Chapter 6
Wala naman masyadong naganap pero yun na nga nag-zipline, nag-ATV, nag swimming na din kami, at Nag-tampisaw na din kami sa mga falls. Wala naman masyadong naganap.
Anyway, pauwi na kami ngayon. I mean hindi literal na pauwi di pa tapos ang vacation pala namin. Medyo malapit lang kasi saamin ang pupuntahan ngayon.
Sa Batangas, May resort daw kasi dun na pagmamay-ari ng classmate nila mom nung high-school at binigyan pa sila ng discount. Classmate nga naman daw eh.
Beach daw yun kaya gustong-gusto pumunta dun nila mom. Hindi naman kami nakapag-beach sa bicol kasi maulan doon. Kaya sa Batangas na nga lang kami magbi-beach. Para narin daw medyo malapit-lapit na ang uuwian namin.
12 midnight kami umalis ng bicol. Ten hours pa ang byahe kaya lahat kami nag sleep muna. Pero syempre sila mom nagdadaldalan parin.
While nasa byahe, of course hindi naman mawawala ang mga stop- overs diba? I don't know why pero for me the best part sa byahe is stop-over hahaha.
"Kids! Gising muna kakain muna tayo ng breakfast." Gising saamin ni Mom. Wala pa naman kami sa kakainan namin pero approaching na daw. Pagka-tingin ko sa wrist watch ko ay 6:36am palang.
"Anong gusto niyong food, kids? Any suggestions?" Tanong ni tita Susan.
"Mcdo!" Sigaw ng mga kiddos sa likuran namin. Mcdo nanaman? Nah oki lang favorite ko naman yun hakhak.
Nang makarating na kami sa Mcdo pumila na agad sila Mom at kami naman ni Marie ay pumunta muna sa restroom para mag ayos. Nag-toothbrush muna kami at nag-hilamos muna kami gamit facial wash tapos nag-toner, Moisturizer at liptint. Oh ha may gana pa kami mag-skin care kahit nasa vacay kami pero syempre liptint na ginamit namin ni Marie para di masyadong maputla.
Habang kumakain sa Mcdonalds. Nagkwentuhan na kaming lahat. Wow for the first time wlang gumagamit ngayon ng cellphone. Lahat masayang naguusap.
Hangang sa napunta kami sa topic ng lovelife. Oh shit.
"Gab, May Girlfriend ka na ba?" Tanong ni Mom kay Gab. Jusko mommy. Hahaha bakit kabado ako?
"Meron po dati pero break na kami hahaha di po kami nag-work." Sagot naman ni Gab kay mom.
"Ang panget naman kasi ng naging girlfriend mo oops hahaha" comment ni Gelo
"Hahaha oo nga eh. Bayaan mo na siya di naman siya kawalan." Woah Gab ikaw ba yan?
"Kaya kayo nag-break ibig sabihin non may darating na mas better sakanya or hindi lang talaga kayo para sa isa't isa" Sabat ni Amy.
Kaya kayo nag-break kasi dadating ako. Oops....
"Eh ikaw Abigail? May boyfriend ka na ba? Baka may Boyfriend ka na at di ko alam" tanong ni mom saakin.
"Seriously Ma? Nagaaral po ako ng mabuti at kumakain ng mabuti hahahahaha" sagot ko kay mommy sabay tawa. Tawa rin naman ang nanay kong napakagaling magtanong.
"Eh kayo? Gelo at Amy, may mga jowa na ba kayo?" Tanong ni Mom sakanila.
"Wala pa noh! Ayoko pa mag ka gf gagastos lang ako haha M.U lang pede. Pero wala pa talaga" talaga ba Gelo? Daming sinabe hahaha.
"Meron ako dati pero nakipagbreak na ko sakanya nabasa kasi ni Mama convo namin hahaha" sabi ni Amy. Lahat kami nagtawanan sa sinabe niya.
"Anak, ang sinabe ko wag kayong masyadong maglandian hindi yung makipagbreak ka hahaha" sabi ni tita Ella yung mommy ni Marie.
"Hayaan mo na ma, hahaha may gusto lang naman ako sakanya minahal ko siya as friend lang naman hahaha bata pa ako eh." Weh Amy weh? Di mo minahal? Pero halos araw-araw tayo nagko-call kasi broken hearted ka.
Ang totoo kasi nyan ang nakipagbreak ang boyfriend ni Amy hindi si Amy ang nakipagbreak. Binabaliktad niya lang ang storya. Iniwan na siya ng boyfriend niya kasi may bagong gusto daw at hindi na siya. Nag fade ang feelings nung boy kumbaga. Pero sa tuwing tatanungin siya ang sinasabi nalang niya ay siya ang nakipagbreak. Kaming apat lang ang nakakaalam tungkol dun pero mabilis na naman nakamove on si Amy kasi dini-distract ko siya sa ex-boyfriend niya. Kaya ang naging focus niya is Ako at friends hindi na si Ex-boyfie niya.
Si Gelo, totoong wala pa siyang girlfriend pero nanligaw na yan rejected nga lang.
Ako naman. Wala talaga akong boyfriend since birth ahahahha pero nagkaroon ako ng M.U na babae. M.U na pambata lang naman. Medyo tomboy kase ako dati pero di gaanong bisexual hahaha. One month lang kami nagtagal ng naging M.U kong babae hahaha. Besshyy ko nalang siya ngayon tho.
Pagkatapos namin mag-kwentuhan syempre byahe ulet. Pero iba na this time. Katabi ko na si Gab ngayon.
Bali nasa gitna kami ni Amy at nasa magkabilang window si Gab at Gelo. Well shit paano ako matutulog nito?
Habang nasa byahe nakikinig nalang ako sa kwentuhan ng mga mommies namin at tinititigan si Gab while sleeping.
Pinagmamasdan ko lang siya maigi habang natutulog. Inuunanan niya ang bag niya ganun din ang ginawa ko. Magkatapat na magkatapat na ngayon ang muka namin.
Ang bait niya pag natutulog at ang tahimik. Ang pilik mata niya di masyadong mahaba sakto lang, matangos ang ilong, medyo malapad ang noo kaya may kaunting bangs, at ang pula ng labi niya (wew dinaig kami ni Amy). Nagli-liptint ata ito eh hahaha.
Ang putla niya pero namumula labi niya. Matangkad siya baka 5"11 height nito, maputing nilalang din, payat siya wala siyang abs pero gusto ko siya. He has this thin as fucc na legs and ngayon ko lang narealize na pareho kami ng kulay ng braces sa ngipin hahaha kulay light blue. Gusto ko siya kahit hindi siya perfect. I really love his imperfections.
Nang makarating kami sa Batangas. Literal na hindi ako nakatulog buong byahe. Tinitigan ko lang si Gab buong byahe eh alam niyo naman ako.
"Gab, wake up" paggising ko kay Gab habang tinatapik ang kanyang pisngi. Dumilat naman siya at tinignan ako ng may ngiti sa labi.
"Goodmorning" bati niya saakin habang nakangiti padin.
"Tanga! Goodafternoon na! Gago. Gumising ka na andito na tayo sa Batangas magle-late lunch na tayo" sita ko sakanya sabay batok. Hhaha di porket may gusto ako sakanya eh hahaha. Ginawa ko narin yun para hindi halata na may gusto ako sakanya.
"Tangina ang ganda na ng gising ko eh" angal ni gab saakin.