng PE teacher namin. Dahilan para magsilabasan lahat ng batch namin, kahit ibang section. Napabuntong hininga nalang ako, ano nang gagamitin ko? Hindi naman pwedeng naka Pencil Cut Skirt akong magpi-PE. Ano swertehan lang makakasilip? No way.










"May bagyo ata ngayon? Bumaha sa locker area eh." sarkastikong sabi ni Czarina sa mga alipores niyang malalandi ring tumawa. Calm yourself Auby, wag kang magpapakababa para sa isang linta. You're more than that. Nako! Kung hindi lang talaga ako naturuan ng proper manners and discipline baka dumudugo na muka niya sa kalmot. Bwisit. "Ms. Evans, time is ticking go get yourself changed." since ako nalang natira dito sa room ay lumabas na ako.









As if namang may choice ako, dun nalang ako sa ladies room tatambay habang nagpi-PE sila. Kaysa namang masigawan ako pag sa room pa ako tumambay. Saktong paglabas ko ay nakasalubong ko yung magpipinsan kasama si Audy at Nats. Mukang napansin din nila ako kaya inantay nila akong makalapit.









"Excuse us pero pinapatawag kami nina Audy at Nats ni Ma'am Batumbakal." tumango yung lima at nauna nang maglakad samantalang heto kaming tatlo papuntang faculty nang iliko ko sila kung saan ang library. "Kala ko ba--" mabilis pa sa lipad ng langaw ang pagdapo ng kamay ko sa bibig ni Kambal nang makita kong dumaan si Ma'am Batumbakal papuntang faculty.










"Bakit tayo nagtatago dito?" tanong ni Nats. Dito ko na binitawan ang kamay ni Audy at napabuntong hininga. "Panget na nga ang alat pa ng kamay." I rolled my eyes at Audy, epal ka talaga. "Uhh...may kaklase kasi ako...ano. Wala siyang idadamit sa PE. Uhh....May pwede kayong...ano uhm ipanghiram--" natigil ako sa kasinungalingan ko nang sumabat na naka pokerface si Audy. "Naiwan mo PE mo?" I sweetly smiled at them, showing my beautiful eyes and hands pleasing.









"Sorry di ko nadala yung extra ko. Basa pa sa bahay kakalaba." kamot ni Nats sa batok niya. "I can tell Sheena pero absent siya ngayon." nanlulumong sabi ni Nats. Saan na ako makakahiram ng damit? fuck Audy tell me you have your extras. "Panget, alam mo namang Shirt lang ang extra saakin. Pinagnasahan nung girls yung pawisan kong shirt habang nasa training ako kahapon." napahawak ako sa noo habang iniisip ang kabulastugan ng kakambal ko.









"Okay lang...tatambay nalang ako sa Ladies Room. Una na ako." kumaway na ako sa dalawang  pababa na sa grounds. Damn, ang dapat ko nalang sigurong problemahin ay dapat walang makakakita saakin habang nagpiPE sila. Dahan dahan lang ako sa paglalakad nagbabaka sakaling sana wala nang tao sa ladies room. Fuck, I promise I'll get back to you Bitch. Someday...magantay ka sa pait ng paghihiganti ko. I'll make sure na hinding hindi mo sisikmurahin ito Czarina.











Paliko na ako at ilang kilometro nalang sa ladies room nang malayo palang ay tanaw ko na ang dahilan kung bakit ako nasa sitwasyon na ito. Hindi man siya ang nagbasa, but he's the reason why I've been experiencing this. Kung hindi siya masyadong gwapo at malandi edi sana wala nang naghihimagsik ng dilim saakin.









Nang maramdaman niya na akong papalapit ay nilingon niya ako. Magtatanong pa sana ako kung bakit siya nasa tabi ng ladies room, hindi kaya maninilip to ng nagpapalit? Damn, ibang level talaga kamanyakan mo Nihahabol. Halatang inip na inip itong may hinihintay, obviously tingin ng tingin sa relo niyang dilaw eh. Bahala ka jan, di ko na siya pinansin.









Back To Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon