CHAPTER 21

407 7 0
                                    

AJ POV

Andito ako ngayon sa mansyon nakahiga sa kama.

"Lance! Huwag mo naman saktan ang mag-ina mo!" sabi ko sa aking sarili at naalala ko ang nangyari noon.

Flashback

"Walang hiya ka Aj! Huwag na huwag mong aagawin kay Lance ang pagmamay-ari ng papa niyo!"sigaw ni tita sa akin Mama ni Lance.

"Bakit tita? Siya lang ba ang may karapatan na magmana roon?" tanong ko.

"Oo! Kasi matalino at matapang ang anak ko! Salantalang ikaw! Isa kang inutil!" sigaw ni tita kaya pinatay ko nalang siya.
At nakita ng katulong nila ang nangyari kaya pinatay ko rin siya tulad nang ginawa ko kay tita.
At dali-dali akong umalis sa mansyon.
Letche!
Bakit ko iyon ginawa?
Hindi ako mamatay tao!

End Of Flashback

Tama kayo nang binasa.
Ako ang pumatay kay tita.
Sa mama ni Lance.
Iyon ang dahilan kung bakit siya naging kriminal kasi pinatay ko ang taong mahal niya.

At bigla nalang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa mesa sa tabi nang kama at sinagot ang tawag ni

Marie

"Bakit?" walang gana kong tanong.

"Alam ko kung nasaan si Yanna at si Jade." Napabangon ako sa kanyang sinabi.

"Teka saan? Okay lang ba sila?" sunod-sunod ko na tanong sa kaniya.

"Okay naman sila." sabi niya at narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

"Anong nakakatuwa?" tanong ko.

"Wala." sabi niya.

LANCE POV

"Buw*sit! Bakit hinayaan ninyo si Krutik gawin iyon sa asawa ko!" sigaw ko sa kaniya sabay putok nang baril sa kanilang arapan.

"Hindi po namin alam Boss." nakayuko nilang sabi kaya bigla kong pinutok ang baril sa isa kong tauhan na kasama lagi ni Krutik at nagulat naman sila sa ginawa ko.

"Kapag nalaman ko kung sino ang tumatra-idor sa akin! Hindi lang ito ang gagawin ko sa kaniya! Naintindihan niyo?!" sigaw ko.

"Opo Boss." sabay nilang sabi.

"Ayokong galawin niyo si Yanna! Ayokong hawakan niyo siya kahit sa kuko pa 'yan! Kilala niyo ako! Handa kong ilibing ka ng buhay kapag ginawa mo iyon sa asawa ko!" sigaw ko habang nakatingin sa kanilang lahat na nakayuko.

"Umalis kayo sa harap ko!" sigaw ko at umalis naman sila.
Pumasok na ako sa kuwarto at nakita ko si Yanna na wala paring malay.
Nilapitan ko siya at tinititigan nang mabuti.
Napatingin ako sa kaniyang leeg at meron itong Marka nang halik ng buw*sit na Krutik na yon!
Napayukom ang aking kamao.
Kasalanan ko kung bakit ko siya iniwan mag-isa rito.
Muntik na siyang magahasa.

Flashback

"Andito siya ngayon sa Mansyon nakaupo sa upuan habang nakatali ang kanyang paa at kamay.
Habang natutulog siya hinalikan ko siya sa leeg.
Miss na miss ko na siya, pero nangingibabaw ang galit ko sa kaniya.

Napagising siya sa ginawa ko ,nagtalo kaming dalawa at umabot sa punto na nawalan siya nang malay kasi bigla kong nilagay ang panyo sa kanyang bibig na merong gamot pampatulog.
Dinala ko siya sa kuwarto.
Hindi ko ma control ang sarili ko na hubarin ang kanyang damit at tanging bra at panty nalang ang naiwan sa kaniya .
Sobrang kinis niya at parang wala lang siyang anak.Kinuha ko ang Mask sa aking mukha hindi niya naman ako makikita.

Habang hinahalikan ko siya naalala ko ang pinagdaanan namin kong paano ko minahal ang babaeng ito.
Napatayo ako sa aking ginawa at sinabunutan ko ang aking buhok.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon