Chapter 4
Nang magising ako ang ingay na ng paligid means gising na silang lahat. Dali-dali na kong pumunta sa cr habang daladala ang backpack ko. Dun nalang ako magbibihis.
Dahil tamad akong pumorma ngayon nag soot nalang ako ng camouflage na shorts, Plain black tshirt at jacket nalang na black. at tinerno-han ko nalang ng converse na black.
Nang makarating kami sa pupuntahan namin na hindi ko alam kung saan kase i dont care. Kanya-kanya na kaming kumuha ng motor namin. (ATV- All terrain vehicle).
Habang sila Gelo ay tinetest pa magmotor (Basta motor tawag ko don). Ay napansin kong may kadaldalan sila mommy na hindi namin kilala. Hindi ko nalang binigyan pansin.
Nang mag simula kami mag motor nauna nako. Bali parang ako lead nila? Hahaha mabagal pa naman ako. Lubak-lubak,bato-bato at maputik ang mga dinaanan namin. Medyo naambon pa naman kaya basa ang lupa.
"MAUNA NA KAYO! MABAGAL AKO!" sigaw ko sakanilang lahat na nasa likuran ko at lahat naman sila ay nag over-take at nahuli ako kasama si Gelo.
"Bilisan mo! Dito nalang kami nila Gab sa likod mo." Utos ni Gelo saakin. Hindi ko siya pinansin ewan wala ako sa mood.
"Uii galit ka baaa? Ngingiti na yan! Yieee smile naaaa" pangaasar ni Gelo
"Gelo! Hayaan mo muna yan meron yan ngayon! Hahaha" sigaw ni Amy kay Gelo. Aba napakakapal ng muka.
"Shut up, Amy!" Saway ko.
Maya-maya ay na stuck ako. Ewan naipit ata ako sa bato? Pilit kong inaalis pero ayaw talaga basta nastuck syaaaa!
"Long press mo yan!" Sabi ni Gelo sabay turo don sa pindutan na pinipindot ng thumb ko sa motor.
"Don't tell me what to do." Mataray kong sabi. Argh di ko mapigilan magtaray ngayon.
"Amina nga!" Sabi ni Gelo at pumunta siya sa motor ko at sumakay siya at inialis niya ang motor ko don sa nakastuck na bato.
"See? Basic diba?" Sabi nya
"Hangin mo!" Sabi ko sabay tawa.
"Ayieee ngumingiti na sya!" Pangaasar niya saakin.
"Shut up!" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Nakaligtas ata siya saakin ah? Kapag meron kasi ako bigla nalang ako naiinis sa isang tao kahit walang syang ginawang masama.
"Abby! Ang bagal mo! Bilisan mo na nga!" Sigaw ni Gab sakin. Sorry ka Gab di ako kikiligin ngayon. Wala ako sa mood kiligin.
Ah mabagal pala ah? Nagovertake na ko at sinadya ko naman na bilisan yon. Inunahan ko na silang lahat. Ayoko ng tao ngayon. Ayoko ng may kakausap pa saakin letse. Kaya nga pumwesto ako sa likod kanina eh.
Sa sobrang inip ko at pagod narin mag-motor sumigaw na ko sa mga likuran ko.
"Tangina! May naka set ba tayong destination na patutunguhan naten?! Pagod na ko ah!" Sigaw ko sa likod. Sht. Nalimutan ko nanay ko pala ata yung nasa likod ko.
"Hoy! Tangina ka ren! Wag kang magmumura pasalamat ka at kami nila Gelo at Gab palang ang nasa likod mong hayup ka! Hahaha" Sigaw sakin ni Amy na may tonong nakakaloko. Lah? Nakasunod na pala sila saakin? Pucha naman lumayo nga ako sa tao eh kase ayokong may nangingialam saken.
"Saan ba tayo pupunta?! Ano iikot lang tayo? Ganon?!"
"Gago titingnan natin yung bulkang Mayon tapos iikot! Ambobo neto kasasabe lang saatin kagabe eh HAHAHAHAH"
Bahala kayong mga tao kayo lumayo kayo saken ayaw ko sainyo
Yan nalang bulong ko sa utak ko. Kahit bad trip ako ngayon gusto ko parin makita ang bulkang Mayon noh! I don't know it's just basta happy na ko nun.
Nang makarating kami sa parang patag na lupain pero semento parin ang dinadaanan namin natanaw na namin ang bulkang Mayon. Wow nagpakita yung nguso niya ang galing parang perfect yung pagkakahugis triangle niya. Ang ulap kasi kanina kaya hindi makita. Syempre nagpapicture ako sa kuya na naggaguide saamin.
"Kuya! Papicture nga po kaming dalwa lang" sabay abot ng cellphone niya
"Sige po sir!"
Laking gulat kong si Gab pala yun? Like WHAT THE HELL?! Okay. Hindi ako kinikilig ngayon nababadtrip ako sakanya.
"Mag-smile ka naman" utos niya saakin.
Nagsmile nalng ako malamang ipopost niya sa IG ito noh. Kileg nako sa inside Kaya nag smile nalang ako para happy.
"Isa pa kuya!" Utos ni Gab sa nagpipicture saamin. Nagulat ako dahil umangkas siya sa likod ng motor ko at nakahawak siya sa manibela ng motor na parang halos yakap yakap na niya ako at inilagay pa niya yung baba niya sa balikat ko at medyo sumandal sakin and shit! Magkadikit ang pisngi namin ngayon.
Ngumiti nalang ako para syempre dapat maganda ako sa picture. Sana ganito palagi. Ang sarap sa feeling. Ang happy ng heart ko today....
"Namumula ka ata?" Tanong niya sabay ngiti. Shet nalulusaw ako ng todo.
"Liptint lang yan." Sabi ko na may bored na tono. Pero I am kilig in the inside na.
Nagpicture-an lang kaming lahat. Sa bawat dadaanan namin na bato-bato, lubak-lubak, at maputik na daan. Syempre di mawawala sa picture namin sa Bulkang Mayon.
Nag-enjoy ako. Kahit nakakapagod nagenjoy parin! Alam mo yung feeling na ang kewl mong tingnan pag magmomotor parang kala mo expert at pro ka ganon ahahha.
Nang matapos kami mag ATV nagunat-unat na ko. Grabe halos dalawang oras pala talaga akong nagmomotor. Kumain muna kami ng meryenda namin.
"Mga kids! Next na gagawin natin zipline ah! Lahat kayo magta-try hindi pwedeng hindi." Sabi ni tita Ella saamin habang kumakain kami.
Wala naman akong fear of heights. Nageenjoy pa nga ako sa mga matataas na lugar eh. Gusto ko nga i-try yung sky diving kaso takot sa heights si Mommy hahaha.