Chapter 9
Two weeks na ang nakakalipas nang mag Bicol at Batangas kami. Month of May pala namin ginanap iyon. June na ngayon at next month na ang pasukan.
Third week na ng June ngayon kaya bumili na kami ni mommy ng school supplies, uniforms at iba pa. Kailangan na maghanda sa pasukan dahil Senior High School nako pag pasok sa July 16.
"Nak, pupunta pala tayo ng Baguio next week ah. Prepared ka na naman sa school mo kaya pede pa mag last vacay." Paga-update sakin ni Mom.
"Sino-sino po ang kasama?" I asked.
"Sila Amy, Gab at Gelo parin." Mom replied.
Well shit.
Kahit masakit hindi ko nalang ipapahalata. Ngayong alam na niya na may gusto ako sakanya. OA na kung OA pero wtf? Im only 16 pero bakit ako nasasaktan ng ganito. Four years ang gap namin. He is 20 yrs old and a third year college student.
Bahala na kung ano ang mangyari.
Magpapanggap nalang akong happy.
*****
Nasa van ulit kami ni tita Susan. Kami-kami parin ang magkakasama tulad last time nung nasa Bicol at Batangas kami.
Kapag minamalas ka nga naman talaga. Katabi ko si Gab. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsalpak ng earphones sa tenga ko kahit walang sounds sabay sandal sa bintana. Napansin ko naman sa reflection sa bintana na tinititigan niya ako. Matitiis din kitang hayup ka. Maya-maya ay sumandal siya sa balikat ko at yun naman ang ikinagulat ko. Dahil wala namang sounds sa earphones ko ay narinig ko pa ang bulong niya.
"Ang liit mo, hirap tuloy sumandal sa balikat mo" sabi ni Gab sabay sandal at pumikit.
"Edi wag kang sumandal saaken." Pagta-taray ko.
"Galit ka ba? Wag ka na magalit" paglalambing ni Gab.
Tangina ang gulo niya. Sa paglalambing niya lalo ako nagkakaroon ng pag-asa. Nakakagago na.
"Tita, stopover po muna. Nawiwiwi po ako" sabi ko kay Tita Susan. Bigla naman nag pigil ng tawa si Gab.
"Namo ka ano nanamn problema mo?"
"Wala naman hahaha naiihi din ako eh buti nalang nagutos ka magpa-stop over."
"Sige kain narin tayo tutal ang tagal na ng byahe natin." Sabi ni mommy.
Infairness, akala ko Mcdo nanaman kakainin namin buti nag shakeys na kami hahaha.
Nang makapagpark na si Tita Susan sa tapat ng Shakeys. Dali-dali na akong bumaba at tumakbo na papuntang comfort room.
"Abby, wait lang!" Sigaw ni Gab. Hindi ko nalang siya pinansin. Nang makarating ako sa comfort room ay dali-dali na ko umihi.
Wew. Nakakarelax magwiwi HAHAHAHAHAHAHAHA skl.
Nang makalabas ako ng comfort room humarang si Gab sa dadaanan ko.
"Tabi!" Pagtataboy ko sakanya.
"Galit ka ba? Sorry na."
"Hindi ako galit. Ano ba!"
"Nagcha-chat ako sayo sa messenger pero di mo sinasagot. Tinawagan narin kita pero di mo sinasagot. Ano bang problema?" Tanong niya.
Tangina
Anong problema?
Tangina talaga.
"Dahil ba umamin ka saakin non? Tapos ang sinabi ko lang hindi pede? Yun ba?" Dagdag niya pa.
Akala ko manhid kang gago ka.