Chapter 7
Pagkatapos namin kumain ng late lunch. Natulog muna ang mga mommies namin. Syempre pagod sa byahe and hindi sila natulog buong byahe like me. Natulog na din muna ako saglit. Katabi ko si Amy ngayon nagse-cellphone. Ang mga kiddos naman ay nag swimming na sa beach at binabantayan sila nila Gab at Gelo.
"Oy! Gising na kayo!" Sigaw ni Gelo saamin.
"Wtf?! Gelo!" I shouted at him
"Tangina palalim palang tulog ko nanggising ka agad!" Angal ni Amy na patulog palang pala.
"Alas singko na ng hapon! Maginom na tayo dali hanggat maaga. Maya-mayang gabi sila Mama na ang magiinom baka makasabay pa natin." Sabi ni Gelo saamin. Woah tangina salamat at naka isang oras lang ako ng tulog. It's not enough. Pero gusto ko maginom ngayon.
"Bes, swimsuit tayo. Masarap yung lasing ka tapos mag swimming hahaha" sabi ni Amy saakin.
"Oo nga noh hahaha sigesige." Sabi ko
Nagsoot ako ng swimsuit na kulay Maroon na high waist yung panty at yung bra naman ay sakto lang saakin yung parang turtle neck na bra? Basta ganon yon kaya medyo natatakpan ang dibdib.
Ganon din ang sinoot ni Amy pero kulay black bagay saamin yung kinuha naming kulay. Binili namin ito nung nag window shopping lang kami sa SM Naga. Dahil sa kulay ng swimsuit namin lumilitaw ang kulay puti naming mga balat.
Pagkaharap namin sa salamin hinusgahan na agad namin ang mga sarili namin.
"Bes kailangan na talaga natin magwork-out." Sabi saakin ni Amy.
"Hindi bes kailangan natin ng breast supplements" sabi ko sabay tawa.
"Oo bes bili na tayo breast supplements next time ah" sabi ni Amy saakin.
Hindi naman kami flat chested. Cute size lang naman tawag dito.
"Hindi bali nang Maliit ang boobs ang importante may cleavage tayo hahaha" sabi ko sakanya.
Sa totoo lang maganda talaga itong si Amy eh. Nagtataka nga ako kung bakit siya iniwan ng boyfriend niya. Sexy naman si marie. Makikita mong may mga stretch marks siya sa may bandang pwet pero pag nakita niyo siya promise nangingibabaw ang kanyang kagandahan. I really love imperfections they're cute.
Bago lumabas kumuha na muna kami ng puting balabal at nagpicture-picture as usual.
"Tama na yang picture na yan inom na tayo!" Sigaw ni Gab saamin.
Tumambay kami sa bahay kubo na halos kalapit lang ng cottage namin at dun nag inom. Puro kwentuhan lang naman ang ginawa namin.
"Guys, truth or dare tayo! Pero puro truth lang hahahah" sabi ni Gab.
"Teka lalagyan ko ng twist! Kapag ka hindi mo sinagot yung truth iinom ng isang baso ng hard" pagsa-suggest ko.
Light na beer lang naman iniinom namin eh pero may isang bote ng hard na beer na kinuha ni Gelo kanina sa ref. Hahahah eto dapat iinumin nila mommy mamaya eh pero binawasan na ni Gelo ng isang bote.
Nang mag spin ang bote tumapat ito kay Gelo.
"Ako magtatanong!" Pagvo-volunteer ko.
"Tropa naman tayong apat eh. Diba guys? Pero! Sino o kanino ka possible na magkagusto or yung tipong type mo kumbaga" tanong ko. Ha! Talino ko! Chos!
Nanahimik lang siya at ngumiti at the same time sabay sabi ng "Syempre si Abigail!" Oh fucc type niya ko brad shiitttt.
"Owww!!" Sigaw nila Gab at Amy.
"Bakit nilagyan mo pa ng 'possible' eh type naman talaga kita" sabi ni Gelo sakin.
Oh fuck I don't what to say.
Anong sasabihin ko?! Wala akong gusto sakanya?! Na may gusto ako sa pinsan niyang si Gab?! Shet napaka wrong ng tanong ko.
Nag spin ng bote at tumapat naman ito kay Amy.
"Amy! Same question with Kurt!" Yep! Tinanong ko kay Marie kung ano yung tinanong ko kay kurt kanina.
"Hahaha believe it or not guys pero... type ko talaga si Gelo" sabi niya sabay tawa.
"Woah really? Kahit mataba ako?" Tanong ni Gelo na may tonong pagka surprise talaga. Hindi naman mataba si Gelo sadyang exagge lang siya sa sarili niya chubby lang naman siya.
"Yea cuz your so cute and hot. I know na tabs ang meron ka pero I really like your very cute face and your hot collarbones and the essence of your hair smells like... spearmint toothpaste na gustong- gusto ko." Sabi ni Amy habang tumatawa sa kilig. Minsan narin na ikwento sakin ni Amy na type niya talaga si Gelo hahaha. Pogi naman talaga yang nilalang na yan kahit chubby ang pogi talagang nilalang. Pero si Gab talaga ang gusto ko.
Pagkatapos ng dalwang spins. Sa wakas! Tumapat din kay Gab.
"Same question kila Gelo at Amy" Yep itatanong ko den sakanya yung tinanong ko kanina kay Amy at Gelo.
"HAHAHAHHA syempre si Gelo yieee" sabi ni Gab
"Yieee ikaw fafa Gab ah! Hahaha" tangina nagsimula na silang maglandian
"Gago Gab, seryoso na kasi mamaya na magpaka gayshit hahahahahah" sabi ni Gelo.
Nananahimik lang ako kasi nagaabang talaga ako sa sagot niya.
"Eto" sabi niya sabay turo niya kay...... Amy
"I mean yep! Possible akong magkagusto kay Amy. Type ko siya hehe" dagdag pa ni Gab.
Wow just wow! Wow talaga!
I feel like nabasag puso ko.
Gumuho mundo ko dun ah.
Ang sweet niya saakin.
Akala ko may meaning na.
Tangina wala lang pala yun?
Ang tanga ko umasa ako.
Nagspin ang bottle at tumapat saakin.
"Abby, babalik ko sayo yung tanong mo saakin. Sino ang possible mong magustuhan saamin or type?" Gab asked me.
Wala na akong ginawa kundi ininom ko na ang isang baso ng hard na beer.
"OWWW! ke daya naman" sabi Gelo.
"Tangina naman bessy panindigan mo yan haahhaa" sabi ni Amy saakin.
Nagtawanan lang sila samantalang ako nakafake smile parin ako. Tulala lang ako. Ilang beses nang tumapat ang bottle sakin pero ang ginagawa ko ay umiinom lang ng isang basong hard. In-short, hindi ko na sinasagot ang mga tanong nila saakin.
Lasing na ako. Lakas pala talaga ng hard shet. Lasing na ako pero alam ko pa ginagawa ko.
"Guys, cr lang ako ah" paalam ko sakanila sabay dala ng isa pang baso ng beer. Pero ang totoo lumapit lang ako sa dagat. Gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Napagisipan kong dito nalang umiyak.
Sana ako nalang si Amy
Sana ako nalang gusto mo
Bakit ba hindi tayo nagugustuhan ng mga taong gusto natin?
Tangina hahaha ganto pala pakiramdam ng nasasaktan?
Ang sakit sa puso.
Alam yung feeling na ang hapdi. Sobrang hapdi sa heart.
Habang tumatagal umeepekto na yung alak sakin. Nalalasing na ko. Kung kanina nahihilo lang ako pero ngayon alam kong lasing nako pero aware pa naman ako sa paligid.
"Abigail."
Hindi ko alam kung kaninong boses yun pero tumayo na ako para pumunta ng cottage. Ang labo na ng paningin ko. Tumawa nalang ako. Nakakabaliw.
Hangang sa dumilim na ang paligid.
