Kabanata Tatlo: Ang Galang Kaluluwa

2.9K 152 20
                                    

LALAINE ROSE GUTIERREZ

"Sana hindi mo masamain ang aking sasabihin subalit," saad sa akin ni Zuriel at tsaka luminga sa paligid, "wala manlabang bang sasabay sa'yo kumain, aking amo?"

Pasimple lamang akong umiling at sinubo ang pagkain ko. Maingat ang aking mga galaw ngayong nasa pampubliko kaming lugar. Pangalawang araw ko pa lamang sa ekswelahan at hindi naman siguro maganda kung mababasagan akong baliw dahil nakikita nilang nagsasalita ako nang ako lang mag isa.

"Lalaine," saad ko habang sinisipat ang aking cellphone. Sinulyapan ko ang lalaking katabi ko ngayon sa aking mesa at nakatitig lang ang itim na mga mata nito sa akin nang may pagtataka. Huminga ako nang malalim at humarap ulit sa phone ko, "sabi ko, ang itawag mo nalang sa akin ay Lalaine."

Nakita ko naman siyang tumango, "Lalaine." bulong niya sa hangin.

Wala na akong sinambit pa at pinagpatuloy ang aking pagkain. Maraming tao rito sa Cafeteria sa ganitong oras. Halo-halong ingay ang naririnig ko sa paligid, pati pagtunog ng kubyertos ay napapansin ko narin. Kulang na lamang ay takpan ko ang aking mga tenga dahil sa pagkarindi. Mabuti na lamang at hindi nakikisabay si Zuriel.

"Nakakapagtaka," saad ni Zuriel, "kita naman na mayroon pang espasyo sa mesa mo para makaupo pa ang isang tao pero mas pinili nung binibini na tumayo kaysa makiusap sa'yo. Ni hindi ko siya nakitang lumingon sa direksyon mo." dagdag niya.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi naman na bago sa'kin ang ganitong eksena. Madalas na sinasabi sa'kin ng mga kaklase sa nakaraan kong school na hindi lang daw talaga ako approachable. Nai-intimidate daw sila sa'kin kasi hindi raw ako palangiti at parang ang seryoso lagi kausap.

Hindi lang siguro talaga big deal sa'kin magkaroon ng kaibigan. I had friends before pero 'yung masasabi ko na nakapasok sa inner circle ko, siguro isa lang. Sadly, wala na kaming contact ngayon but she will always have a place in my heart.

After all, I think people who still befriended me even if they feel intimidated deserves the attachment called "friendship".

Matapos kumain ay tinahak ko na ang daan papuntang classroom ng next subject ko. Pero, habang naglalakad ay may biglang tinanong naman si Zuriel.

"Bakit parang wala kang kaibigan o kaya naman tinatangi?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tinanong sa'kin ni Zuriel matapos kong lumiko mula sa pasilyo at umakyat sa may hagdanan.

"Nang-aasar ka ba?" sarkastiko kong saad.

Tinagilid naman ni Zuriel ang ulo niya na para bang hindi naintindihan ang sinasabi ko. Bumuntong hininga ako at inobserbahan ang paligid; wala namang ibang tao rito.

Nilingon ko pabalik si Zuriel.

"Hirap akong makipagkaibigan," tugon ko sa tanong niya kanina, "kaya imposible ring magkaroon ako ng jowa."

"Jowa?" pag-uulit nito sa huli kong binanggit, "iyon ba ang tawag niyo sa mga taong sinisinta?"

"Oo," saad ko at umirap, "akala ko ba kasama kita dati pa? Bakit parang wala ka pang alam sa mga salitang ginagamit namin sa panahon ngayon?"

"Ako'y humihingi ng pasensya pagkat kulang pa ang aking kaalaman para sa'yo, Amo." saad niya at umiling-iling, "Sadyang hindi ko lang talaga minsan maintindihan ang mga salitang binabanggit niyo minsan."

Kung sabagay, wala naman akong nakakausap masyado, mas lalo na sa lovelife kaya rin siguro wala masyadong alam 'tong isa 'to. Pinagkrus ko ang kamay ko sa aking mga braso at umupo muna saglit.

Bumuntong hininga ako nang may maalala, "Minsan kasi'y hindi sila totoong mga kaibigan." dagdag ko sa sagot ko kanina.

Sumalubong ang kaniyang kilay at tumagilid na naman nang bahagya ang kaniyang ulo. Nakuha pa ng atensyon ko ang paggalaw nang kaunti ng kaniyang kidlat na hikaw, "Hindi totoong kaibigan?"

Hiraya ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon