Kabanata 25
Pakay
Pilit kong ibinaon ang paghahapdi ng dibdib.
"Elg! Wait!" rinig kong sigaw ni Quinley.
Humugot ako ng hininga at inalis na ang tingin mula roon. Umalis na rin mula sa pwesto sina Griffin at Kirk.
Nang ibinalik ko ang tingin kay Cori ay kumalabog ang puso ko. Unti-unting nawala ang kan'yang malawak na ngiti habang ang mata ay napalitan ng kalamlaman. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at nagpakawala ng maliit at pilit na ngiti.
Dumaan ang pait sa aking lalamunan nang mabasa ang reaksyon niya. "Cori..."
Corinthian is... disappointed, but he didn't want me to see it. Too bad I did.
I stared at him and instantly saw myself.
Tumango siya nang dahan-dahan at niluwagan ang hawak sa aking kamay. I tried holding onto his hand for him to not lose his grip, but he gave up. Tuluyan nang bumitaw ang kamay niya at nagbigay ng malaking pilit na ngiti.
Sumakit ang aking puso.
Corinthian, why are you doing this?
"Go on, Brella. Alam kong k-kailangan mo siyang puntahan," marahan niyang sabi at pumiyok.
"P-pero—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil marahan niya akong tinulak. Nang lingunin ko siya ay para siya basing sisiw.
He is dripping wet from leaving the pool. He gathered all his power after and ran towards me, asked me for a date, and what did he got in return? I left him with a heavy heart.
Naramdaman ko ang ilang takas na luha mula sa aking mata habang naglalakad palayo. Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang iwan ko mag-isa ro'n si Corinthian na nakangiti ng pilit. Biyak na biyak ang puso ko dahil...
Why do I hurt the people I care for? Why do I hurt the people who loves me? Naging makasarili na ba 'ko sa pagsama kay Elgene? Hindi naman, 'di ba? Ginagawa ko lang naman ang makakaya ko para maalis ang guilt sa puso ko mula pagkabata.
Bakit hindi ako kumbinsido sa sinasabi ko? Bakit parang mas malalim pa ro'n? Kailangan na kailangan ko ang kasiguraduhan ngunit hindi ko 'man lang makamit ngayon!
Buong-buo ang puso ko bago sumabak sa giyerang 'to. Ngayon, ano ang estado nito? Sa totoo lang, hindi ko na alam... kung ano ang nararamdaman ko, kung ano ang pinanghuhugutan ko, o kung ano ang posisyon ko. Kasi, bakit ko ba pinasok ang gulong 'to kung ayaw ko naman masira?
At bakit hindi ko matanggap-tanggap ang dahilan na kaya ako nasasaktan nang ganito ay dahil sa nararamdaman ko kay Elgene? Mali. Napaka-irasyonal.
Hinihila ng tanghaling hangin ang lahat ng init sa aking katawan. Walang ibang itinira kun'di lamig at kilabot. Bawat luhang pumapatak ay nagpapaalala ng bigat ng aking damdamin.
Mariin kong ipinikit ang mata at marahas na pinalis ang luhang dumikit sa pisngi.
I watched how they freely interact with each other without worrying about anyone's prying eyes. Or how they talked as if they are the only souls left to wonder—as if they were in love. Nakasasawa nang manood sa kanilang dalawa tila walang kinatatakutan. Buong-buo ang pag-uusap at walang pagtatago o sikretong pagkikita.
Pero pipilitin ko ang sarili na maramdaman ang kabuoan ng sakit.
Masakit ngunit hangga't kaya, aabante. Hangga't hindi pa nasisira, aabante. Hangga't hindi pa nagagamit, aabante, dahil mas magandang masaktan na agad para hindi na sobra-sobrang masira pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Complexity Of Us (STATION Series #2)
Ficción GeneralUmbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on doing what she thinks is correct. The wrong thinking made her childhood as selfish as it could get bec...