Kabanata 28
Ayaw
Pinigilan kong umawang ang bibig dahil sa narinig mula sa kan'ya. Eros might be silent and serious most of the times but the words he says are damaging. Sa sobrang bigat ng tinutukoy ni Eros ay kailangan pang intindihin sa maliliit na piraso.
Restrikto ang aking paghinga mula nang tinapos niya ang huling salita. Bawat bigat ay lumalapat sa aking katauhan, hindi nagbibigay ng tsansang lumuwag.
Tahimik lang siya sa pwesto habang iginagala sa paligid ngunit ang takot sa akin ay hindi nananahimik. Pinangunutan ko siya ng noo at pinigilang tingnan pa. For all I know, a wicked man doesn't want to reveal that he's wicked.
"Eros," delikadong banggit ni Zake at sinenyasang lumabas.
Sebastian followed the duo and left a smile for us. Tanaw ko ang bulto nilang tatlo na lumabas mula sa establisyimento. Doon na lamang ako nakahinga nang maluwag.
"You look tensed," komento ni Cori sa 'kin.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga at ininom ang tubig na nakapwesto sa harapan. Sa sandaling oras ng pagbuka ng bibig ni Eros ay nanuyo ang aking lalamunan.
Hindi ko alam na gano'n ang personalidad ng mga kabanda ni Elgene. Ngunit paano ko sila makikilala kung si Elgene nga ay hindi ko gaanong kilala? Hindi sapat na kilala ko siya noon para mapatunayang kilalang-kilala ko ngayon.
Rafaela glanced at me worriedly. I relaxed her with a small smile before leaving her gaze. Gusto yata akong kamustahin nina Maxinne at Sienna ngunit nahihiya sila. Nag-thumbs up na lang ako.
"I'm sorry," Maxinne mouthed.
I smiled at her before completely drawing my attention to the live band.
Their voices filled the voidness of my soul. The tones spilled in my heart like venom. My emotions doubted my rationality for the fraught of knowledge maneuvered my heart. I felt so lost, so deprived of a thing I never had.
Why did I yearned for him when all that he ever did to me is to yearn for hope and forgiveness? My guilt never stopped me from ending this hypocrisy—what stopped me is the lone tear that escaped from his juvenile heart.
Nahihirapan ako nang sumandal sa upuan. Marahang hinaplos ni Corinthian ang aking likod nang mapansin niya ang kakaiba sa 'kin. Iniwasan kong mahagip ang tingin ni Rafaela dahil alam kong kauusapin niya ako tungkol dito.
Sa iba ko na lamang ibinaling ang atensyon.
Ang lalaking katabi ni Virgil ay may ahit sa kilay. Ang pagiging makapal no'n ay kumontra sa kan'yang maputi at makinis na mukha. Mapaglaro siyang napatingin sa 'kin at ngumisi. Patlaikod niyang sinuklay ang buhok bago ipinatong ang braso sa lamesa.
Virgil noticed what his friend is doing so he slapped his back. Napaubo ang kaibigan niya at hinampas din ito pabalik.
"Tarantado!" sigaw ng kan'yang kaibigan.
"Putangina mong tarantado ka," sambit ni Virgil pabalik.
Corinthian, being somewhat pabida-bida, stood up and slapped his friend's back.
"Ang lutong niyo magmura!"
Halakhak ang naging sagot ni Virgil sa sinabi ni Corinthian.
The guys started to talk animatedly. Ipinakilala ni Virgil ang mga pinsan niya sa 'min kahit na naipakilala kanina.
Theseus Zaragoza sat adjacent to Bistro. Parehas na prominente ang cheekbones ni Bistro at ni Theseus ngunit mas depinido ang kay Bistro. What's synonymous to their appearance is the sharpness of their eyes. Though Virgil look like a tamed man, the sharpness didn't waiver.
BINABASA MO ANG
Complexity Of Us (STATION Series #2)
Fiksi UmumUmbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on doing what she thinks is correct. The wrong thinking made her childhood as selfish as it could get bec...