note: this chapter and yung mga susunod ay flashback ng mga nangyari. iba iba yung pov and iba iba rin yung time/araw nung mga kinekwento nila so hindi magkakasunod sunod ang flashback scenes ng bawat chapter. inexplain ko lang para di kayo malito teehee.
〰〰✡〰〰
Nakayakap lang ako kay kaekai habang patuloy pa rin siya sa pag iyak. Ngayong araw lumabas yung result na may amnesia nga talaga si renjun hyung. And it made my heart break when he remembered everyone of us but not her. Not kaekai.
Paanong nagawa niyang ipagtabuyan ang babaeng mahal na mahal niya? Ang babaeng sa una pa lang ay sa kanya na. Hindi naman porket nagkaamnesia ay makakalimot na rin ang puso diba? Pero bakit ganito?
Alam ko naman na dapat ay iniintindi ko muna si renjun hyung pero hindi ko kaya. Alam kong nag aadjust pa siya pero grabe yung mga salita niya kay kaekai kanina. It's not proper and it's not like him. Grabe napapaenglish tuloy ako ng bongga.
"L-lele, miss na miss *hik* ko na siya... 6 months siyang comatose tas paggising niya, he can't remember me anymore..." Napakagat siya sa ibabang labi habang humahagulgol ng malakas.
Ayoko talaga na nakikitang ganito si kaekai. Nasasaktan kasi ako, knowing na nasasaktan yung babaeng mahal ko. I know, i'm a jerk for falling in love with one of my buddy's girl, tinitigil ko na dapat ito pero hindi ko magawa. Mas nauna ko namang mahalin sa kaekai, pero tanggap ko naman na. Masakit nga lang talaga.
"Ano ka ba, kaekai! This is not you. Ang kilala kong kaekai ay yung babaeng hindi susuko kahit na anong pagsubok man yung dumating sa kanya. Malakas yon eh." May takas na luhang tumulo sa pisngi ko.
Shit, Zhong Chenle! This is not the right time to cry! Be strong and support her!
"Wag kang susuko, kaekai. Maaalala ka rin ni hyung. Nag aadjust pa yon pero sooner or later, tignan mo. Baliw na baliw na naman yon sayo. Hindi na naman ako makakalapit sayo ng ganito." Nanginig ang boses ko sa dulo kaya napahigit ako ng malalim na hininga.
"S-salamat, lele. You're the best bestfriend in the whole universe!"
Hyung, dalian mo nang makaalala. Ayoko kasing nasasaktan si kaekai eh. Alam mo namang mahal ko yon kaya sobrang sakit na makitang nasasaktan siya ng dahil sayo.
BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Historia Corta"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰