Sabay

463 4 0
                                    

"San ba tayo pupunta?", tanong ni Julie habang hila-hila siya ni Jessie.

"Bro, ano na nman to?", tanong nman ni Elmo kay Patrick.

"Basta! Wag nang maraming tanong!", halos sabay na sagot ng dalawa. Magkaiba man ng dinadaanan, pareho nman ng iniisip at patutunguhan.

Hindi alam ni Julie at Elmo ang tumatakbo sa isip ng matatalik na kaibigan. Basta ang alam nila, sinusunan nila ito na pakiramdam nila tama ang ginagawa ng dalawa.

"Jes, ano ba?", pinaharap ni Julie ang kaibigan sa kanya.

"Pat, tigil na, pwede ba?", pinaharap nman ni Elmo si Patrick sa kanya.

"Nandito na po tayo." Sagot ng dalawa.

Nasa likod sila ng school, magakatalikod si Patrick at Jessie habang nakaharap sila kay Elmo at Julie. (imaginin nlang :p)

[Julie’s Side]

"So..", panimula ni Julie.

"Mag-uusap lang nman tayo. Wala akong gagawing masama sayo. Ano feeling mo? Type kita? Excuse me lang noh! May taste ako! Kakausapin lang ng PRIBADO eh!" Diniinan ni Jessie ang salitang ‘Pribado’ at tsaka ngumiti ng nakakaloko.

Binatukan ni Julie ang kaibigan, “Sira! Pribado ka dian eh bat nandito sila?” Sabay turo sa direksyon nila Elmo.

"Aba! Malay ko!" Palihim na ngumiti si Jessie.

[Elmo’s Side]

"Bro.." panimula nman ni Elmo.

"What? Gusto lang kitang kausapin ng TAYO lang.", diniinan nman ni Pat ang salitang ‘Tayo’

"Bakit nandito sila?", bulong ni Elmo.

"Aba, ewan! Coincidence?", lihim nmang napangiti si Patrick.

[Both side]

"Ahm, ano ba yung gusto mong pag-usapan?" tanong ni Julie.

"Ano ba yun Patrick?" tanong ni Elmo.

"Nakailang boyfriends ka na?" diretsyong tanong ni Jessie.

"Nakailang girlfriends ka na?" diretsyong tanong din ni Pat.

"Ahmm.. *Bakit ngayon Jes?! Nandito kaya siya!! Jessiee!!!* Dalawampu?” sagot ni Julie.

"Uhhh.. *What the?! She’s here! Pat you’ll pay for this!!* Dalawampu?” sagot nman ni Elmo.

Halos sabay na sumagot ang dalawa kaya napatingin sila sa isa’t isa.

Ha?! Parehas kami ng sagot?, sabay na namang iniisip ng dalawa.

"Bakit parehas tayo ng sagot?" Sabay nilang sabi.

"Malay ko! Nakikinig ka ba sa usapan nmin?" Sabay parin.

"Ano ba?!" Sabay..

"Ewan!!" Sabay..

Pigil na natawa si Jessie at Pat sa kanilang dalawa ng biglang nagsalita si Julie.

"Sorry Pat ah, Hindi nman talaga kami—-" Pagsosorry ni Julie ngunit sumingit si Elmo.

"Excuse me Miss, alam kong ikaw si Julie Anne San Jose, ang pinakasikat na babae sa campus pero hindi mo madadaan sa pacute mo ang bestfriend ko." Did I just say that? Sh*t!!

Nag-init ang dugo ni Julie at akmang sasabunutan na si Elmo ng pigilan siya ni Jessie.

"And by the way, sorry Jes. Hindi din nman talaga kami—-" Pinutol nman ni Julie ang sinasabi ni Elmo.

"E-ehem. Excuse me, alam ko ding ikaw si Elmo Magalona, ang pinakasikat na lalaki sa campus pero hindi mo din madadaan sa pacute mo ang bestfriend ko" Kala mo hindi ako gaganti? Pasalamat ka!

Lalapit na sana si Elmo kay Julie ng pigilan siya ni Pat at bumalik na sila sa pinag-uusapan nila.

Pasalamat ka lang Julie :D

"So, sa sinasabe ko nga kanina, nakailan ka na?" Sabay na tanong ni Jessie at Pat.

"Dalawampu nga!! Paulit-ulit?! Unli ka?!" Sabay na nmang sagot nilang dalawa.

Nagtinginan sila ng masama at tsaka nagsalita ng sabay.

"Nananadya ka talaga eh noh?!"

"Gaya-gaya! Gusto mo lang magpapansin sa bestfriend ko."

"Excuse me! Hindi ko type yang bestfriend mo! Ikaw kaya ang gusto ko! Mahal kaya kita,

Elmo Magalona!” sambit ni Julie

Julie Anne San Jose!” sambit ni Elmo

Napatigil silang dalawa sa pagbabangayan habang tumawa nman si Pat at Jes. Inakbayan nman ni Pat si Jes.

"Sabi ko sayo gagana eh, babe" sabay kurot sa pisngi ni Jes.

"Galing mo talaga, yham. Sige, iwan na natin yang mga torpeng yan. Ahahaha." Sagot nman ni Jes.

"HAHA, bye lovebirds! :)" Sabay alis nila ni Jes.

Tulala pa rin sila at nakatingin sa isa’t isa.

Totoo ba to o panaginip lang? OMFG. Thanks Jeeeeeeesssssieeee!

Yung totoo? Magandang panaginip ba to? Sh*t! Yesssss!

Lumapit si Elmo at ngumiti kay Julie. Kailangan ko nang kumilos baka hindi na kita maabot ulit. Kinuha nya ang kamay ng dalaga at sabay silang naglakad palabas. SABAY na haharapin ang bagong bukas.

Sabay na umamin, sabay na natorpe, pero sabay na tumitibok ang puso para sa isa’t isa :D

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon