THREE

30 1 0
                                    

Chapter 3

Pag dating namin sa lobby pinagmasdan ko na agad ang paligid. Maganda ang lobby pedeng tambayan at sa tabi neto ay may parang mini cafe? Basta yung may mga nagseserve ng coffee. Hahaha

"Mukang maganda dito noh?" sabi sakin ni- weyt wat?! Si Gab?!

Syempre act normal dapat ako. Ayaw ko pa na ipahalata sa kanya na may gusto ako sakanya nuh. Tsaka baka sabihin nanaman niya na ang bata ko pa. Kase four years ang agwat namin sa isa't isa. Hindi naman pedo yon eh! Age does not matter nga diba?! Hahaha charot.

"Oo nga muka ngang maganda dito" sabi ko na may tonong normal lang kahit kilig na kilig na ko sa inside hahaha. Punyeta

"Pero mas maganda ka" 

"Hahaha joke yon Gab?" Takte di ako makapaniwala na sinabi niya yon. Anyway, hindi ako nagk-kuya sakanya kase syempre ayaw niya kase daw feeling niya ang tanda na niya.

"Hahaha joke lang! Haha pero maganda ka naman talaga eh"

"Par, wag ka naman na mambola hahaha" okay feeling ko talaga namumula na ko ng sobra.

"Okay ka lang? Bat parang namumula ka?" Sabi saakin ni Gab sabay akbay sakin. Oh sht. Wersoclose.

"Ah wala yan. Nilagyan kasi ako ni Amy ng liptint sa pisngi. Alam mo naman yun." Syempre yumuko na ko para di niya pa mahalata.

Habang paakyat kami sa room namin nakaakbay parin si crush sakin. Ang sarap ng ganto sana everyday nakaakbay nalang siya sakin tas dinadaldal ako.

Pagpasok namin sa room. Napansin ko na dalwa lang ang kama dito.

"Ganto ang plano! Sa isang kama dun kami nila Susan tapos sa isang kama dun ang mg girls at sa lapag naman dyan ang boys. Magre-request tayo ng kutson para magkasya tayo!" Sigaw ni tita Ella saamin. Yung totoo? Bakit laging nakasigaw? Hahahah.

Lahat kami ay nakahiga na sa kama at nakatutok sa gadgets. What's new diba? At ang mga nanay namin ay natulog. Siguro matutulog nalang din ako tutal malamig dito tapos malambot pa ang kama.

Alam mo yung feeling na pagod ka na pero di ka makatulog? Bakit ganun? Sa sobrang bored ko naisipan kong tumambay nalang sa lobby.

Wala naman kasing nagaganap ngayun sa lobby kaya nagbasa nlang ako ng libro sa Wattpad.

"Hi Ate" napatingin ako sa nag-salita at tumingin sa likuran ko baka may ibang kausap.

"Hi umm ikaw nga yung kinakausap ko hehe"

"Ow hai?"

"Ako nga pala si Herald" pagpapakilala niya saakin.

"I'm Abby" pagpapakilala ko naman with a smile of course.

"Dito din kayo nakacheck-in?" Tanong niya saakin.

Hindi ba obvious?

"Yep! Hahaha kayo din ba?" Tanong ko. Nakakabagot na kasi kaya nakipagdaldalan nalang ako sakanya.

Ang daldal ni Herald at ang cute niya. Halos magka-age lang kami mas matanda lang siya ng apat na buwan sakin hahaha. We are both 16 yrs old.

Napasarap ang kwentuhan namin ni Herald qt kaya huli ko nang napansin na nagdidilim na.

"Herald, um ganto kase medyo madilim na baka hinahanap na ko dun."

"Talaga? Hatid na kita. Ano ba room number mo?"

Oo nga noh? Ano nga ba room number namin?

"Um hahaha ganto kase eh nalimutan ko room number namin. Pero papasundo nalang ako sa kaibigan ko sa taas. Mauna ka na sige na."

Hey crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon