Kabanata 17
Property
It felt weird that he considered this as a good thing while I considered this as the opposite. Ramdam ko kung gaano kasiya si Elgene ngunit bakit hindi ko maramdaman ang saya?
But out of all the complexities that I have in my chest, I did what I think is rational: to hug him back. Because I know that this is the moment that I've been waiting for eversince I realized my guilt. As much as I want to be clean with my actions, I know my heart felt the opposite because I know that my guilt in actions will start today.
My heart will always be open for guilt, my actions will always be seeping with guilt, and my intentions will always be laced with guilt. And if given the chance, I'll repent for my sins which is my guilt. Dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko na ang pagiging makasarili noong bata ay hahantong sa pagkasira ng pamilya at ng pagkatao.
Humugot ako ng malalim na hininga at ipinatong ang baba sa nanginginig niyang balikat. Humahagulgol pa rin si Elgene habang ang mainit na hininga ay humahaplos sa aking leeg. Para siyang batang nawawala.
Tahimik kong hinayaan ang pagtulo ng luha habang pinakikinggan ang kan'yang iyak. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang takas ng boses mula sa nanunuyong lalamunan.
My heart is constricting so much just by hearing his wails. Paano pa kaya 'pag nalaman niya ang totoo? Sigurado naman akong hindi siya masasaktan. His feelings before are brought by his juvenile self—there is no seriousness in it.
Yet he managed to act maturely at such an age.
Lalong nanikip ang dibdib ko nang paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko na para bang paraan upang makahinga.
Hinigpitan ko ang yakap, pilit na ibinabaon do'n ang paninikip ng dibdib.
What happened, Genesis? Bakit at ano ang nangyari sa 'yo para masaktan nang ganito?
Iyon ang tanong na umiikot sa isipan ko ilang araw pagkatapos niyang umiyak sa 'kin. After he cried, I didn't get the chance to ask how he was because it felt like my guilt increased.
Bakit ako magtatanong? Bakit ako nag-aalala? Kasi nagsisisi ako sa ginawa ko noon. Na kaya ako nagtatanong ay para punan ang pagiging sakim ko noon.
But is there a good thing in that? Is there a rational thing in that? Kahit anong pilit na hanapan ng rasyonalidad ang isang bagay, patuloy pa rin na may lalabas na irasyonalidad—gano'n kadali't kakomplikado ang mundo.
Naalala ko ang usapan namin ni Rafaela noon. It's about Elgene's puberty. I didn't expect that it will hit him like a truck.
The only thing that I recognized is his chinky eyes. Other than that, there's none because everything about him changed.
Ang mahabang buhok noon na tila endorser ng shampoo ay napalitan na ng clean cut na buhok. Idagdag pa na ibang-iba ang dating ng bahagyang maskuladong katawan ngayon kung ikukumpara sa kapayatan niya.
Pero kung magsasalamin siguro siya at maputi pa katulad noon ay mamumukhaan ko.
"Bakit ka pupuntang Trinity?" tanong sa 'kin ni Corinthian pagkasundo niya sa 'kin.
I have no classes for today that's why I decided to visit Trinity. Nagkataon naman na walang klase sa ganitong oras si Corinthian kaya sinundo ako.
"I'll look around," I answered as I checked out my face at the mirror of his SUV. Maayos naman ang kilay ko na hindi kailangang lagyan ng brow liner. Nag-mascara lang ako dahil ayaw ko maglagay ng kung ano-ano sa mukha.
BINABASA MO ANG
Complexity Of Us (STATION Series #2)
Ficción GeneralUmbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on doing what she thinks is correct. The wrong thinking made her childhood as selfish as it could get bec...