Kabanata 5
Nine
Ilang buwan na ang nakaraan pagkatapos sayangin ng idiot na Eion Jessie na 'yon ang oras ko. At ang natatandaan ko lang noon ay galit... at inis.
Istorbo at paepal siya! Mabuti na lang at Vice President ang tinakbo niyang posisyon para sa SPG Council. Sana namang ngayong Grade 6 na kami ay hindi na siya bida-bida. At tsaka, panigurado na naman na magiging Valedictorian ako ngayong graduation. Nag-aaral ako nang maigi at ang tataas ng grades ko.
"Sooo, sinabi ni Elliot na crush ka niya?"
Bumuntong-hininga ako sa tanong niya. Matagal na 'yon nangyari pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naka-ge-get over si Rafaela. Hindi ko alam kung bakit.
"Last year pa 'yon, Raf. Tigil na," sabi ko, naaasar.
"Baka feelings niya hindi pa last year."
Ngumiwi na lang ako sa narinig at dinama ang malamig na hangin. Maulap ngayong araw kaya nang makita sa field si Corinthian ay hinatak ko agad sa bleachers si Raf. Hindi naman siya nakapagreklamo kasi presko naman dito.
At tsaka, vacant naman namin ngayon, e!
"Dito rin ba magge-Grade 10 si Corentin?" I asked.
Nilingon ako ni Rafaela at mariin akong tiningnan. Sa paraan ng pagtitig niya ay alam kong may sasabihin na naman siya.
Umirap at ako bumuntong-hininga.
"Oo, Raf, crush ko," pag-aamin ko, bahagyang namumula ang mukha. Ang tali-talino at ang cute-cute kaya ni Corinthian!
"Pa'no si Elliot?"
Kinunotan ko siya ng noo. Iimik sana ako ngunit may napansin akong tao na lagpas kay Rafaela. Doon tuloy napunta ang tingin ko.
Ang itim niyang buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin. Sobrang naniningkit ang mata niya dahil sa sama ng tingin sa 'kin!
Grabe naman 'yon. Wala naman akong ginagawang masama para samaan niya ako ng tingin.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hindi pinansin.
"May dugong Chinese 'yan," komento ni Raf nang makita si Elliot the idiot.
Hay nako! Ang dami-daming pinagsasabi ni Raf.
Uminiling na lang ako at ibinalik ang tingin kay Corentin na mag-shu-shoot na ng three-point shot. Mabuti nga at nasaktuhang PE nila at sa court naglalaro, e! Dahil do'n, makikita ko tuloy si Corentin na naglalaro.
"Go Corinthian!"
"Escobar for three!"
"'Di ka ba naiingayan?" tanong ni Raf, bahagyang naiirita sa mga sumisigaw na high school students.
Hindi ko siya pinansin at nakisabay sa mga sigaw.
"Go crush!" sigaw ko pagkatayo. Ramdam ko ang tingin ng iba pagkatapos kong sumigaw. Wala akong pake dahil nag-shoot naman ang bola.
Malawak akong ngumiti at umupo muli, pinapaypayan ang sarili. Bahagyang natatawa si Rafaela sa pamumula ng mukha ko.
"Baliw ka!" Rafaela hissed.
Ano naman ngayon kung namumula ako o kaya crush ko si Corinthian? Kasalanan ko bang magaling siya sa Math at crush ko ang mga magaling sa Math?
Napansin ang isang kaibigan ni Cori kaya hinampas siya sa likod. Itinuro ako ng kaibigan niya. Agarang naputang ang tingin niya sa 'kin kaya napakurap ako, nagtataka kung totoo. At totoo nga! Mabuti na lang at nagseryoso na ulit siya sa laban, kung hindi, lalo akong mamumula rito.
BINABASA MO ANG
Complexity Of Us (STATION Series #2)
Ficción GeneralUmbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on doing what she thinks is correct. The wrong thinking made her childhood as selfish as it could get bec...