Wakas

9.8K 187 42
                                    

Maraming-maraming salamat sa pagbabasa! Lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Thank you for making it here. Thank you for being a part of my 2018. I love you and see you on "Dawn of Hearts"! 

All the love, my Ampersands!

Wakas

"This is Thomas Donovan, your father..."

Kinder at limang taong gulang ako nang ipakilala sa 'kin ang tatay ko. 'Di ko alam gagawin kaya tinitigan ko lang ang nakalahad niyang kamay. Nakangiti pa siya sa 'kin pero parang may kakaiba sa ngiting 'yon.

Naririnig ko, kapag daw tatay mo 'yon, matutuwa ka, e. Pero bakit 'yung ngiti sa mukha ng lalakeng 'to 'di ako nakukumbinsi? Matagal ko na kasing hinahanap si Papa pero ngayong nasa harapan ko, 'di ko alam kung matutuwa ako o ano.

At tsaka, bakit pinakikila pa sa 'kin ni Mama? 'Di ba dapat ramdam ko na 'yon? 'Yung lukso ng dugo raw. Pero sabi nila, masyado pa raw akong bata para problemahin 'yon.

Bakit 'di na lang ako matuwa na may Papa ako? Sige na nga, para wala nang mang-aasar sa 'kin at sasabihing wala akong Papa.

Inabot ko na lang ang kamay ng tatay ko raw. Pagkatapos no'n, nagpaalam agad ako at nagpunta sa kwarto ni Mama.

Halos isang taon yata nang makilala ko si Papa. 'Di rin naman totoo kasi 'di ko naman ramdam na nando'n siya. Padaan-daan lang sa bahay tapos kapag nakikita ako, tititig lang sa 'kin at tatango. Ayon lang. Para wala lang ako. Parang hangin lang ako.

Bakit? Kasi bata pa ako?

Ngumuso na lang ako bago humiga sa kama. Matagal na ring hindi bumibisita si Mama. Siguro dahil masakit lagi tiyan niya? Medyo malaki kasi tingnan tiyan niya. Parang busog o kaya may bola sa tiyan, gano'n. Okay lang din naman kay Papa kasi 'di ko naman sila nakikitang nag-uusap tungkol do'n.

O baka 'di ko lang nakikita kasi masyado akong bata?

"Kain ka nang marami, hijo, ha?" saad ni Ate Martha.

Sabi ni Ate Martha, 'yung matandang kasambahay na laging nagbabantay sa 'kin, kailangan ko raw kumain nang marami para lumaki ako. Pwede ba ako maging matanda 'pag gano'n? Hindi naman daw kasi hindi nakatatanda ang pagkain. Nagpalulusog lang sa 'kin.

'Yon din siguro dahilan kung bakit payat ako—'di ako kumbinsido sa mga kinakain ko. Gusto ko na yata maging mature na para mapansin ni Papa.

Bago mag-start 'yung klase, may pinuntahan akong birthday party tapos kailangan daw naka-costume. Pinapupunta ako, sabi ko papayag lang ako kung pang-mature suot ko. Kahit na nagtataka si Ate Martha no'n (wala kasi si Mama kasi masakit pa rin yata tiyan), pinagsuot na lang niya ako ng Romeo raw. Iyon lang din kasi binili ni Papa.

Kita mo 'yon? May pake pala siya sa 'kin! Sabi na nga ba, kailangan ko lang maging mature para mapansin ni Papa. 'Yan tuloy, nabilhan ako.

"Mommy, I am Juliet!" rinig kong maktol ng isang bata pagkarating namin do'n.

"Hijo, tingnan mo at meant-to-be ang damit ninyong dalawa."

Napatingin ako kay Ate Martha. "Po?"

"Siya ang Juliet mo," dagdag niya.

"Po?" pag-uulit ko. Umalis ako sa likod ni Ate Martha at sinilip ang batang babae.

Okay lang naman suot niya, mukhang pang-mature pero mas mature ang sa 'kin.

Nang makita ko ang nanay niya, napalingon siya sa 'kin at nginitian ako. Nakaramdam ako ng pagtutulak do'n, tsaka ko lang napansin na nakarating na pala si Mama. Akala ko 'di pupunta at kailangan ko pang lalong maging mature, e.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon