CHAPTER 12

322 10 0
                                    

After 2 Days

"Yanna Babalik nalang kami ni Yasha sa Cebu." sabi ni ate kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano? Bakit?" tanong ko.

"Wala naman sina Mama at Yuhan kaya doon nalang kami titira ni Yasha." sabi ni ate.

"Ate huwag na po kayong aalis please? At saka wala namang tao rito sa mansyon kapag aalis pa kayo ni Yasha." sabi ko.

"Pero-" hindi ko na pinagpatuloy ang kaniyang sasabihin kasi bigla nalang ako nagsalita.

"Ate please?" sabi ko.

"Oh sige na nga." sabi niya kaya bigla ko siyang niyakap ng mahigpit ang bait bait talaga ni ate.

"Pasalamat ka mahal kita Yanna." sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Salamat po ate ako rin mahal ko rin kayo ni Yasha." sabi ko sabay yakap ulit sa kaniya.

"Amm ate kailangan ko nang umalis." sabi ko.

"Ah oh sige mag-ingat ka." sabi niya.

"Opo at saka magpahinga na po kayo." sabi ko.

"Oo." sabi niya at umalis na ako sa mansyon habang nagmamaneho ako ng kotse bigla nalang nagring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa upuan ng aking kotse at sinagot ko na ang tawag.

"Hello Aj bakit?" tanong ko.

"Yanna magkita tayo sa *******Restaurant may importante akong sasabihin sa iyo." sabi ni Aj sa kabilang linya.

"Oh sige papunta na ako riyan." sabi ko sabay baba ng cellphone at lumiko na ako.

Nang nandon na ako sa loob ng Restaurant agad kong nakita si Aj nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko sabay upo sa harap niya.

"Yann Kailangan mong umalis dito sa Pilipinas." sabi niya.

"Ha? Bakit?" tanong ko alam ko kasi sa boses niya na kinakabahan siya.

"Basta! Sumama ka sa akin pupunta tayo sa America." sabi niya.

"Bakit nga ano ba ang problema? At bakit kailangan ko pang sumama sa iyo!" sabi ko nakakapikon na kasi siya eh!

"Yann Ang gusto ko lang sabihin sa'yo na nanganganib ang buhay mo rito sa bansa! Kaya please lang sumama kana sa akin!" sabi niya at doon ko naalala ang panaginip ko tungkol kina mama, kuya at kay papa na ang sabi nila sa akin na mag-iingat raw ako.
Kaya huminga ako ng malalim sabay sabing.

"Oh sige." sabi ko kaya bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

"Huwag kang mag-alala Yann hindi kita pababayaan doon." sabi niya.

"Salamat Aj by the way kailangan itong malaman ni Lance." sabi ko.

"Hindi puwede!" diretso niyang sabi .

"Ha bakit naman?" tanong ko.

"Basta." sabi niya.

"Bakit nga? Asawa ko pa rin si Lance." sabi ko.

"Yanna please lang para sa kaligtasan mo dapat tayo lang dalawa ang makakaalam na pupunta ka sa ibang bansa!" sabi niya.

"Pero-" hindi niya na pinagpatuloy ang sasabihin ko kasi bigla na siyang nagsalita.

"Yann para sa anak mo." sabi niya kaya napatingin ako sa aking tiyan na medyo malaki na rin.

"Oh sige." sabi ko sabay tingin kay Aj at nakita kong bigla nalang siyang ngumiti kaya ningitian ko rin siya.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon