040 || flashback - kai

560 15 1
                                    

"Ayoko na, lele. Ang sakit sakit na. Gusto ko lang naman na makaalala siya pero bakit parang ayaw niya? Bakit hindi siya naniniwala na may amnesia siya and he's closing his hearts for those memories. Those memories that includes me? Suko na talaga ako. Ayoko na siyang maalala."

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw para sakin dahil sa pagkawala ng memorya ni renjun. At ganon na rin lang ang pagkawasak ng sibra ng puso ko. Ang sakit kaya! Parang dinikdik yung puso ko ng todo eh. Full force lang ang peg.

"Suko ka na ba talaga sa kanya, kai? I mean, you've been fighting for him because you want him to remember you but if you'll give up, hindi ka niya maaalala. Alam mo ang sinabi ng doctor, mas malaki yung chance na hindi na siya makaalala dahil sa aksidenteng yon." Marahan niyang pinaglalaruan ang buhok ko habang malungkot na nakatingin sa akin.

"Lele, siya na mismo ang nagsabi na ayaw niya. Kahit may amnesia man daw siya o wala, hinding hindi niya ako mamahalin."

Napahagulgol na naman ako at napahawak sa dibdib ng maramdaman ang pagsikip nito. Ang sakit, gosh. Bakit mo ko nasasaktan ng ganito renjun? Sabi sa mga nabasa ko, hindi daw nakakalimot ang puso kahit na makalimot ang isip. Pero bakit parang nakalimutan na rin ako ng puso mo?

"Pareho ko kayong kaibigan at susuportahan ko kayong dalawa. At kung yan ang gusto mo, sige lang. Basta siguraduhin mo lang na sa bandang huli ay di ikaw ang masasaktan at iiyak ha? Ayoko pa namang nakikita kang umiiyak. Basta tutulungan kitang magmove on sa kanya." Ngumiti siya pero bakas ang lungkot sa mata.

"Salamat sa lahat, lele. Pero pano ko makakalimot kung hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung mga ginawa namin dati? Yung tawagan namin? Lahat lahat!" Napaiyak na lang ulit ako.

Ang hina hina ko talaga pagdating kay renjun. Bakit ba kasi mahal na mahal ko tong moomin na to?

"Edi para hindi mo na maalala yung tawagan niyo, tatawagin na lang kitang mahal. Since malayo yon sa min at pan. Mahal na lang ang itatawag ko sayo para mabaling yung atensyon mo sa iba." Ginulo niya ang buhok ko.

"Ang cheesy mo naman. Ilang pack ng eden ang nilamon mo?!" Singhal ko sa kanya,  pilit na pinapasigla ang boses.

"Ganon talaga, mahal. Dapat starting today mahal na rin ang tawag mo sakin. Or kaya leleq. Basta yun na yon!" Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. 

I'm glad that he's here to cheer me up. I don't know what'll happen to me if he's not here, laughing, beside me.

moomin | h.renjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon