025 || kai

750 21 0
                                    

Yakap yakap ko yung moomin ni renjun habang tinatahak ang daan papunta sa park. Ngayon ko na ibabalik yung moomin niya. Ngayon ko na rin sasabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

"Leleq?" Tawag ko nang makita ang likod ng lalaking nakaupo sa bench na pag aantayan ko sana kay renjun.

May yakap si leleq na malaking panda at nagningning ang mata ko ng makita iyon. Pero ang mas nagpaningning ng mata ko ay ang katabi niyang paper bag na puno ng chocolate.

"A-ah, k-kai!" Namula ang pisngi niya ng makita ako. Nanliit ang mga mata ko

"Kai?" Ulit ko sa tinawag niya sa akin.

"I m-mean m-m-mahal!" Kumunot ang noo ko dahil sa pagkakautal niya.

"Leleq, may problema ka ba? Parang kahapon lang, minura mo pa ako." Lumambot naman ang expression ng mukha niya.

"Kaya nga nandito ako, mahal. Sorry dahil namura kita. Nakakaselos naman kasi. Hindi mo na nga ako madalas kausapin tapos malalaman ko na masaya ka dahil kay jeno. Tas hinalikan mo pa siya. Ako nga, hindi mo hinahalikan pag masaya ka eh. Ako humahalik sayo." Nakapout na sabi niya.

"Leleq naman, gusto mo kiss din kita?" Tanong ko sa kanya.

"Heh. Di mo naman gagawin. Nakakainis ka." Napangiti naman ako.

Bakit ba ang cute ng dolphin na to?

"Hay nako, leleq. Ang seloso mo naman. Alam mo namang ikaw lang lab ko diba?" Kinindatan ko pa siya at tinarayan niya lang ako.

"Mamaya na ang landian. Pakibigay muna ang moomin ko. Baka makita niya ang kababalaghan niyo." Napasimangot naman ako ng marinig ang boses na yon.

"Teka lang, leleq. Kakausapin ko lang to." Tumango naman si leleq kaya hinila ko na si renjun palayo kay leleq

Tinignan ko siya ng seryoso habang yakap ang moomin niya. Maya maya lang ay napabuntong hininga na ako.

"Oh, eto na yung moomin mo." Inabot ko sa kanya yung moomin niya kaya dali dali niyang iyong kinuha at niyakap ng mahigpit.

"Namiss kita, moomin ko." Hinalikan niya pa iyon at nakangiting tumingin sa akin. "Ano nga pala yung sasabihin mo?" Nakangiting tanong niya.

"Ngayong naibalik ko na ang moomin mo, pwede bang wag na tayong maging involve sa isa't isa? Let's act as if we don't know each other. Ayoko na kasing masaktan ulit ng dahil sayo, renjun. Oo, sanay na akong masaktan ng dahil sayo pero hindi ka naman mamamanhid kapag nasanay ka na diba? Mararamdaman mo pa rin yung sakit. Kaya please lang, renjun. Layuan na natin ang isa't isa."

Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng nalilitong expression. May dumaan na sakit sa mata niya at nagmoist yung mata niya na para siyang maiiyak pero sandali lang yon. Iniwan ko siyang nakatunganga lang doon habang yakap ang moomin niya na ibinalik ko sa kanya.

moomin | h.renjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon