Kabanata 35

2.9K 75 2
                                    

Kabanata 35

Kita

I felt a wave of pain when I heard how his voice cracked.

It's not yet the time, Brella.

"How did you know I'm here?" mahina kong bulong sa kan'yang tenga habang yumayakap pabalik.

Hindi siya umimik, bagkus, isiniksik ang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko ang marahas niyang paghugot ng hininga bago walang pasabing pakawalan. Humaplos ang mainit na hangin sa aking leeg.

I felt how his hands crumpled the back of my shirt, it tightened as if his heart wrenched. "Alam mo bang... alam mo bang g-gusto kong magalit sa 'yo kasi nagsinungaling ka kung nasa'n ka? Pero s-sino ba ako para magalit sa 'yo kung nagsisinungaling din naman ako?"

Dumaan ang pait sa aking lalamunan. Pilit ko iyong nilunok.

"Si Kirk nagsabi na nandito ka raw..." he murmured.

Bahagya akong nanlamig dahil sa paghaplos ng panggabing hangin sa aking balat. Natabunan kaagad 'yon ng init mula sa katawan ni Elgene. Hindi ko mapigilang makaramdam ng sigla sa puso. It felt so good to hold him with no prying eyes to worry of.

"Ang hirap... ang hirap-hirap na..."

I stroked his hair. "Why, Elg? What's the problem?"

I felt him sway our body to the beat of his hum. Kumalma ang kan'yang katawan sa simpleng kilos na 'yon. Nang inilayo niya ang mukha mula sa leeg ay pansin kong umaliwalas ang mukha niya Idagadg pa na ngumiti siya sa 'kin.

He flashed a gentle smile, the vertical creases immediately formed at his cheeks. When his soft eyes collided with mine, it melted my insides.

He dragged his face to the direction of my cheeks. Marahas akong humugot ng hininga nang inilapit niya ang mukha sa akin bago binunggo ang tungki ng ilong.

Ngumuso siya at nagpakawala ng ngiti habang hinahalikan ang kabila kong pisngi.

"Gustong-gusto kitang halikan kaso naalala ko 'di pala tayo," nakangisi niyang sabi, paglalaro ay sumasayaw sa kan'yang nakasilip na mata.

"You kissed me at Araceli," I pointed out as I pinched his nose.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa bago hinalikan ang tungki ng aking ilong. Napapikit ako nang hinalikan niya ang gilid ng aking labi.

"Hanggang kailan pa ba 'ko mahihirapan?" tanong niya, direktang nakatitig sa aking mata. Pansin ko kung gaano kalungkot ang mga 'yon.

Ang kan'yang braso ay nakapulupot sa aking katawan. Kaonting galaw ay ibinabalik niya ang katawan ko sa kan'ya, umaayaw sa distansya.

"Elg, you can do it—you're strong," saad ko, inihihilig ang ulo sa kan'yang dibdib.

His hard chest rose up and down due to his heavy breathing. I felt how his heartbeat managed to coincide with the rhythm of mine, showing the utmost appreciation of beat.

"Gusto ko nang makasama ka na walang pinoproblemang susugod sa 'yo. Tangina ko rin kasi, e. Nandamay ako tapos ako matatakot sa dulo."

Tumingala ako at hinalikan ang kan'yang panga. Nakita ko muli ang pagguhit ng ngiti sa kan'yang labi bago ito bumulalas sa isang malawak na ngisi.

Underneath the moonlight and all the stars bright, Elgene Donovan is an epitome of happiness.

"I'll fix this, my princess, and after that, we'll be together for real," saad niya, ang mata'y malamlam.

Pagkatapos no'n ay inaya niya akong magpunta sa gig ni Eros. He said he wants to support his friend on his passion as he pursues his partner during his gigs. Though Elgene said that Eros won't tell it directly, it's visible in his eyes.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon