Kabanata 29

3.1K 99 10
                                    

Kabanata 29

Excuses

"Yung gown niya, ready na? Yung make-up artist, nandito na 'di ba?"

Ang kaguluhan ang bumungad sa 'kin ngayong umaga. Sinulyapan ko ang oras at nakitang alas nuebe na ng umaga. May dalawang malaking plastic ang nakasabit sa clothing rack malapit sa pinto.

"Maria! Pakigising naman si Izidara, sabihin mo may laban siya ngayon," rinig kong sigaw ni Mommy.

Kunot-noo akong bumaba ng hagdan at nilapitan na si Mommy. Tinapik ko siya sa balikat at nagtatakang tinignan.

"My? Anong meron?"

My mother's worried face greeted me. Medyo stressed siya sa oras na 'to at hindi ko alam kung bakit. "Today's your contest, Izidara! Nakalimutan mo na ba?"

Nanlaki ang aking mata nang matandaan iyon. Of all the things to forget, iyong contest pa!

Dali-dali akong kumain at naligo't gumayak. Alas sinko ng hapon ang simula ng pageant sa ibang university ngunit kailangan ko na agad pumunta bago sumapit ang alas dose para sa rehearsals. Magba-blockings pa dahil ito lang ang oras na makapagre-rehearsal ako dahil busy sa schedule.

Basa pa ang buhok ay pumasok na ako sa loob ng SUV. Nasa isang van ang evening gown at high fashion casual wear na susuotin ko. Nakasakay rin do'n ang ilang make-up stylist at hairdresser na susunod mamaya. Mauuna ako dahil kailangan sa rehearsals.

Kinatok ni Mommy ang bintana ng sasakyan. Ibinaba ko ito.

"Did you bring your things already?"

I nodded. "Mamaya pa naman po dadalhin ang gown. Bakit nagmamadali po kayo?"

"I just want to make sure that everything's in place," nakangiting sabi ni Mommy.

She told me some precautions of things I should do. Tango lang ang naisagot ko at nagpaalam na dahil mala-late na ako.

"Galingan sa rehearsals, okay?"

"Yes po."

From: Therese

Girl, good luck sa pageant today! I'll try to go. Pipilitin ko talaga!

Kailangan kong makapunta kahit na mag-cutting pa ako. Haha.

To: Therese

'Wag kang mag-cutting!

May pasok si Therese ngayon ngunit kaonting subjects lang naman ang nasa schedule. I won't miss that much, kung mayroon 'man, kay Therese ako manghihingi ng dapat gawin.

From: Corinthian

Ano oras laban mo?

To: Corinthian

Mga 5. Bakit, pupunta ka?

His reply was instant.

From: Corinthian

Sheperd. Ako pa! sa RCA, 'di ba?

To: Corinthian

Yep! Siguraduhin mong hindi ka magcu-cutting ha.

From: Corinthian

Yes, ma'am! Masusunod!

The university allowed me to rehearse for today. Ngayon lang kasi ang libre kong oras dahil naging abala ako sa mga nakaraan. Habang nng ibang contestants mula sa universities dito sa Pampanga ay nakapag-rehearsal na dahil hindi naman daw gaanong ka-tight ang schedule nila.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon