Me, You, Him

340 3 0
                                    

Sabi nila, moving on takes time. Totoo naman yun eh. Nagbreak kasi kami ng boyfriend ko kagabi. Sabi ko sa kanya na hindi ko sya deserve at kung anu-ano pa pero ang totoo, in love na kasi ako sa best friend ng boyfriend-ay ex-boyfriend ko na pala. My status? It’s complicated.

Sorry naa, hindi ko naman sinasadya eh. Ang alam ko lang bago pa kami magbreak ni Matt, mahal ko na yung.. sya.. si ano.. si Elmo Magalona; kung paano sya manamit, yung mata nyang parang tinutunaw ako kapag tumitingin sya, yung matangos nyang ilong tapos yung labi nyang parang laging inaakit ako para lang sa isang halik. Sabi sa inyo eh. Mahal ko na nga yung bespren nyang yun.

Don’t get me wrong ha? Minahal ko si Matt. Sobra pa nga sa inaakala ko eh. Pero.. Pero kasi ayoko ng lokohin ang sarili ko. De leche naman kasi, sobrang bait nya. Lahat na lang nasa kanya na. Perfect boyfriend na nga kung iisipin at alam kong hindi ko sya deserve.

Text Message: Matt mi love <3

Nakalimutan ko palang baguhin pangalan nya sa contacts ko. Oh well, last naman na. 

Baby, I know you didn’t mean everything you said last night. Pagbalik ko, we’ll fix everything, okay? In the meantime, keep safe. I’ll see you after the outreach program. I love you, Julie, lagi mong tatandaan yan. -M

I rolled my eyes after reading his message. Hindi nya ba naiintindihan? Tapos na kami and there’s nothing he can do about it. Except maybe move on. Oo, unfair ako dahil parang niloko ko lang sya in the last few days of our relationship pero sana naman sineryoso nya yung sinabi ko sa kanya kagabi. Ayoko na syang saktan pa.

I was busy thinking of a way para hindi ko masaktan si Matt with my words, a month from now, nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Wala naman akong inaasahang bisita ah. Sino kaya to?

"Hi!"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit? Bakit sya nandito?

"Ano ba yan? Alam ko namang gwapo ako tsaka malakas talaga hatak ko pagdating sa mga babaeng maganda tulad mo pero di mo man lang ba ako papapasukin?"

Nawala ako sa shocked state ko at hinampas hampas sya.

"Kapal talaga ng mukha mo, Elmo!"

***

"Oh, ayan na po Mr. Magalona. Eto na po kape nyo, nahiya naman po kagandahan ko sa sobrang pagkabossy mo po. Nakakahiya po talaga. Kasi po hindi ako naghahanda para sa Grand Opening ng store ko next next week no? Medyo di naman po ako busy."

Rinig na rinig mo yung sarcasm sa boses nya kaya natawa na lang ako. Macho talaga tong si Julie. Ang sarap sarap pa inisin kasi ang cute cute nya kapag nagagalit. Kaya para mas mainis sya, pinatong ko yung paa ko sa may coffee table at mas lalo pa akong sumandal sa sofa.

Tumaas ang kilay nya sabay sipa ng paa ko.

"Araay naman, Julieeee!!!"

"Nahiya ka pa humiga no? Baka gusto mo dun ka pa sa kwarto ko matulog para di ka naman po nahihirapan, Mister. Sobrang nahihiya po kasi yung may-ari ng condo na to."

Julie, ang cute cute mo. Hahaha. Wag kang ganyan, baka tuluyan na kitang agawin sa kanya kasi baka mahal na nga talaga kita.

Nakita kong namula sya, titigan ko ba naman eh, sabay hawi ng mukha ko. Pakiramdam ko namumula din ako. 

"Alam kong maganda ako pero kawawa naman yung mga lalaking magkakandarapa pa sakin kung tutunawin mo lang ako ngayon."

Hindi ko na napigilan. Dahil nakatayo sya sa harapan ko, mas nadalian akong hawakan yung kamay nya. Napatingin naman sya ulit sa akin, mas lalo syang namumula at pakiramdam ko, ako din, at pinipilit nyang agawin yung kamay nya na mahigpit kong hawak ngayon.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon