CHAPTER 17

344 9 0
                                    

LANCE POV

"Magandang araw po Sir Lance." Bati ng Empleyado ko sa akin.
Nagtataka ba kayo kung bakit Sir ang tawag nila sa akin?

Simple lang!

Ako kase ang may ari ng lahat ng mga toys na binibinta nila rito.

"Magandang araw din."Sabi ko.

"Bata hindi mo pa nabayaran yang toy na hawak mo!" Sabi ng Empleyado kong babae.

"Babayaran naman ito ng mama ko! Kaya huwag mo akong papagalitan!" Galit na sabi ng bata kaya lumapit ako sa kanila.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ko kaya napatingin ang Empleyado ko at ang bata sa akin.

"Kase Sir Lance yang bata na 'yan ayaw ibigay sa'kin ang Toy." Sabi ng babae.

"Umalis ka muna ako na ang bahala sa kanya." sabi ko kaya tumango na siya at umalis sa harap ko.
Nang makaalis na siya tinignan ko muna ang bata.

"Sino ka?!" galit na tanong ng bata.

Teka?

Bakit parang kamukha ko ang batang ito?

"Nasaan ang Mama mo? Bakit ka niya hinayaan dito?"Tanong ko.

"Bakit mo tinatanong kung na saan ang Mama ko? At saka pwede ba huwag mo akong lapitan!" Galit na sabi ng bata.
Haist!
Ang tapang nang batang ito!

"Hindi mo ako kilala! Kaya huwag kang magsalita ng ganyan sa akin." Galit kong sabi.
Kaya bigla nalang siyang umiyak.
Hays iyakin naman 'to.

YANNA POV

Hay salamat.
Nakakapagod namang pumila.
Kaya pinuntahan ko na si Jade.

Nang makalapit na ako sa kanya nakita kong umiiyak ang anak ko at kaharap niya ang lalaking nakatalikod sa akin.

"Isusumbong kita sa Mama ko!" Galit na sabi ni Jade kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Mama!" Sigaw ni Jade sabay takbo papalapit sa akin.
At bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Anak Okay kalang?"Taranta kong tanong baka kase aatakihin siya bawal kasi siyang umiyak.

"Yanna?!" Galit na gulat ng sabi nang lalaki.

Kaya napatingin ako sa lalaking nagsalita at sobra akong nagulat sa aking nakita.

Si

Lance

Masama ang tingin sa akin.
At bumilis bigla ang tibok ng aking puso.

"Jade tara."Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Jade.
Pero bigla nalang lumapit si Lance at hinawakan niya bigla ang aking kamay.

"Mag-usap tayo!" Galit niyang sabi.

"Huwag mong hawakan ang Mama ko!" Galit na sabi ni Jade sabay kuha sa kamay ni Lance pero ayaw talagang tanggalin ni Lance ang kanyang kamay sa kamay ko.

"Pwede ba Lance! Bitiwan mo nga ako!" Galit kong sabi kaya bigla niyang binitiwan ang aking kamay at umalis na kami ni Jade.

LANCE POV

Anak niya pala ang batang iyon?!
At ngayon takot siya sa akin!?
Dapat lang!
Kase sa oras na makita ko kayong dalawa ulit!
Papatayin ko na kayo!

"Sir kinuha ng bata ang laruan." Sabi ng Empleyado ko.

"Buw*sit! Tumahimik ka nga!" Galit kong sabi.
Kaya tumahimik na siya.
Natakot siguro sa akin.
Kaya umalis na ako kailangan ko ng umuwi.

MY KILLER HUSBAND (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon