"Kun gege!" Tawag ko kay kun-ge ng makita ko siya.
Humarap siya sa akin at seryoso lang ang mukha niya. Tangina nakakatakot talaga si kun-ge kapag ganitong seryoso siya. Parang galit siya sa buong mundo. Tumakbo ako palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Ano pong meron, kun-ge?" tanong ko.
"Anong nangyari at bakit nabully ang kapatid ko?" Napamulagat ako sa tanong niya. Teka pano niya nalaman?!
"K-kun gege..." Napabuntong hininga ako. "Kasalanan ko po. Ayaw po niya kasing ibalik yung moomin ko kaya sinigaw ko po sa gitna ng field na girlfriend ko siya. Tapos ayon po, binully na siya ng mga fangirls ko at ng mga kaibigan ni Kae." Pagpapaliwanag ko.
Napatango si kun-ge at tumingin sa akin ng seryoso.
"Kilala mo ba si Kaekai?" May pumitik sa ulo ko dahilan para sumakit ito. Pero hindi ko ito pinahalata kay kun-ge.
"Kapatid mo siya, diba gege?" Sagot ko sa tanong niya
Napabuntong hininga siya at umiling.
"Wag mo na ulit saktan si Kaekai. Ang dami na niyang napagdaanan ng dahil sayo. Malalagot ka na talaga sakin. Sige na, una na ako. Ingat." Nalilitong tumango ako tsaka na siya umalis.
Anong saktan? Kailan ko naman sinaktan si Kai? At bakit madami na siyang napagdaanan ng dahil sakin?
Naglakad lakad muna ako sa park para isipin yung sinabi ni gege. Bakit niya naman sasabihin yon ng walang dahilan diba? Pero bakit? Anong nangyari?
"Tangina, Jeno! Seryoso ka? Akin na talaga to?" Napalingon ako sa direksyon kung saan ko narinig yung boses niya.
Hindi ko alam pero may galit na umusbong sa puso ko. Iwinaksi ko na lang iyon at tahimik silang pinagmasdan.
Nakangiti si Kai habang hawak yung moomin ko. Ang cute niya pala kapag hawak si moomin. Pero panira talaga si Jeno. Inabot niya kay Kai yung Panda na stuffed toy na malaki kaya muntik nang mabitawan ni Kai yung moomin ko.
"Waaah! Thank you, Jeno!"
Humakbang ako para lumapit at kunin si moomin pero napatigil agad ako sa sunod kong nakita.
This is not fucking right. Why am I feeling angry at this scenery? Why is my heart aching?
Fuck! Qian Kai just fucking kissed Lee Jeno's left cheek.

BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Short Story"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰