moomin | h. renjun
Nakangiting tinignan ko ang kalangitan habang nag-aantay kay renjun. Ang tagal naman kasi ng moomin na yon. Siya ang nagyaya ng date pero siya pa ang may ganang malate? Nako talaga, masasapok ko yun sa mukha.
"Kaekai."
Nagtatakang napatingin ako sa lalaking tumawag sakin at nakita ko si jeno. May luha sa mga mata niya at nanginginig siyang humawak sa kamay ko.
"Jeno? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko at agad siyang inalalayang umupo sa bench na kinauupuan ko.
"K-kraea.." Panimula niya. "S-she left me, kai! K-kraea left me without s-saying anything." Parang bata siyang umiyak habang nagsasalita.
"Bakit niya naman gagawin yon?" Marahan kong tinatapik ang likod niya.
"Hindi ko alam! Wala namang away na namagitan samin eh. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang iwan niya ko at saktan ako ng ganito." Puno ng hinanakit ang boses niya.
"Maybe she has a reason. Wag ka munang mag isip ng kung ano ano. Malay mo ay nagbakasyon lang or may pinuntahan lang saglit." Mahinang sabi ko, nagbabakasakali na kumalma siya.
Napaigtad ako ng bigla niyang suntukin yung mesa sa harap ng bench na inuupuan namin. Pinipigilan ko siya pero hindi ko kaya dahil mas malakas siya sakin.
"Fuck! Bakit kailangang ganituhin monko, kraea? Wala naman akong ginawa kundi ang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sakin diba? Hindi mo man lang ako binigyan ng chance na sabihin sayo kung gaano kita kamahal! Putangina! May nagawa ba akong mali sayo para bigla ka na lang umalis ha?" Nanghihinang napaangat ang tingin niya sa kalangitan.
"Naging masama ba ako sayo, kraea? Mahal na mahal kita at kahit anong rason mo, tatanggapin ko basta bumalik ka lang sakin. Ayaw ko nang ganitong pakiramdam. Gusto na kitang makita, gusto na kita mahawakan. I am longing for you so much and i don't know what to do if you'll never come back to me. Wag mo kong saktan ng ganit, kraea. Mahal na mahal kita." Nanginginig ang labi niya at patuloy pa rin siya sa paghagulgol.
"Tahan na, jeno. Alam kong alam mo na hindi ganong klase ng tao si kraea. Hindi siya yung tipo ng babae na aalis na lang basta basta nang walang dahilan. Sinabi at pinaramdam niya sayo kung gaano ka niya kamahal at nasisiguro kong babalik siya para sayo." Ngumiti ako sa kanya at nag angat ng tingin rin sa kalangitan.
"Hinanap ko siya, kai. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Hindi ko rin macontact si nana at sila tita. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali para saktan niya ako ng ganito." Pahina ng pahina ang boses niya pero sapat lang naman para marinig ko.
"Tatagan mo yang loob mo dahil nasisiguro ko sayong babalik siya!" Seryosong sabi ko pero napangisi lang siya at tumawa.
"Ang hirap masaktan ng ganito pag wala kayong label. Hindi mo alam kung anong dapat mong gawin o may dapat ka pa bang gawin gayong alam mong wala ka namang karapatan sa desisyon niya sa buhay." Sarkastikong saad niya bago pumikit.
Napailing na lang ako sa sinabi niya dahil sumasang ayon ang isip ko. Totoo naman kasi lahat ng yon. Nagtataka nga rin ako kung bakit ba hinahayaan ni kraea na wala silang label nitong si jeno? At mas nagtataka ako kasi hindi naman maligawan netong jeno na to si kraea. Ampota ang gulo nila ha.
BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Короткий рассказ"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰