CHAPTER 5

409 10 0
                                    

LANCE POV

Andito na ako ngayon sa Antipolo.
Kaya napagdesisyonan kong lumabas sa loob ng aking kotse at inaabangan na pala ako ng mga tauhan ko sa labas ng lumang bahay.

Nga pala iba ang kotse na dala ko ngayon.

Kanina kulay itim ngayon kulay pula.
Baka kasi may makakita sa akin mahirap na!

"Boss nasa loob na ang Jake na 'yon." sabi ni Arnold sabay bigay sa akin ng mask, sombrero at jacket. Kaya agad ko iyon kinuha sa kanyang kamay.

"Mabuti naman kung sa gano'n! Gusto ko kasi na ako mismo ang papatay sa lalaking 'yon!" galit kong sabi sabay suot ng jacket bago ang mask.

"Boss." tawag ni Ian kaya pumasok na kami sa loob ng lumang bahay.

Nang makapasok na kami sa loob agad kong nakita si Jake nakaupo sa isang upuan habang nakagapos ang dalawa niyang kamay at paa.

Kaya nilapitan ko ang lalaking iyon.

"Sino ka! Sino kayo! Pakawalan niyo ako!" sigaw niya sa amin kaya bigla ko siyang sinuntok sa tiyan.

"Aray!" sigaw niya.

"Wala kang karapatan na lapitan ang pagmamay-ari ko!" galit kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo! Hindi kita ma intindihan! Wala naman akong may nagawang masama sa'yo!" sigaw niya sa akin.

"Wala nga ba? Haha nagpapatawa ka ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Ano ba ang ginawa ko sa'yo ha? Sabihin mo nga nang nalaman ko!" sigaw niya sa akin.

"Hindi ko na kailangan sabihin sa'yo! Kasi papatayin na kita!" galit kong sabi sabay tingin kay Jacob at lumapit naman siya sa akin habang dala-dala ang isang matulis na kutsilyo.

"Matulis hindi ba?" nakangiti kong tanong kay Jake habang pinapakita sa kanya ang matulis na kutsilyo na hawak-hawak ko.

"Kung sino ka! Isa kang demonyo!" sigaw niya sa akin kaya bigla siyang binugbog ng mga tauhan ko.
Haha mabuti nga sa kanya!

Mang-aagaw kasi!

"Pakawalan niyo ako!" sigaw niya.
At bigla ko nalang hiniwa ang kanyang braso.

"Aray!" sigaw niya sa sobrang sakit.

"Iyan ang nararapat sa iyo!" sigaw ko sabay suntok sa pangit niyang mukha.

YANNA POV

"Ma'am Yanna andito na po tayo." sabi ni Mang Jhonrey sabay hinto ng kotse sa gilid ng daan.

At dali-dali na akong lumabas sa loob ng kotse at sinundan naman ako ni Mang Jhonrey.

"Mang Jhonrey ako na po ang papasok sa loob." sabi ko at kinagulat niya.

"Ano? Pero dalikado po sa loob Ma'am Yanna." sabi niya.

"Basta sundin mo 'yong utos ko Mang Jhonrey, kapag hindi pa ako nakalabas lampas ng 30 minutes humingi po kayo ng tulong sa mga taong malalapit dito."sabi ko.

"Pero-" hindi niya na tuloy ang kanyang sasabihin kasi bigla nalang ako nagsalita.

"Please Mang Jhonrey para sa kaibigan ko." sabi ko at tumango naman siya bilang sagot nito sa akin.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon