Chapter 5
Naeexcite na ako magzipline pero syempre di ko pinahalata yun. Pinakita ko lang sa kanilang lahat ang bored at walang pake kong muka at expression.
"Sino gustong mauna na?" Tanong ni manong saamin.
"Kids kayo muna. Hahaha kids first" sabi ni tita Susan.
Napansin kong sila Gab, Gelo, Amy at mga kiddos ay umatras. Mukang wala pang gustong mauna.
"Ako na po manong mauna." Pagvo-volunteer ko.
"Ay naks wala siyang fear of heights!" Pangaasar ni Amy saakin.
Habang itinatali na sakin yung mga dapat itali ay tinanaw ko na kung saan ako maglalanding mamaya. Mukang maikli lang yung paglipad ko latur mabibitin ako nento.
"Ate, tutulak na kita ah" sabi ni manong saakin
Shit. Teka wlaa naman akong fear of heights pero bakit parang naeexcite ako na medyo kinakabahan hahaha.
Pagka tulak saakin ni manong. Nagsimula na akong lumipad! (Sa zipline) Hahaha ang saya. Sumigaw pa ako sa ere.
"FUCK TOXIC PEOPLE" Sigaw ko sa ere nang medyo makalayo layo na ko sakanila. I don't care kung marinig nila hahaha. Sa panahon kasi ngayon naparami nang toxic na tao. Yung ang hilig-hilig gumawa ng issue at kwento ng ibang tao. Hindi naman nila alam ang buong storya. Yung iba pa nga eh pag nakarinig ng chismis gagawan pa ng twist para sumikat yung chismis nila at magiging issue ampota. Tangina.
Pagkatapos kong sumigaw pinagmasdan ko nalang ang paligid. Ang lamig ng simoy ng hangin. Medyo madilim ang kalangitan na mukang uulan na maya-maya. Dinama ko ang fresh air at pinagmasdan ang mga kulay green na puno. Buti pa dito sa Bicol probinsyang- probinsya pa.
Nang mag-land na ako. Inialis na ang mga tali sa katawan ko.
"Kuya! Bitin" sabi ko sabay sad face. Nginitian nalang ako ni kuya hahaha no reply.
Natanaw ko naman na si Gab na ang susunod. May fear of heights pa naman itong lokong ito. Kapit na kapit siya sa tali at pumipikit-pikit at tumitingin din sa baba kahit papano. Vinideohan ko naman siya gamit ang cellphone kong kanina pa ata nabubulok sa bulsa ko.
"TANGINA ANG TAAS!" sigaw ni Gab. Hahaha namumula na siya sa sobrang takot. Hahaha nakuhanan ko pa ng video. Pagsinuswerte ka nga naman.
"Dude! You look so hilarious." Sabi ko habang tumatawa nang makaland na siya sa pinag- landing-an namin.
"Vinideohan mo ako?!" He ask with a surprise tone. He's damn cute.
"Yep! Hahaha"
"Tangina! Abigail! Delete mo yan!!" Sigaw niya saakin sabay kuha ng cellphone ko.
Syempre di ako papatalo kinuha ko agad cellphone ko nang mahawakan niya ito. Tapos inaagaw niya saakin pero di niya maagaw kasi nilalagay ko sa likod ko at nilalayo sa kanya.
Habang lumalayo ako sakanya paatras ako ng paatras. Shit mahuhulog na ako. Literal na mahuhulog na ako kasi yung pinalandingan namin dapat bababa ka pa sa hagdanan para makatapak sa lupa. Di naman masyadong mataas pero sigurado akong mababali buto ko dito pag mali ang pagkakahulog ko.
"AHHH" sigaw ko at yun na nga nahulog na ako. I mean NAHULOG KAMI NI GAB!.
Niyakap ako ni Gab habang nahuhulog kami. Woah parang bumagal ang oras. Amoy baby siya. Kapit na kapit siya saakin. Naka-wrap yung arms niya saakin. Literal na yakap-yakap niya ako. Nakapikit ang kanyang mga mata na parang natatakot.
Nang mahulog kami gumulong kami sa basang damo. Buti nalng damo at hindi putik. Narealize ko nalang na nakahiga siya at ako naman naka-higa sa kanyang dibdib habang magkayakap parin kaming dalwa. Napansin kong nakapikit siya. Nang buksan niya ang kanyang mata natulala ako sa mga mata niya. Ang lapit namin sa isa't isa. Ang lapit ng mga muka namin. Halos malapit na madikit ang aming mga ilong.
Habang nagtitigan narinig ko nang sumigaw ang batang si Kyle na kapatid ni Gelo na sumigaw ng "Sucess!" ay pinutol ko na ang titigan namin at tumayo na ako.
"I'm sorry. Ayaw ko naman kasi idelete yung video mo kasi nakakatawa eh. Okay ka lang ba? Sorry talaga." Sabi ko na may tonong sincere na mag sorry. Inalalayan ko naman siyang tumayo.
"Okay lang ako. Ikaw okay ka lang ba? Buti nalang damuhan lang ito at hindi putik." Sabi ni Gab.
"O-okay lang ako. Tara na intayin nalang natin sila dun." Sabi ko sabay turo sa bench na natatanaw namin.
"Tatanga-tanga kasi Abigail" sabi ni Gab na habang tumatawa.
"Aba gago! Namo ka! Ikaw nga itong inaagaw cellphone ko."
"Buti nalang at hindi tayo nabalian ng buto. Buti nalang at niyakap kita at gumulong tayo pababa. Kasi kung hindi malamng bali-bali na ang mga buto natin plus! Pagagalitan pa tayo."
"So? What am I suppose to say? Thank you? Ganon?" I asked
"Of course, I saved your life hahaha" sabi ni Gab sabay tawa
"Edi thank you!" I said with a very very sarcastic na tono.
"Ang suplada naman po" Tawa pa Gab letche nakakagigil.
"Nakakabadtrip ka wag mo kong kausapin!" Pagtataray kong sabi sakanya.
"Why? What did I do nanaman ba?" Tangina sige tawa pa Gab pucha. Shit. Muka kaming mag-jowa.
"Breathe"
"What the fuck? So what di ako hihinga ganon? Hahaha" Tangina nakakabadtrip tawa niya mamaya talaga masasapak ko ito eh.
"Wag na galit, Abby" pagla- lambing ni Gab saakin sabay akbay.
Nalulusaw na ko.
"Gutom ka na noh?" Tanong ni Gab saakin.
"Hindi ako gutom! Pero tara kain tayo" sabi ko.
"Wow hindi gutom pero nagaaya kumain hahaha" tangina bawal ba kumain? Dpaat ba kakain lang pag gutom? Ganon ba? Tanginang yan.
"Libre mo ah!" Tangina ang daldal ng lalaking ito.
"Ang kapal mo Gab nakakabadtrip!" Inis kong sabi.
"Joke lang libre ko na. Ito talaga eh!"
In the end, Kumain lang kami ng turon at buko juice hahaha meryenda lang naman eh. Pangilang meryenda ko na ba ito?