Kabanata 2

9.6K 210 14
                                    

Kabanata 2

Chance

Dumiretso ako sa board para makita kung sino 'yung mga nanalong SPG Officers kasi hindi ako naniniwala na talo kami ni Ate Mika! Bakit kami matatalo e ang galing-galing namin sa Math? At tsaka, kilalang-kilala kami sa school kasi pareho kami ni ate na lumalaban sa Math Whiz tsaka Math Wizard!

Hinanap ko ang pangalan namin ni ate. Nakita ko naman kaso nakalagay rin sa ilalim 'yung name ng kalaban niya. Hindi ko nga maintindihan 'yung mga nakasulat, e. Puro box-box tapos ang dami-daming numbers!

Siguro nagbigay sila ng maraming-maraming candies para manalo! Kung alam ko lang, e 'di sana binigyan ko ng Ferrero ang lahat para iboto ang ate ko.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ni Rafaela sa 'kin.

Bumaling ako sa kan'ya at napansin 'yung tuldok-tuldok sa may ilong at cheeks niya. Gumagalaw ang bibig niya kasi ngumunguya na naman siya sa yogurt stick.

"Hindi ko ma-pronounce 'yung name ng kalaban ni Ate," nakanguso kong sabi at ibinalik ang tingin sa mga nakasulat na numbers. Ang dami-dami talagang numbers!

"Talo si Ate Mikaela?" Napasinghap siya.

"Namigay lang ng maraming chocolates 'yung Eyo- Elyo- El- ewan! Basta 'yon!" Humaba ang nguso ko.

"Yogurt, gusto mo?" pagbabalewala niya sa reklamo ko.

Hmp!

Napunta ang tingin ko sa gate kung saan bitbit ni kuya 'yung malaking bag ng isa kong classmate.

Sumunod kay kuya ay si Cassian na kakainin na yata ng big Ben 10 backpack niya! Parang hirap na hirap siya habang suot 'yon sa likod kaso wala yata siyang pake. Nakasunod sa kan'ya si Yaya Melda na nakangiwi.

Napatingin ako kay Rafaela nang may binuksan siya. Umiinom siya ngayon ng kulay orange na Chamyto. Grabe naman 'to! Hindi ba siya nagsasawa sa mga yogurt drink? At tsaka, hindi ba nagagalit sa kan'ya si Tita Zara? Puro yogurt palagi iniinom.

"Ang payat-payat mo pero mag-poprotect ka ng pera!" sigaw ni Cassian nang makalapit sa isang estudyante.

Isusumbong ko talaga siya kay tita. Siya 'yung bully rito!

Bumaling si Cassian kay Yaya at tinuro ang nanalo. "Yaya, 'di ba po 'yung po-protect sa pera dapat big! E mas malaki po si Chelsea kaysa ro'n e!"

"Ay, naku! 'Wag mo na problemahin 'yon. Akin na ang bag mo at tutulugan—"

Nagsimula nang tumakbo si Cassian!

"Sir Cassius! Huwag po kayong tumakbo!"

"Yaya! Payag ka muna po dapat big po-protect ng pera! Dapat si Chelsea!"

"Ang kulit-kulit ng pinsan mo, Rafaela! Ang gulo-gulo!"

"Ikaw rin naman magulo!" sabi ni Cassian, bumaling pa sa 'kin habang natakbo. Muntik na tuloy madapa!

"Ayan, kasi!" natatawang sabi ni Rafaela.

Dahil naririndi na ako kay Cassian, umalis na lang ako roon at nagpunta sa classroom. Mag-aaral na lang ako kasi tuturuan ako ni Miss Ara mamaya. Lalaban daw kasi ulit kami sa Math Whiz na pang-Grade 1 hanggang Grade 3. Grade 2 pa lang naman ako kaya pwede pa ako sa category na 'yon.

Malamig sa classroom pagkarating ko. Buti na lang suot-suot ko 'yung pink furry jacket ko. Kung hindi, lalamigin ako. Medyo malamig pa naman sa pwesto ko kaya very good 'yung jacket!

Kinuha ko ang paper at pink magic pencil mula sa Barbie pencil case. Inalala ko 'yung ilang inaral ko sa Kumon at isinulat sa papel. Gumagawa rin ako ng examples para kapag magsasagot ako mamaya, very good ako kay Miss Ara.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon