CHAPTER 16

320 6 0
                                    

LANCE POV

Napayukom ang aking kamao ng tinawagan ni Marie si Aj.
Magkasama na talaga sila ngayon ni Yanna at ni Aj?
At masaya silang nagsasama kasama ang kanilang Anak?

Buw*sit!

Kaya bigla na akong tumayo sa kama habang nakayakap si Marie sa akin.
Kinuha ko ang aking pantalon at sinuot ito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Marie na nagtataka.

"Basta!"Cold kong sabi sabay alis sa loob ng kuwarto.

Habang nagmamaneho ako ng kotse.

FLASHBACK

"Hello Arnold bakit?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Boss nasa labas na po ng Airport si Ma'am Yanna kasama si Aj at ang anak nila."Sabi niya kaya bigla ko na lang tinapon ang cellphone ko sa sahig.

"Buw*sit Yanna!" Sigaw ko sa loob ng aking office.

Kaya kinuha ko ang isang cellphone sa mesa at dinial ang no. ni Marie.
May kailangan akong ipapagawa kay Marie.

"Bakit Lance?" Tanong niya.

"Magkita tayo sa Mansyon."Sabi ko sabag patay ng tawag.
At lumabas na ako ng aking office at pumunta na roon sa mansyon at agad kong nakita si Marie nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko siya.

"Alam kong may kailangan ka Lance."Nakangiti niyang sabi.

"Tama ka! Gusto ko lang tawagan mo si Aj at sabihin mo sa kanya na nakita mo sila ni Yanna sa airport at kasama nila ang kanilang anak."Sabi ko.

"Tapos?" Tanong niya sabay kapit sa aking braso.

"Sabihin mo sa kanya na isusumbong mo sila sa akin." Sabi ko.

"Iyan lang ang ipapagawa mo sa akin? Haha masyado namang madali 'yan Lance."Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ito naman ang kailangan ko"Sabi niya sabay halik sa akin kaya hinalikan ko rin siya.

END OF FLASHBACK

Tinigil ko  ang aking kotse sa tabi ng kalsada sabay suntok sa monabela.

"Buw*sit Yanna! "Sigaw ko sa loob ng aking kotse.

"Magkikita-kita rin tayo! At ang anak niyo ni Aj!" Galit kong sabi sabay kuha ng baril.

At may bigla nalang kumatok sa bintana ng kotse kaya napatingin ako roon nakita ko ang isang matandang lalaki kaya binuksan ko iyon.

"Anak pahingi ng pagkain."Sabi niya.

"Wala akong pagkain!" Galit kong sabi.

"Parang awa-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin kase bigla ko nalang siyang.

Binaril sa Ulo!

Buw*sit na matanda!
Dinagdagan mo pa ang problema ko!
Kaya pinahurot ko na ang kotse.

YANNA POV

Maaga akong gumising upang magluto ng almusal.

Habang nag-aayos ako ng mesa.

"Mama Good morning." Nakangiting pagbati ni Jade sa akin.
Kamukhang kamukha niya talaga si Lance kapag nakangiti.

"Good morning din anak."Sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi.

"Mama nagugutom na po ako."Reklamo niya sabay himas himas ng kanyang tiyan.

"Haha ang cute naman ng anak ko, oh sige umupo kana rito para makakain kana."Sabi ko at tinulungan ko na siyang umupo sa upuan.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon