CHAPTER 19

309 9 0
                                    

AJ POV

Dali-dali akong pumunta kina Lance at Marie.
Pagdating ko sa kuwarto nila wala na sila roon.
Letche!
Sila ang kumuha kay Jade!

"Lance!" sigaw ko sa loob ng kuwarto.

"Buw*sit!"sigaw ko at umalis na ako roon upang puntahan si Yanna kailangan na naming umalis dito.

"Aj bakit tayo aalis dito? Nasaan si Jade?!" Umiiyak na tanong ni Yanna sa akin.

"Basta! Ako na ang bahalang maghanap sa kaniya! Mag-ayos kana diyan."sabi ko at sinunod naman niya ang sinabi ko.
Kinuha ko ang cellphone upang tawagan si Lance pero hindi niya iyon sinasagot.
Buwisit ka Lance!
Huwag mong saktan si Jade!

Anak mo iyon!

YANNA POV

Andito na kami ngayon sa Manila, umiiyak pa rin ako hanggang ngayon nasaan na si Jade!

"Magpahinga kana."sabi ni Aj sa akin.

"Aj ang anak ko! Nasaan na si Jade! May sakit ang anak ko, baka ano pa ang mangyari sa kaniya!" Nag-alala kong sabi kay Aj.

"Alam ko! Kaya magpahinga kana! Alam kong masakit pa ang paa mo! Ako na ang bahala!" sabi niya kaya tumango nalang ako at pumunta sa kuwarto.

"Anak! Jade nasaan kana? Umuwi kana kay mama."umiiyak kong sabi habang yakap-yakap ang unan.

LANCE POV

"Boss saan namin dadalhin ang bata?" tanong ni Krutik sa kabilang linya.

"Sa Mansyon! Doon niyo siya ikulong! Huwag ninyong gagalawin ang bata! Ako na ang papatay sa batang iyon!" Galit kong sabi.

"Opo Boss."sabi ni Krutik at pinatay ko na ang tawag.

"Anong gagawin mo sa bata?" Tanong ni Marie.

"Huwag ka nang magtanong pwede ba!? Ako na ang bahala sa kaniya!" galit kong sabi.

Alam ko Yanna na nag-alala ka sa anak mo!
Kaya mamatay kana sa paghihintay kay Jade!

YANNA POV

Dalawang araw na ang nakalipas hindi pa rin namin nahanap si Jade.
Nag-alala na ako sa anak ko, nasaan na ba siya?

"Hindi ba nangako ka! Na hanapin mo ang anak ko! "sigaw ko kay Aj habang umiiyak.

"Huwag kang umiyak mahahanap din natin si Jade."sabi niya sabay yakap sa akin.

Dalawang araw na nahindi ako natutulog nag-alala na ako sa anak ko.
Baka patay na siya!
Oh baka nagugutom na si Jade.

"Aj sino ba ang kumuha kay Jade? Please sabihin mo naman oh."sabi ko.

"Hindi ko alam Yann. Please huwag ka nang umiyak."sabi ni Aj.

"Iyong anak ko, gusto ko na siyang makita."umiiyak kong sabi.

"Matulog kana."sabi niya habang inaalayan ako papunta sa kuwarto namin ni Jade.

LANCE POV

"Buw*sit! Tumahimik ka nga!" sigaw ko sa bata hindi niya ako makilala kasi nakamask kaming lahat pati na ang mga tauhan ko.

"Isusumbong kita kay Mama at Papa ko!"sigaw niya sa akin.

"Haha edeh isumbong mo! Hindi ako natatakot sa Papa mo!" sigaw ko sa kaniya.

"Isusumbong talaga kita!"sigaw ko sa kaniya kaya bigla ko siyang sinakal.

"Kapag hindi ka tumahimik! Papatayin kita!" galit kong sabi at nakita kong bigla na lang tumulo ang kaniyang mga luha at doon ko naalala si Yanna tuwing umiiyak siya noon sa harap ko kapag naalala niya ang Papa niya.
Kaya bigla ko siyang binitawan.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon