Kabanata 7

5.2K 160 28
                                    

Kabanata 7

Caught

Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Mommy ang nangyari kahapon. Hindi rin naman ako makahanap ng tyempo ngayon dahil dumating sina Tita Dorothy kasama ang anak niyang si Ursula. Tatlong araw daw sila rito kaya mapipilitan akong pakisamahan ang pinsan kong nakaiirita.

Hindi naman sa ayaw ko sa kan'ya—talagang naiirita lang talaga ako sa pangalan niya.

"Hello, Izidara! Ang laki-laki mo na," Tita Dorothy exclaimed.

"Hello po, Tita!" nakangiti kong sabi at nakipag-beso. Sinulyapan ko ang pinsan ko.

Though she's not going with a pale violet complexion, a white hair, a ridiculous make up and a bunch of ugly tentacles, her name screams about her personality: annoying.

Ito ang tunay na fairy tale—isang nakaiiritang pinsan mula pagkasilang niya.

"Hello, Ursula." Sinubukan kong gawing masaya ang tono pero ayaw ko talaga sa kan'ya.

"Hi, Brella!" she exclaimed and pulled me into a hug. Napilitan tuloy akong yumakap pabalik.

Her black bob cut hair stood against her skin white complexion. Ang tanging kahawig lang ng kan'yang itsura sa pangalan ay ang balat na halos kakulay ng buhok ni Ursula.

I remember asking my Mother why Tita Dorothy named her daughter Ursula. Iyon ang unang beses na pupunta sina Ursula rito kaya nagtaka talaga ako sa pangalan niya.

"You're going to meet your cousin, Izi..."

I fixed the bow on my head and patted my hair. "What's her name, Mom?"

"Her name is Ursula. Be nice to her, okay?"

Napangiwi ako sa narinig. Naalala ko ang babaeng octopus sa Ariel. "Bakit Ursula?"

My mother shrugged. Bumaling naman ako kay Ate at napansing may kaonting ngisi sa labi niya. Nang mahuli akong nakatingin ay inalis niya kaagad.

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy. "Is she ugly? Ursula is ugly, right?"

Nginitian ako ni Ate at tinapik ang balikat. "You're bad, Izidara."

Hindi ko masabi na mabait talaga akong pinsan kay Ursula. Tanda ko naman na sinusubukan ko siyang pakisamahan noon pero ayaw ko talaga kasi kapangalan niya 'yung kontrabida. Tuwing pumupunta kasi sila rito, naabutan nila akong nanonood ng Disney movies. Sakto naman na The Little Mermaid ang pinapanood ko kaya inasar ko siya.

She ended up running to her mother, crying.

Mabait naman siya noong bata. Talagang pinagti-tripan ko lang dahil kapangalan niya ang nakaiiritang kontrabida sa Little Mermaid. Kahit na sinabi ni Mommy ay magpakabait ako sa kan'ya dahil wala siyang tatay ay inuunahan pa rin ako ng inis.

Lumapit ako kay Mommy para humingi ng tulong dahil ayaw kong makipag-usap sa pinsan. Gusto ko ring sabihin na ilalaban kami ni Genesis para sa Math Wizard. Hindi ko sigurado kung individual, by partner, or by group, pero kailangan ko nang mag-aral.

"Octavia, I see you're doing good!"

Kumalas si Mommy mula sa pagkayayakap at ngumiti. "Glory all His, Dorothy! Malakas ang ospital ngayon at maganda ang takbo. For the pharma, maraming naishi-ship sa ibang lugar that's why it's prospering well."

She nodded. "Kitang-kita nga. Mabuti't nakahon na sa isyu noon. Ayos lang ba talaga sa inyo ni Frank na rito kami makituloy pansamantala? Hindi pa kami maka-diretso sa Araceli dahil malakas ang ulan."

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon