CHAPTER 10

342 5 0
                                    

YANNA POV

Andito ako ngayon nakaupo sa sofa habang umiiyak.

"Walang kuwenta talaga ang pumatay sa asawa ko!" galit na sabi ni Ate Keisha habang umiiyak.

"Napakasama niya!" galit na sabi rin ni Mama.

At bigla pumasok sa loob si Aj.

"Tita Okay lang po ba kayo?" Nag-alalang tanong ni Aj sabay lapit kay Mama kaya iniwas ko ang aking tingin sa kaniya bakit siya nandito?

"Malalagot talaga kung sino ang pumatay sa anak ko!" Galit na sabi ni Mama kaya bigla siyang niyakap ni Aj.

"Ma aalis na po ako kailangan kong puntahan si Kuya." sabi ko sabay tayo.

"Hatid na kita Yann." sabi ni Aj kaya napatingin ako sa kaniya.

"No, hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko." sabi ko.

"Yann nakita mo ba ang nangyari sa Kuya mo? Dalikado!" galit na sabi ni Aj.

"Oo nga Yannah! Kaya sumama kana kay Aj!" galit na sabi ni Mama.

"Okay tara!" sabi ko sabay lakad at sumunod na siya sa akin nang nando'n na kami sa labas ng mansyon.

"Iwan mo na ang kotse mo rito sa akin kana sumabay." sabi ni Aj kaya tumango nalang ako.

Habang nagmamaneho siya ng kotse.

"Yann mag-ingat ka baka hindi mo alam na sa paligid mo lang ang kriminal." sabi ni Aj kaya napatingin ako sa kaniya.

"Kaya ko na ang sarili ko kaya please lang huwag ka na mang concern sa akin!" cold kong sabi sabay tingin sa daan.

"May pinagdaanan tayo kaya hayaan mo akong mag-alala sa'yo." sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

LANCE POV

"Boss nakita namin ang kapatid mo kasama ang asawa mo." sabi ni Krutik kaya bigla kong sinuntok ang mesa sa harap ko.
Pinababantayan ko kasi si Yannah sa mga tauhan ko.

"Buw*sit! Bakit niyo hinayaan na sumama siya sa gago na iyon!" sigaw ko.

"Hindi naman kami pwedeng sumubol Boss baka mapahamak lang ang asawa mo." sabi niya habang nakayuko sa aking harapan.

"Umalis ka sa harapan ko! Baka mapatay lang kita!" galit kong sabi sabay turo sa pinto at umalis na siya.

Yanna bakit mo ako ginagalit?
Alam ko naman na ang Nanay mo ang may gusto kay Aj para sa iyo!

Pero bakit hanggang ngayon para ka paring sumusunod sa lahat ng gusto niya!

Kaya isusunod ko na ang nanay mo! Yanna!

YANNAH POV

Nakalipas ang tatlong araw andito kami ngayon sa lamay ni Kuya.

"Yann kumain kana." sabi ni Aj.

"Busog pa ako." sabi ko.

"Pero ilang araw ka nang hindi kumakain! May plano ka bang magpakamatay!" galit na sabi ni Aj.

"Hayaan mo nga ako Aj!  Please lang!" sigaw ko sa kanya kaya lahat ng tao sa lamay ay nakatingin sa amin kaya tumakbo na ako palabas ng mansyon sumakay na ako sa aking kotse.
Habang nagmamaneho ako.

Buw*sit talaga ang Aj na iyon!
Bakit hindi parin niya ako lulubayan at saka sumusunod pa siya sa akin!

Kaya tinigil ko na ang kotse sa isang daan gano'n din siya.

"Yannah bumalik na tayo sa mansyon." galit na sabi ni Aj kaya lumabas na ako sa kotse at hinarap siya.

"Aj  lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko sa kaniya.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon