Chapter 24

430 10 0
                                    

LANCE POV

Andito ako ngayon nagmamaneho ng kotse kailangan kong pumunta sa Losbaños papatayin ko na talaga si Jade at Yanna , sigurado na ako sa aking desisyon.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya tumatawag kasi si Arnold.

"Boss nakatakas ang mag-ina ." sabi niya.

"Ano? Buwisit hanapin niyo!" sigaw ko.

"Hindi pa sila nakakalayo boss hinahanap na po namin sila." sabi niya at binaba ko na ang tawag at binilisan ang pagmamaneho ng kotse.!

Buwisit Yanna! Ginagalit mo talaga ako!

AJ POV

"Lance! Lance!" sigaw ko sa labas ng kanilang mansyon at nakita kong binuksan ni Marie ang gate.

"Bakit?" tanong niya.

"Kailangan kong makausap si Lance!" galit kong sabi.

"Wala siya rito! At saka ano iyang dala mo?" tanong niya habang nakatingin sa envelope na hawak ko.

"Ito?" tanong ko sabay pakita ng enevelope sa kaniya.

"Hindi! Iyang buhok mo!" sigaw niya hay pilosopo talaga itong babaeng ito! Bakit ko ba siya binuntis? Buwisit!

"DNA ni Lance at Jade! At tinatanong kita kong saan si Lance." sabi ko

"Haha secret!" sabi niya sabay sara ng pinto.

Hay kong hindi mo lang dinadala ang anak ko! Sinuntok na talaga kita Marie!.

Kaya pumasok na ako sa loob ng kotse at na pa isip ko kong saan puwedeng pumunta si Lance.

Alam ko na! Sa Losbaños sa lumang mansyon.
Kaya dali dali na akong pumunta roon .
Kailangan niya nang malaman na anak niya talaga si Jade.

YANNA POV

"Haha na huli rin kayo!" sigaw ng lalaki.

"Please pakawalan niyo na kami!" sigaw ko sa kanila.

"Haha . Ano akala mo sa amin? Uto? Uto? Haha nagkakamali ka!" sigaw ng lalaki sabay sampal sa akin.
Buwisit ang sakit!

"Mama!" sigaw ni Jade.

"At ikaw bata! Dapat kana sigurong mawala sa mundong ito!" sigaw ng lalaki sabay suntok sa anak ko.

"Jade ! Buwisit ka! Huwag mong saktan ang anak ko!" sigaw ko sa mga lalaki.

"Haha Oh diba? Iyan ang empyerno! Kasi niluko mo si Boss!" sigaw ng lalaki habang ako naman umiiyak na nakatingin kay Jade.

"Jade? " sabi ko sabay tulo ng aking mga luha hindi ko kaya na nasasaktan ang anak ko.

Lumapit ang isang lalaki sa akin sabay sabunot ng aking buhok upang makatingin ako sa kaniya.

"Haha sayang ka! Ang ganda mo pa sana kaso pinagpalit ka ni Boss kay Miss Marie." sabi niya.
At bigla niyang hinalikan ang leeg ko.

"Ano ba! Buwisit! Bitawan mo ako!" sigaw ko habang ang mga lalaki naman ay tumatawa.

"Bitawan mo ang mama ko!" umiiyak na sabi ni Jade.

"Oh Ian? Bakit tumigil ka? " tanong ng isang lalaki sa lalaking humalik sa akin.

"Baka maabutan tayo ni Boss."sabi niya sabay tingin sa kanyang mga kasama.

"Haha diba patayin naman ni Boss ang mag-ina na iyan? Kaya tayo nalang ang pumatay sa dalawang iyan!" sabi ng lalaki sabay lapit sa akin.

"Mabuti nga na niluko mo si Boss! Para makatikim naman ako sa ganitong makinis na kutis." sabi niya habang hinahawakan ang aking braso.

"Lumayo ka sa akin! Napakamanyak mo!" sigaw ko at napatingin siya sa kanyang mga kasamahan habang nakangiti ng sarkastiko.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon