CHAPTER 15

345 8 0
                                    

LANCE POV

Pitong taon ang nakalipas hanggang ngayon hindi ko na nakita si Yanna at alam ko naman na masaya na silang nagsasama ng Aj na'yon!

Pero may oras din ang dalawa 'yon sa akin!
Gano'n na rin ang anak nila idadamay ko!

"Lance? Tara."Nakangiting sabi sa akin ni Marie kaya tumayo na ako sa aking upuan at nilapitan siya bago halikan ang kanyang labi kaya gumanti rin siya ng halik sa akin at nararamdaman kong gumapang ang kaliwang kamay niya sa aking likod kaya bigla nalang akong umiwas sabay tingin sa kanyang mga mata.

"Huwag dito, tara na."Sabi ko sabay labas sa office at sumunod naman siya sa akin.

Gusto ko lang sabihin sa inyo na Girlfriend ko na si Marie 2 Years na kami kaya huwag kayong mag-isip na hindi pa ako na ka move on sa Yanna nayon! Kasi malaki ang atraso niya sa akin kaya pagbabayaran niya ang mga nagawa niya!

"Lance? Alam kong si Yanna na naman ang laman ng iniisip mo." Sabi niya habang naglalakad kaming dalawa kaya tumigil ako at hinarap siya.

"Hindi si Yanna ang iniisip ko okay? Ikaw yung iniisip ko, iniisip ko na dapat special yung kasal natin sa susunod na taon."Nakangiti kong sabi.
Pasinsya Marie nagsinungaling na naman ako sa iyo.

"Talaga? Aw ang sweet naman ng Boyfriend ko."Nakangiti niyang sabi sabay yakap akin kaya ginantihan ko rin siya ng yakap.

YANNA POV

"Yann sigurado ka ba talaga na babalik na tayo ng Pilipinas?"Tanong ni Aj habang nag-iimpake ako ng gamit namin ni Jade, anak namin ni Lance.

"Oo sigurado na ako Aj at saka matagal ko nang hindi nakita si Ate Kiesha pati yung pamangkin ko ,kaya please lang."Sabi ko kaya tumango na siya at bigla ko nalang siyang niyakap.

"Salamat talaga Aj."Nakangiti kong sabi habang kayakap si Aj.
At may bigla nalang pumalakpak sa amin kaya napatingin kami ni Aj sa Pinto.
Si Jade nakatingin sa amin habang nakangiti.

"Oh anak."Sabi ko at lumapit na siya sa amin.

"Mama, Papa ang sweet niyo naman." nakangiting sabi ni Jade kaya hinihimas himas naman ni Aj ang kaniyang buhok.
Papa ang tawag ni Jade kay Aj dahil iyon ang sabi ni Aj sa akin.
Dahil ayaw ni Aj na magtatanong si Jade kung bakit nasaan ang Papa niya.

"Ikaw talaga, magbihis kana at babalik na tayo sa Pilipinas" Nakangiti niyang sabi habang nakatingin kay jade.

"Opo Papa."Sabi niya sabay lapit sa akin.

At binihisan ko na siya.
Nakalipas ang Dalawang Oras andito kami ngayon sa Airport.

"Mama maganda ba sa Pilipinas?" Tanong ni Jade kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oo naman maganda roon at marami pang mga rides." Sabi ni Aj.

"Talaga Papa?" Gulat na tanong ni Jade kaya tumango nalang si Aj.

"Oo naman ang saya roon at saka sariwa pa ang hangin doon."Sabi ni Aj.

'Hehe excited na po ako Papa."Sabi ni Jade.

Nga pala hindi ko pa pala nasabi sa inyo na may sakit si Jade sa puso .
Simula pa noong pinagbubuntis ko siya.
Kaya nga palagi ko siya dinadala sa mga presko na lugar para hindi umatake ang sakit niya.
Pero kahit may sakit ang anak ko alam ko parin na gagaling siya kasi andiyan ang Diyos alam ko naman na hindi niya pababayaan ang anak ko.

Andito na kami ngayon sa Pilipinas sa mansyon ni Aj.
Ang bait talaga niya marami na siyang naitulong sa Akin at kay Jade.

"Yann magpahinga na kayo ni Jade sa kwarto."Sabi ni Aj kaya tumango na ako at dinala roon si Jade.
Nang Nandon na kami agad kong pinahiga sa kama ang anak ko.

"Mama tumabi kana sa akin."Sabi niya sabay usog para makahiga ako sa kama kaya humiga na ako at niyakap ang anak ko.
Kamukhang kamukha niya talaga si Lance ang lalaking mahal na mahal ko hanggang ngayon.

"Mama ano po ang iniisip mo?" Tanong ni Jade kaya napatingin ako sa kanya nakatingin na pala siya sa akin.

"Ah, eh wala anak."Sabi ko at tumango naman siya.

"Huwag mo akong iiwan mama ha." Sabi niya.

"Oo naman hinding-hindi ka iiwan ni Mama."Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.

AJ POV

Andito ako ngayon sa labas ng gate kausap ang mga Guard.

"Bantayan niyo ng mabuti ang mansyon at ayaw kong may pinapasok kayo rito."Sabi ko.

"Opo Sir."Sabi ng isang guard.
Kaya umalis na ako sa harap nila habang naglalakad ako papunta sa loob ng mansyon bigla nalang nagring yung cellphone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sambit ko.

"Hi Aj kamusta kana?" Tanong ni Marie.

"Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Haist! Ikaw naman Aj ,masama bang mangamusta?" Tanong niya.

"Hindi naman bakit ka nga napatawag?" Tanong ko.

"By the way nakita ko kayo kanina ni Yanna at ng anak niyo sa Airport haha."Sabi niya habang tumatawa.

"Eh ano ngayon?" Tanong ko.

"Gusto mo sabihin ko kay Lance?" tanong niya.

"Huwag!"diretso kong sabi.

"Haha bakit ka nagulat?" Tanong niya.

"Basta Marie huwag na huwag mong ibabanggit kay Lance na nandito si Yanna sa Pilipinas."Sabi ko.

"Okay kaya 'yang secreto niyo ni Yanna hindi mabubulgar kaya safe ito sa akin kay Lance."Sabi niya.

"Okay salamat."Sabi ko sabay patay ng tawag.
Wala akong ganang makipag-usap kay Marie!
Hindi naman siya makakapagtiwalaan.

MARIE POV

"Haha So? Narinig mo na ang pinag-usapan namin ni Aj?" Tanong ko kay Lance habang nakahiga ako sa kama habang siya naman ay nakaupo sa headboard ng kama na katabi ko ngayon.

"Bakit ka natahimik?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Hindi lang ako makapaniwala na nandito na si Yanna sa Pilipinas" Sabi niya.

"Ang pinag-usapan natin Lance! Papatayin mo si Yanna at ang anak nila ni Aj!" Galit kong sabi haha.
Itong lang naman ang gwapong lalaki kaso tanga haha.
Hindi niya lang alam na anak niya iyon hindi kay Aj.

"Oo! Kaya maghintay na ang mga taong may kasalanan sa akin! Kasi sisingilin ko na sila!" Galit na sabi niya Lance kaya niyakap ko nalang siya habang siya naman ay nakatingin sa akin.

"Tama iyon Lance, hindi sila pwedeng maging masaya ni Aj, ni Yanna at iyong anak nilang Lalaki!" Galit kong sabi kaya hindi na nagsalita si Lance alam ko kasing may iniisip siya kaya pinabayaan ko na iyon.

Alam ko!

Alam ko na Killer si Lance!
At alam ko na siya ang pumatay sa Pamilya ni Yanna!
Haha hindi niya kasi mahal ang asawa niya kaya gano'n!

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon