CHAPTER 8

323 10 0
                                    

Maaga akong gumising upang puntahan si Lance sa Companya. Nang nandoon na ako sa labas ng office ni Lance hindi na ako kumatok sa pinto kasi bigla ko nalang ito binuksan.

At nakita ko si Lance na nakatayo habang nakatingin sa labas na may kausap sa kanyang cellphone.

"Oh sige Marie magkita nalang tayo bukas." sabi niya sabay baba ng kanyang cellphone.

"Lance." tawag ko kaya napatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito!?" cold niyang tanong sa akin. Kaya lumapit ako sa kanyang harapan.

"Bumalik kana sa bahay." umiiyak kong sabi.
Hahawakan ko na sana ang kanyang kamay nang bigla niya itong inilayo sa akin.

"Ayoko na Yanna! Sawang-sawa na ako magselos! Doon kanalang sa Ex mo! Huwag mo na akong lapitan!" galit niyang sabi sa akin.

"Lance magpapaliwanag ako sa'yo, hindi ko 'yon sinasadya! Si Aj lang talaga ang humalik sa akin." sabi ko.

"Ayoko ng rason!" galit niyang sabi.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang umalis sa aking harapan.
Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya at nakita kong hawak-hawak niya ang isang envelope at inilapag iyon sa kanyang table.
Kaya tinignan ko ito nang mabuti.

"Ano 'yan?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Buksan mo!" cold niyang sabi kaya kinuha ko 'yon habang nakatingin sa mga mata ni Lance at may nararamdaman akong kaba sa dibdib ng hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin 'yon.
Nang buksan ko na ang envelope tinignan ko iyon.

ANNULMENT PAPERS?

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Hihiwalayan niya na talaga ako sa gano'ng kababaw na rason?

At nakita kong may nilagay siya nang ballpen sa table.

"Ano 'to?" gulat kong tanong.

"Hindi mo alam kung ano 'yan?" sarkastiko niyang tanong sa'kin.

"Alam ko Lance! Ang ibig kong sabihin, ano ang ibig sabihin nito!" sigaw ko at sunod sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Kumikirot na talaga nang sobra ang dibdib ko, parang hindi na ako makahinga sa aking mga narinig.

"Ipawalang bisa ko na ang kasal natin! Ayoko na Yanna!" galit niyang sabi habang nakatingin sa kawalan.
Hindi ako makapaniwala nagjojoke lang ba siya?

Pero ang isang Lance Jade Sarmiento ay hindi nagjojoke.

Kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Lance, hindi naman ito tama! Hindi ba mahal mo ako? At ang sabi mo sa'kin na hinding-hindi mo ako iiwan! Ano na ang nangyari?" umiiyak kong sabi habang siya naman ay hindi parin nakatingin sa akin.

"Pagod na pagod na ako Yanna! Ayoko na!" galit niyang sabi.

"Sabihin mo nga sa'kin Lance! May iba kana ba?" sigaw ko kaya napatingin siya sa aking mga mata.

"Mahal na mahal kita Lance! Pero bakit mo ako iiwan? Sagutin mo ang tanong ko! May iba kana ba?" galit kong tanong.

"Bakit natatakot ka ng malaman ko ang katutuhanan? Akala ko matapang ka! Sa isang halik iiwan mo na agad ako?" galit ko kong tanong sa kanya.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon