CHAPTER 7

349 14 1
                                    

Nakalipas ang isang linggo.
Andito ako ngayon sa Hospital, habang nag-aayos ako ng mga files bigla na lang ako tinawag ni Doctor Lazzaro kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit po Doc?" tanong ko.

"Yanna puntahan mo muna ang pasyente sa room 24 siya lang kasi mag-isa roon, samahan mo muna siya baka kasi mayroon siyang kailangan, mabuting nandiyan ka at saka ang gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na isa siyang Business Man dito sa pilipinas ." sabi ni Doc.

"Opo Doc." sabi ko sabay labas papunta roon.

Nang nandoon na ako kumatok muna ako sa pinto.

"Pasok." sabi niya kaya binuksan ko na ang pintuan at nagulat ako sa aking nakita.
Gano'n din s'ya.

"Yann?" gulat niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Hindi Yanna! Matagal na'yon kaya huwag ka nang magpaapekto! Past na'yon!

"Kamusta kana?" tanong niya sa akin.

"Okey lang ikaw?" tanong ko sabay lapit sa kanya.

"Okey lang din." sabi niya kaya tinignan ko ang buong kuwarto, wala nga siyang kasama.
Hay kawawa naman!

"Nasaan si Marie?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Wala na kami, matagal na noong lumayo ka." sabi niya kaya ngumiti ako nang sarkastiko.

"Talaga at bakit naman?" tanong ko.

"Basta."sabi niya.

"Okey, nga pala bakit ka nandito?" tanong ko.

"Syempre na aksidente!" pilosopo niyang sagot sa akin.

"Sa Hospital may iba't iba ang uri ng sakit at aksidente, akala ko kasi may taning na 'yang buhay mo!"sabi ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinansin at iniba niya yung usapan.

"May asawa kana ba?" tanong niya.

"Oo." nakangiti kong sabi.

"Gano'n ba." sabi niya.

"Ikaw?" tanong ko sabay upo sa sofa.

"Wala pa eh, mayroon pa kasi akong hinihintay kaso may asawa na pala." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Hay naku Yanna! Huwag kang mag-isip nang ganyan masyado kana mang assuming pagdating sa ex mong manluluko.

"Gano'n ba, kawawa kana man." sabi ko na lang.

"May anak na ba kayo?" tanong niya.

"Wala pa." sabi ko.

"So? Puwede pa palang agawin." mahina niyang sabi.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Ah wala." sabi niya.

LANCE POV

"Yaya bakit wala pa si Yanna?" tanong ko.

"Ah, hindi ko po alam Sir." sabi niya.

"Bakit naman?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Sorry talaga Sir, hindi ko po talaga alam siguro marami po talagang pasyente ngayon sa Hospital." sabi niya.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon