Chapter 10
Abigail's POV
Pagkatapos kong umiyak ay dumiretso nalang kami ni Amy sa comfort room.
"Nako Abigail, halatang umiyak ka lagyan natin ng concealer yan."
"Tanginang yan" sabi ko habang tumatawa.
Maya-maya ay hindi na ako umiyak. Wala naman akong magagawa eh. Sayang lang luha ko. Mahirap kalimutan pero pilitin nalang noh.
Habang naglalakad ay may nakabunguan kami na lalaking mukang koreano?
"I'm sorry, Miss"
"Sige okay lang." Sabi naman ni Amy.
Woah mukang dito magsisimula love story nila. Charot
Nagtitigan silang dalawa ni Amy dahil sa lakas ng trip ko. Nagpakagago na ako.
"Kuya, ano daw cellphone number mo? Hinihingi niya eh" sabi ko sabay turo kay Amy.
"Tanginamo gago ka" sabi saakin ni Amy.
"Ah sige eto. Ako nga pala si Harvey" Sabi nung lalaking mukang koreano.
"A-ako pala si Amy" pagpapakilala ni Amy.
"I'm Abby" pagpapakilala ko naman sabay ngiti.
"Kuya, crush ka na niya" sabi ko sabay turo ulet kay Amy.
"Tanginamo naman Abigail pinapahiya mo kong gago ka eh! Tangina talaga, Abby!"
"Sorry girls, nagmamadali na kasi ako pero eto na yung cellphone number ko kung gusto niyo ako kausapin. Sige mauna na ako." Pagpapaalam nung lalaki sabay ngiti saamin. Napansin kong natulala nanaman si Amy.
Batukan natin si Amy.
"ARAY! Putangina naman Abby! Kanina ka pa ah!"
"HAHAHA sorry na bes ang lakas talaga ng trip ko"
"Bumalik na tayo dun! Baka hinahanap na tayo!"
Ayoko pang bumalik
Andoon si Gab eh
Hindi....
Keri ko to.
Nang makarating kami sa upuan namin nagtatawanan lang kami ni Amy habang sila Gab at Gelo ay tinititigan nalang kami.
Hindi sila makarelate hahaha.
Ayoko sanang kausapin si Gab pero I'll do my best na makisama nalang and pretend na walang nangyari.
"Kiddos! Let's go na alis na tayo." Sabi ni mommy.
Habang nasa van. Nakatabi ko nanaman si Gab.
"Abigail" tawag niya.
Boses palang nakakatunaw na.
"Yes po?" Sagot ko.
"I'm sorry may gusto lang akong sabih-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Kalimutan ko nalang na may feelings ako sakanya.
"Shh wag na natin pagusapan yun. Kalimutan na natin yun. Mahaba-haba pa ang byahe. Sleep muna tayo please" sabi ko sakanya. Tumango na lamang siya.
Kalimutan ko nalang na may feelings ako sakanya.
Sumandal nalang ako sa bintana at tumingin-tingin sa mga dinadaanan namin. Nakakainis bakit ba may gusto ako kay Gab naiirita na ako sa sarili ko.
Akala ko nga ba crush ko lang? Pero bakit ang sakit? Crush lang ba talaga? Tangina, ang tanga ko na nga gago pa. Saan ka pa diba?
Tila palalim palang ang tulog ko ay bumusina agad si tita Susan kaya naman dumilat agad ako at ganun din si Gab. Nakasandal pala siya sa balikat ko.
"Ta-tanga-tangang driver ampota!" Sigaw ni tita Susan.
Nagkusot ako ng mata at tumingin at sumandal nalang ulit sa bintana.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Gab saakin.
"Inaantok pa ako" sabi ko nalang at sumandal sa bintana. Nagulat ako nang umakbay siya saakin at isinandal niya ako sa kanyang balikat.
Dahil sa mga kinikilos niya nagkakaroon ako ng pag-asa.
Tanga ko noh?
Hindi na ako nakatulog kasi ang sabi naman nila malapit na kami. Tatlong kanto nalang daw chuchu ewan bahala na.
Nang makarating kami sa pag-stay-an namin na bahay ay tumuloy na kami dito. Ang creepy ng bahay mukang old yet so coolllll. Hahaha
Magrerelax lang ata kami dito sa baguio at pupunta sa strawberry fields, lion's head at park chuchu kung ano ano pa pinagsasabi.
Dalawa ang rooms dito. Sa isang room may dalwang malalaking kama. Sa isa naman ay isa lang na malaking kama at pumwesto na agad si Kurt dun.
"Ma, dito nalang kaming apat!" Pagsasuggest ni Gelo.
"Ano? Tabi-tabi kayo? Kasama sila Amy? Mga dalaga na yan oh." Naks may pa-tutol si tita Susan.
"Ma, wala naman kaming gagawing masama eh hahaha" nako nabeberde siguro itong si Gelo HAHAHA.
"Oh siya sige diyan nalang kayo dun na kami sa kabila katabi mga bata" sagot ni tita Susan.
Hooray! Solo namin yung kwarto! Dahil solo namin ang room nag kwentuhan kami ng mga kagaguhan, kaberdehan, at napunta sa topic na love.
"Oo nga pala, Gab. Hindi ka pa pala nagkukwento tungkol sa ex-girlfriend mo" Woah kapal talaga ng muka ni Amy.
"Oo nga noh. Kwento mo nga sakanila Gab."
"Um hahaha Nagtagal naman kami. One year lang ang itinagal namin. Nag break kami kasi pagod na daw siya at nagsawa na siya pero nakapagmove on na ko. Matagal na yun. Kinalimutan ko na siya."
Woah paano kaya nagsawa sakanya yung ex niya?
Tangina ako nga iniintay ko sarili ko magsawa kay Gab eh.
Pero wala eh hahaha
Tanga nga ako diba? Remember?
"Eto yung ex niya guys oh." Sabi ni Gelo sabay abot ng cellphone niyang may picture ni Gab at Ex niya.
"Ang chaka ampowta! Mas maganda pa si Abby eh!"
"Tangina mo talaga, Amy."
"Yieee kilig Abiiigaiiiil!" Tangina sige Gelo puta talaga.
"Tangina niyo talaga" sabi ko nalang habang tumatawa.
"Gab, sino ba kasi gusto mo ngayon?" Tanong ni Gelo na may nakakalokong tono.
"Gelo, puta tumigil ka." Sigaw sakanya ni Gab.
"Bakit ba may gusto naman si Abby sayo eh. Umamin ka na rin na may gusto ka sakanya."
Tangina mo, Gelo. Mamatay ka ng maagang hinayupak ka.
"May gusto ka ba saakin, Abby?" Tanong ni Gab.
Tangina ang bobo mo Gab puta umamin na ko sayo sa beach eh putangina mo talaga Gab.
Di nalang ako sumagot at yumuko kasi nahihiya na talaga ako. Puta feeling ko muka akong kawawa. Alam ko naman na wala siyang gusto saakin. Alam ko naman na wala akong pagasa sakanya. Kaya yumuko nalang ako at ewan naluluha nanaman ako. Napakababaw kong nilalang.
"Silence means yes! Ayieee!" Pangaasar pa ni Gelo.
"Magpapahangin lang ako sa labas." Pagpapaalam ko sakanila.
Feeling ko ang killjoy ko. Pero kasi ang sakit naman kasi brad. Ayaw ko na magkita sa tao nakakairita.Napagdesisyunan ko nalang na dumiretso sa Balcony at titikim muna ng fresh air.