CHAPTER 4

465 11 0
                                    

YANNA POV

Andito na kami ngayon ni Lance sa mansyon.

"Hon paano na'to? Nagtataka na talaga ako kung sino ang pumatay kay Tita Amanda. At gusto ko na talagang makita ang killer na'yon!" galit kong sabi sabay tingin kay Lance.

Kaya bigla niyang hinawakan ang aking mukha gamit ang kanyang dalawang palad.

"Huwag kang mag-isip nang ganyan tungkol sa pagkamatay ni Tita Amanda. At saka hayaan na lang natin ang mga Pulis na hanapin ang kriminal na'yon!" galit niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata kaya bigla ko siyang niyakap nang sobrang higpit.

"Bakit ba kasi nag-away pa kami ni Tita Amanda. Nakokonsinya tuloy ako." malungkot kong sabi sabay tingin sa asawa ko kaya napatingin siya sa akin.

"Magpahinga na tayo at saka sinabi ko naman sa'yo na huwag kang mag-isip nang ganyan hindi ba? Ayokong mapagod ang asawa ko at lalong-lalo na sa lahat na hindi mo kasalanan ang pagkamatay niya, siguro iyon na talaga ang nakatakda niyang oras para sa kanyang kamatayan kasi Hon hindi mo naman macontrol ang buhay mo bilang isang tao. " sabi niya habang nakatingin sa akin.
Kaya tumango nalang ako sa kanyang sinabi para naman hindi naman niya mahalata ang lungkot sa aking mga mata.

Pero tama si Lance, hindi mo talaga ma control ang buhay ng tao kapag ito na ang nakatakdang oras niya.

"Huwag mo na ulit iyon uulitin na sisihin ang sarili mo kasi hindi mo kasalanan ang nangyari kay Tita Amanda." sabi ni Lance.
Pero parang wala akong narinig nanatiling natulala nalang ako.

"Maliwanag ba?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah Oo." sabi ko sa kanya.

LANCE POV

Buw*sit kasing Amanda na 'yon!

Nang dahil sa kanya nag-alala tuloy ang asawa ko!
Kaya heto ako ngayon nakaupo sa sofa habang ang asawa ko naman ay nakahiga sa aking heta.

"Hon? Paano kung mahanap na natin ang killer anong gagawin natin sa kanya?" tanong ko kaya napatingin si Yanna sa akin habang nakayakap sa aking bewang.

"Kung mahanap na natin ang killer na 'yon hindi niya na kailangan makulong! Kasi ang dapat sa kanya ay patayin tulad nang pagpatay niya kay Tita Amanda!" galit na sabi ni Yanna.

"Kung mahanap na natin ang killer na 'yon hindi niya na kailangan makulong! Kasi ang dapat sa kanya ay patayin tulad nang pagpatay niya kay Tita Amanda!" galit na sabi ni Yanna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


At napatingin kami sa TV.
Kasi mayroong balita tungkol kay Mr. Smith.

"Isang Negosyante rito sa Pilipinas na si Mr. William Smith ay natagpuan kaninang madaling araw sa Smith Building na walang buhay, dahil tinulak siya at hindi lang 'yon kasi marami pa itong saksak sa buong katawan at pati na yung mga mata nito ay wala na, marami ang nagalit sa taong may gawa nito at sa ngayon hindi pa nahahanap ng mga Pulis ang taong may gawa nito.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon