CHAPTER 18

359 9 0
                                    

"No! Hindi pa kami aalis diba Hon?" Tanong ni Marie sabay kapit sa braso ni Lance.
Wow?
Hon talaga?

"Yes."Sabi ni Lance sabay tingin sa akin kaya napatingin ako kay Aj.

"Mama ,Papa labas po tayo."sabi ni Jade kaya napatingin kaming lahat sa anak ko.

"Jade busy si Papa kaya hindi tayo pwedeng lumabas."sabi ni Aj habang hawak hawak ang kamay ng anak ko.

"Gano'n po ba."malungkot na sabi ni Jade.

"So? Busy naman si Aj sasamahan na lang namin kayo."sabi ni Marie habang si Lance naman ay tahimik na nakatingin sa akin.

"Oh sige po."nakangiting sabi ni Jade.

"Pero Jade -"hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita si Jade.

"Please Mama."pagmamakaawa niya sa akin.

"Oh sige ipapacancel ko nalang ang meeting sasamahan ko nalang kayo Jade."Sabi ni Aj sabay tingin kay Jade.

"Thank you po Papa."nakangiting sabi ni Jade sabay yakap kay Aj.

"Your welcome, nga pala saan mo gustong pumunta?"tanong ni Aj sabay tingin sa bata.

"Gusto ko sa Boracay hehe."sabi ni Jade.

"Teka? Paano mo nalaman ang lugar na 'yon?"tanong ko.

"Nakita ko lang po Mama sa balita at saka sobrang ganda raw doon."sabi ni Jade kaya tumango nalang ako.

"Okay, pupunta tayo roon."sabi ni Aj.

"Tita ,tito sama na po kayo sa amin sa Boracay."nakangiting sabi ni Jade sabay tingin kina Marie at Lance.
At nakita kong tumango si Lance.

"So? Lets go?" Sabi ni Marie kaya lumabas na si Lance at sumunod na kami.

AJ POV

Heto kami ngayon na sa loob ng kotse pupunta kasi kami ngayon sa mall bibili ng mga kakailanganin papunta sa Boracay.

"Mama , Papa excited na po ako hehe."sabi ni Jade.

Kaya nginitian nalang siya si Yanna.

Kaya ako sumama baka kasi may gagawin na masama sina Marie at Lance kina Yanna at Jade.
At ayokong may mangyaring masama sa kanilang dalawa.

YANNA POV

Andito na kami ngayon sa Mall.

Habang naglalakad kami kasama sina Marie at Lance magkahawak ang kanilang mga kamay ang sweet naman.

"Hon ilang araw ba tayo roon?" tanong ni Marie kaya napatingin si Lance sa kanya.

"Siguro mga 2 weeks"sabi ni Lance.

"Tama ba ang narinig ko Lance? Mga 2 weeks?"tanong ko kaya napatingin si Lance sa akin.

"Bakit? Ayaw mo? Kung gusto ninyong bumalik kaagad edeh bumalik kayo hindi naman namin kayo pinipilit!"Cold niyang sabi.

"Siguro mga 1 week lang kami roon."Sabi ko.

"Mama gusto ko matagal tayo roon sa Boracay."reklamo ni Jade.

"Pero Jade."sabi ko.

"Sige na andito naman ako."sabi ni Aj kaya tumango nalang ako.

MARIE POV

Haha madali lang talaga sila maluko! Mga buw*sit!

Andito kami ngayon ni Lance sa loob ng kotse papunta na kasi kami ngayon sa Boracay.

"Ano ang plano natin?" tanong ko.

"Basta!" Galit niyang sabi.

"Okay! Sana mapatay na natin si Yanna at ang anak nila ni Aj!" Galit kong sabi.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon