011 || kai

772 30 18
                                    

Pinagmamasdan ko ang mga bituin habang nakahiga dito sa damuhan sa park. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung mga nangyari. Masakit pa rin yung mga sugat ko at yung magkabilang pisngi ko. Hay nako. Para tuloy akong nakablush on pero hugis kamay. Para pa naman akong gatas dahil sa puti ko kaya malamang sa malamang, visible na visible yon.

"Ang ganda ng mga bituin, no?"

Napaigtad ako nang may bigla na lang nagsalita sa gilid ko. Paglingon ko, which is hindi magandang move dahil halos 1 inch na lang yung pagitan ng mukha namin, nakita ko yung isa sa mga kaibigan ni renjun at chenle. Nalimutan ko yung pangalan eh. Basta kapag ngumiti siya, mapapangiti ka rin. Tas malaki ilong niya.

Bakit hindi ko namalayan na may nakahiga na rin pala sa tabi ko? Lalayo na sana ako dahil takot kong baka saktan niya rin ako pero bago pa man ako makalayo ay bumangon na siya at kinulong ako sa magkabilang kamay niya. Para lang siyang magpupush up pero nasa ilalim ako. Napapikit na lang ako ng mariin.

"Anong nangyari sayo?" He said intently.

Napadilat ako at napatitig sa mukha niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at halatang wala siya sa mood. Natutop ko ang bibig ko at tinitigan lang siya.

"Tinatanong kita, Qian Kaekai." Bumaba ang mukha niya at halos ibaon ko na sa damo ang ulo ko dahil sa kabang magdikit ang mga labi namin. Pota sino ba to?! Sarap i-karate kick!

"A-ano, nadapa l-lang." Nauutal na sagot ko.

Mas lalo pa niyang ibinaba ang mga mukha niya at halos wala ng 1 inch ang pagitan ng mga  mukha namin. Naduduling na rin ako dahil sa sobrang lapit niya.

"Seryoso akong nagtatanong sayo kaya dapat, seryoso din ang sagot mo." Ay wao talaga. Demanding si koya.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Naging malikot ang mata ko dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya. Lalo na't sobrang lapit namin sa isa't isa. Nasaan na ang palangiti niyang side? Bakit parang ang seryoso naman niya ngayon? Madalas ko kasi siyang nakakasalubong na nakangiti at tumatawa. Nakikipaglandian pa nga siya don sa isang lalaki na mahaba yung baba na kaibigan din nila chenle.

"N-napagtripan lang." Sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ng muntikan nang magdikit ang mga labi namin dahil mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Puta, wag naman sana niyang kunin ang first kiss ko. Huhuhu.

"Hahalikan talaga kita kapag hindi mo sinabi sakin ang totoo." Ramdam na ramdam ko ang pagsasalita niya. Ayoko na sa world!

"A-ano bang p-pakealam mo? W-wala ka na don k-kung ano man ang n-nangyari---"

Okay. Nagsisisi na ako ng maramdamang lumapat ng marahan ang labi niya sa noo ko. Hala si lele pa lang nakakahalik dyan eh! Sumbong ko nga tong ilong na to kay leleq hmp. //le cries.

Lumayo siya ng konti at ngumisi.

"So, ano nga ang nangyari sayo?" Tanong niya ulit.

Nanghihina ang mga kamay ko pero kahit ganoon ay sinubukan ko pa rin siyang itulak pero hindi siya nagpatinag.

"S-sino ka ba? B-bakit mo a-ako h-hinalikan sa noo? S-sumbong kita kay l-leleq!" Nanliit ang mga mata niya sa mga sinabi ko.

"My name is Lee Jeno." Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ulit ako sa noo. "Hinalikan kita sa noo kasi hindi ka sumasagot sa tanong ko." Then he kissed the tip of my nose. "At oo, magnanakaw ako. Hindi lang halik ang nanakawin ko sayo sa mga susunod na araw. Pati na rin ang puso mo." Bago pa man lumapat ang labi niya sa labi ko ay hinarang ko na ang kamay ko. So ang labas, yung likod ng palad ko ang nahalikan niya.

At pota anudaw? Nanakawin niya yung puso ko? Kingina baliw na nga tong lalaki na may malaking ilong na to.

-----
a/n:
i'm done with myself right now. napakapanget ko magsulat hmpf

moomin | h.renjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon