Kabanata 23
Why
If my smile can tear my face into pieces, it's already torn. Kanina pa ba naman ako nakangiti!
"Bakit nandito kayong dalawa?" hindi maitatago ang saya ko nang magtanong. Tsaka ko lang pinakawalan ang yakap nang makuntento.
My best friend smiled at me and pointed at Corinthian. Nag-taas baba ang kilay ni Raf bago mapang-asar na ngumiti. Sumunod sa galaw ang striped blue na button-down na suot niya na naka-tucked in sa ilalim ng high-waist na pantalon, binibigyang-diin ang maliit niyang bewang.
Her outfit reminded me of the 90s which fitted her perfectly. Her seafoam eyes that always illuminated her skin complimented her outfit, too. Kumikinang din laban sa ginintuan niyang balat ang suot na gintong kwintas habang ang maalong buhok ay nahahawig sa buhok ni Tita Zara.
Corinthian's thick eyebrows darted up. Amusement laced his eyes before he grinned and licked his bottom lip. He bowed down to scratch his nape before he chuckled. "Binibisita ka. Tagal na kitang hindi nakikita."
I dramatically touched my chest. "Magkano ba gusto mo?" I joked.
"Ide-date ko lang kayo!" He laughed. I saw him flex his muscles because of his muscle tee. Khaki shorts ang pinartner niya sa navy blue na pantaas. Napansin kong bahagya ring basa ang kan'yang buhok.
Itinago ko sa pamamagitan ng pagtawa ang pagdaan ni Elgene sa aking utak. This day should be free from him, kahit ngayon lang. Bukas ko na lang ulit poproblemahin.
"Tapos na ba classes mo, Umbrella?" tanong ni Raf habang papalabas ng building.
"Yep. Nagre-rehearsals lang kami para sa contest sa iasng araw."
Lumiwanag lalo ang mukha ni Corinthian. Hinahangin ang kan'yang malagong buhok. Napapatingin ang ibang babae sa paligid sa paghawi ni Cori... at dahil na rin sa pag-flex ng muscles.
"Girl, ang landi," I heard someone said before they giggled. Palihim kong inirapan at sumama sa kanilang dalawa papunta sa labas.
Pinatunog na ni Corinthian ang sasakyan niya. Mabilis kaming nagtungo ro'n at inunahan siya sa pagbukas ng pinto.
"Wala kang pasok, Raf?" Mabilis akong gumalaw papunta sa backseat ng Explorer. Of course, I want to sit beside my best friend! Ilang linggo ko na siyang hindi nakauusap ngunit natutuwa ako't maayos kami pagkatapos no'n.
She grimaced. "Wala. May seminar yung professors sa university for three days. Wala naman akong magawa ngayon so I went here. Nagpahatid nalang ako kay Kuya."
"Gagawin niyo akong driver?" ungot ni Corinthian pagkasakay sa harap.
Rafaela laughed evilly. "Of course! Or kung okay lang sa 'yo, ako magda-drive ng Explorer mo. Ang saya pa naman nitong ibunggo, ang lakas ng recoil."
Kunot-noong sumulyap si Corinthian sa pwesto naming bago bumelat. Pagkatapos no'n ay binuhay niya na ang makina. Binuhay na rin niya ang aircon pagkatapos ng ilang segundo.
"How's your octopus cousin? Wala na akong nababalitaan sa kan'ya," natatawa niyang sabi. "Nagpa-dye na ba siya ng hair na white? Sabihin mo i-try niya, mas maganda sa kan'ya 'yon para malaki na resemblance niya kay Ursula." Then she laughed again like a witch.
"Hilig mong i-bully si Ursula," komento ni Corinthian habang natatawa.
"Nakaiirita kaya siya noong bata kami! Umiyak-iyak akala mo naman hinampas ko ng dos por dos e tinarayan ko lang naman. Bida-bida!"
Natawa na lang din ako sa kwento ni Raf.
Ursula will always be my least favorite cousin. Pag pumupunta rito sa bahay noong bata ako, sinusubukan ko talagang makisama pero hindi ko talaga magawa. Pabalik-balik sila rito nang ilang beses pero noong isang taon lang tumigil.
BINABASA MO ANG
Complexity Of Us (STATION Series #2)
Fiction généraleUmbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on doing what she thinks is correct. The wrong thinking made her childhood as selfish as it could get bec...