Naglalakad ako ngayon papasok ng school. Wala kasi si kuya kaya walang maghahatid sa akin. Ewan ko ba dun sa matabang yon. Laging nawawala ng parang bula.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Renjun na may kausap na babae. Si Kaena or Kae for short. Siya ang dahilan kung bakit ayokong tinatawag akong Kaekai or Kae. Girlfriend kasi siya ni Renjun. Ayoko nang maging connected sa kung anong mga bagay na makakapagpaalala kay Renjun, pero dahil shunga ako hindi ko pa rin napigilan yung sarili ko na kunin yung moomin niya na nakita ko sa loob ng cr ng girls. Hindi ko rin alam kung paano napunta yon don. Naglakad ba si moomin papunta sa cr ng girls para mamboso? Hmm...
Napaigtad ako ng magring yung phone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang unregistered number yung tumatawag. Nag aalangang sinagot ko ito.
"Hello?"
"Mahal koooooo!"
Napapikit ako at mabilis na inilayo sa tainga ko ang cellphone ko tsaka napangiti. Kahit kailan talaga ang ingay ni leleq.
"Ano ba yan, leleq? Bat nasigaw ka dyan? At bakit ibang number ang gamit mong pantawag?"
Walang nagsalita sa kabilang linya kaya nagtaka ako.
"Hello? Chenle ng bohaii q?"
Wala pa ring nagrespond.
"Hello?! Chenle?! Putangina, Zhong Chenle pag hindi ka pa nagrespond, sasapakin kita pag uwi mo dito! Anong nangyayari Chenleee? Bakit parang hinihingal ka?! Chenle may nangyayari ba sayo?! Chenle!"
Nag aalala kong tinignan ang phone ko. Baka kasi mamaya, wala pala akong signal kaya di niya marinig yung sinasabi ko kaya di siya nagrerespond pero meron naman.
"Chenle, anong nangyayari? Mahal?!"
Naluluha na ako. Kinakabahan ako dahil baka kung ano na ang nangyari kay Chenle. Tangina, babakla bakla pa naman ang dolphin na yon.
"Yes, mahal?"
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa likod ko at doon ko nakita ang pawisan at hinihingal pero may ngiti sa labing si Chenle. Si Chenle ng bohaii q. Si leleq.
Napaupo ako sa lapag at napahagulgol. Akala ko may nangyari nang masama sa kanya. Alalang alala ako tapos... tapos... tapos nandito lang pala siya...
"Hala, mahal! Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya at umupo rin para magpantay yung mga mukha namin.
"A-akala ko... huhuhu... akala ko lele, m-may nangyari nang m-masama s-sayo." Sinisinok at utal utal na sabi ko.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit at bumulong sa tainga ko.
"Mahal, andito na ako. Diba sabi mo sakin umuwi na ako? Kaya umuwi na agad ako para sayo. Kasi mahal na mahal kita." Napahagulgol ulit ako ng malakas.
"Lele, sobrang namiss kita. Wag mo na akong iwan. Wag ka na umalis please. Dito ka na lang. Alam mo namang madami akong hater dito eh." Umiiyak na sabi ko.
Kinalas niya yung yakap at pinunasan yung mga luha ko. Nginitian niya ako at saka ko lang napansin yung panda at mga paper bag na hawak niya. Nakita niyang nakatitig ako sa panda kaya inabot niya sakin yon at saka ako hinalikan sa noo.
"Kyaaaah! Maraming tenkyu, leleq! You're the best na talagaaaa!" Niyakap ko siya ng mahigpit kaya natawa naman siya.
"Ako pa ba? Lahat yata gagawin ko para sa bestfriend kong mahal na mahal ko."
-------
a/n: i trieeeed 😬

BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Cerita Pendek"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰