Nandito na ako sa park na sinasabi ni renjun. Di ko talaga maintindihan yung asungot na yon. May kukumpirmahin daw kay kaena tas kailangang damay pa talaga ako?!?!?! Kailangan bang magsabit pa ko ng sign sa sarili ko na,
----------------------------------------------------------------
| |
NAGMOMOVE ON AKO, NO RENJUN ALLOWED!
| |
----------------------------------------------------------------para lang maintindihan niya na ayoko na siyang maalala? Kung sana nagkaamnesia na lang rin ako para fair naman kami diba? Para di lang ako yung nakakulong sa alaala naming dalawa. Para di lang ako yung nasasaktan mag isa. Para di lang ako yung umiiyak sa mga nakalimutang alaala :)))
"Kai!" Napalingon ako sa gawi kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko si renjun na nakangiti ng alanganin at katabi niya ang nakayukong si kaena. Oh ano ka ngayon?! Hiya ka saking babae ka no?!?!?!? Ayan, message mo pa ko!!
Lumapit na sila sakin at tinaasan ko naman sila ng kilay, syempre tatago ko yung kirot sa heart ko kaya kailangang magpanggap na mataray kahit ang totoo, ang sakit sakit na makitang magkasama sila ng pinalit niya sakin after niyang mawalan ng alaala. Kailangan di niya malamang nasasaktan ako ng dahil sa kanya. Kasi di naman niya ako naaalala haha.
"Ano ba yang icoconfirm confirm niyo? Jusme, nadadamay pa ko sa kalokohan niyong dalawa. Kung may problema kayo, wag niyo kong idamay ha?"
Napaangat naman ng tingin si kaena at tinignan ako ng masama. Dahil sa professional akong artista, tinaasan ko lang siya ng kilay at kalaunan ay nginisan. Napayuko naman siya ng dahil sa inakto ko. Takot pala sakin to, tagumpay ka kaekai nYSHAHAHAHAHA!
"Sorry, kailangan lang talaga namin tong gawin." Bumuntong hininga si renjun at tinignan si kaena.
"S-sige, s-s-sabihin mo na sa k-kanya." Utal utal na sabi ni kaena
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hala nagm-malfunction na naman ata tong puso ko. Tinitigan ko si renjun na parang di mapakali sa tinatayuan niya. Bakas din ang sakit sa mata niya habang nakatitig sakin.
"Problema mo? Sabihin mo na jusko naman! Manonood pa ko ng kdrama mi-bes! Inaaksaya mo yung oras ko eh." I sounded so irritated.
Ilang minuto na ang lumipas pero di pa rin nagsasalita si renjun. Pinipilit na rin siya ni kaena na sabihin yung sasabihin niya sakin. Nagtatalo na nga silang dalawa sa harapan ko eh. Tong mga tangina na to. Naglalandian kayong ganyan sa harap ng babaeng di pa nakakamove on? Aba maangas!
Napabuntong hininga ako para pakalmahin yung nagwawala kong puso. Napapikit ako at palihim na pinapatigil yung kirot sa puso ko. Bakit ba kasi ako nasasaktan pa rin ng dahil sa kanya e di niya rin naman ako maalala?
"Alam mong wala akong panahon para makipaglokohan sa inyo, renjun. Hindi ko alam kung anong trip niyo after niyong magkaalaman na ginagamit ka lang netong kakambal ni jeno pero wag niyo ak---"
"H-hindi kita mahal!" Sigaw niya sa pagmumukha ko habang nakatitig kay kaena na nakayuko lang.
Napaawang ang labi ko at ramdam ko ang pagkawasak na naman ng puso ko. Sakin niya ba pinaparating yon? Ano bang sinasabi neto? Ano bang trip niya? Bakit niya ba ko sinasaktan ng ganito?
"U-uhm, a-ano b- *ehem* ano b-bang trip niyo hm?" Nanginginig ang labi ko nang itanong ko yon.
"Hindi kita minahal, hindi kita mahal, at mas lalong hindi kita mamahalin!" Tinapunan niya ng malamig na tingin si kaena bago niya ako tinitigan niya na para bang isa akong walang kwentang tao sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Proză scurtă"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰