Kabanata 3
Blue
"'Wag ka na ngang sumimangot! Papangit ka."
Sinamaan ko ng tingin si Rafaela dahil sa sinabi niya. Ininda ko na lang kahit na buong Linggo na niya akong inaasar. At tsaka kahit mainis ako, alam kong hindi siya titigil.
"E kasi naman!" pagrereklamo ko. "Ang daya-daya ni Teacher Lala! Sabi niya last year, ako raw ang lalaban sa Math Wizard. Tapos ngayon, bakit 'yung Eion Jessie ang pinanlaban?! Kinuha na nga niya 'yung title ko na magaling na Mathematician, pati ba naman sa Math Wizard?"
Naiiyak na 'ko dahil sa inis.
"Hindi naman sinabi nina Tita Octavia na sumali ka r'yan kaya okay lang siguro kina tita 'yon—"
"E sa gusto kong sumali, e!" Ang tangi kong nasabi dahil sa inis.
Sa pakwan ko na lang ibinuntong ang inis at galit dahil sa nangyari. Hindi ko na lang din pinansin si Raf kaya inikot ko na lang ang tingin sa paligid. Maswerte ako at hindi niya alam na kaya ako bumibili ng fruit mix dito ay para makita ang crush ko.
Si Corinthian Escobar! Mathematician Master siya noong Grade 7, tapos Secretary naman siya ng SSG ngayong Grade 8 siya. Nakaupo siya ngayon sa isang lamesa habang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.
Hay nako! Ang galing-galing talaga niya sa Math kaya crush na crush ko siya.
"Crush mo?"
Nanlaki ang mata ko. Hala nahuli ako! "H-Hindi 'no!"
"Ba't namumula ka?"
Inirapan ko siya at kinain ang pinya. "W-Wala!"
Ngumuso muli ako at pasimpleng sinulyapan si Corentin na natatawang nakaupo sa lamesa. Hindi ko napansin na ang lapit pala ng table nila sa 'min! Ang saya-saya naman ng araw na 'to kahit na nabubwisit ako kanina kay Eion Jessie.
"Rafaela!"
Napairap ako sa ere nang marinig ang boses ni Cassian, ang maingay at makulit na pinsan ni Raf.
Patakbo siyang nagpunta sa pwesto namin habang hawak ang mansanas na may malaking kagat. Mabilis siyang umupo sa bakanteng upuan, umaaktong "cool" habang hinahagis-hagis 'yung mansanas sa ere.
Hmp! Feeling niya ang cool-cool niya tingnan? P'wes, mukha siyang shunga! Mahulog sana ang hawak niya.
"Ba't ka nandito?" tanong ni Raf.
Presko niyang inayos ang buhok. "Tinatanong ni Mommy kung tuloy birthday party mo."
Tumingin ako kay Cassian para samaan ng tingin kasi hinaharangan niya si Corentin. Lalo akong nainis kasi nag-pogi sign pa siya!
Wala akong nagawa kun'di batuhin siya ng ubas. Bwisit talaga!
Pasimple akong umayos sa pwesto para masulyapan si Corentin na kumakain ng fruit mix. Favorite niya 'yon?
"Birthday parties are for bata."
"Pero bata ka pa rin kaya!"
"Grade 5 na 'ko," sagot ni Raf.
"O? E ano ngayon? Ako rin naman! Kids pa rin tayong tatlo, 'di ba, Brella?" Inirapan ko siya. Binelatan lang ako. "Ang hindi na kids ay sina Kuya Zigzag!"
Suminghap si Raf. "Isusumbong kita kay kuya. Tinawag mo siyang Zigzag!"
Ngumiwi si Cassian. "Ano ngayon? 'Yon naman talaga pangalan ni Kuya! At ikaw, isusumbong din kita! Bakit kayo nandito sa canteen ng high school e hindi kayo high school?"
BINABASA MO ANG
Complexity Of Us (STATION Series #2)
Ficción GeneralUmbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on doing what she thinks is correct. The wrong thinking made her childhood as selfish as it could get bec...