010 || kai

757 30 9
                                    

Naluluhang napatingin ako kay chenle na may kasamang babae. Tumatawa silang dalawa at hindi man lang niya ako sinulyapan.

Galit ako. Galit na galit. Sumobra na si renjun. Talagang pinagpyestahan nga ako ng mga fangirls niya. Galit na galit sila sakin. Pati yung mga NaRen shippers, sinugod ako. Pati yung mga kaibigan ni Kaena, sinugod din ako. Lahat sila nagkakaisa para lang i-bully ako.

Masakit ang anit ko dahil sinabunutan ako ng mga fangirls niya. May mantsa ang uniform ko at mahapdi ang balat ko dahil tinapunan ako ng mainit na kape ng mga NaRen shippers. At namumula ang magkabilang pisngi ko at nagdudugo rin ang gilid ng labi ko dahil sa sampal ng mga kaibigan ni Kaena. May mga kalmot din ako sa pisngi. Dumudugo rin yung gilid ng noo ko. Hindi ko alam kung paano na-allow sa school na to yung ganito.

At galit pa rin sakin si Chenle. Hindi ko naman ginusto to eh. Kung ibinalik ko na lang yung moomin niya, edi hindi sana to mangyayari. Hindi sana magagalit si Chenle sakin. Hindi sana magagalit sakin ang nag iisa at pinakamatalik kong kaibigan. Hindi sana ako uuwi ng mukhang basura. Hindi sana mangyayari ang lahat ng to.

Paika ika akong naglakad papunta sa cr. Pagkapasok ko ay napahinga ako ng maluwag dahil walang tao. Buti na lang pala.

Dali dali akong naghilamos at hinugasan ang gilid ng noo ko para mawala yung dugo. Napangiwi na lang ako ng makita ang malaking sugat sa temple ko. Napailing ako at wala sa  sariling napaluha. Naghilamos na lang ulit ako at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang bag kong amoy basura na dahil nilagay ng mga lalaking walang magawa sa buhay yung bag ko sa basurahan at hinanap nang suklay. Nang makita ko ito ay sinuklay ko ang buhok kong mukha ng pugad ng ibon dahil sa  sabunot nung mga haters ko. Halos mapaiyak ako sa sakit ng anit ko sa tuwing sinusuklay ko ang buhok ko. Grabe. Grabe talaga. Kinuha ko ang band aid ko at nilagyan ang malaking sugat sa temple ko pati na rin ang mga kalmot sa pisngi ko. Nagliptint din ako para hindi mahalatang namumutla ako. Ayokong pumunta sa clinic dahil baka may makasalubong akong hater don at mapagtripan na naman ako.

Nilabas ko rin sa bag ko ang spare uniform ko na kinuha ko sa locker kaninang pagpasok ko dahil inexpect ko nang mabubully ako (pero hindi ganitong kalala yung ineexpect ko.) Nagpalit na ako ng uniform at lumabas na ng cr.

Napayuko ako ng makita kong nakasandal si chenle sa gilid ng pinto ng cr kasama yung babaeng kanina niya pa kasama. Bumaling siya sa akin gamit ang emotionless niyang mata pero napalitan rin yon at napuno ng pag aalala.

"K-kai, a-anong---"

Mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Narinig kong tinawag ako ni chenle at narinig ko rin ang mga yabag niya kaya tumakbo na ako ng mabilis. Kung galit siya sakin, edi magalit siya. Ayoko na munang makihalubilo sa mga tao. Baka masaktan na naman ako.

-----
a/n:
hala ang brutal ko pala :< pero may part 2 to mamshies

moomin | h.renjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon