Napatingin agad ako sa likod ko dahil sa chat ni renjun sakin. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Tangina, eto na naman ang abnormal kong puso.
"Anong ginagawa mo dyan?" Mataray na tanong ko sa kanya. Sumimangot naman siya at nanliliit ang matang inilapit ang mukha sa akin.
"Bakit di mo ako nirereplyan? Bakit si jeno lang ang nirereplyan mo?" Tanong niya.
"Sino ka ba para replyan ko?" Tinaasan ko siya ng kilay at inilayo ang ulo ko sa kanya pero putangina lang talaga ni renjun, nilapit niya pa rin ang mukha niya sakin. Tangina, ano bang ginagawa mo renjun?
"Oh? Bakit namumula ang pisngi mo?" Nakangising tanong niya.
"Naalala ko kasi si jeno." Pagsisinungaling ko.
Agad niyang nilayo ang mukha niya at sumimangot. Ang cute. Ayyy! Erase erase! Di siya cute kaekaiiiii!
"Bakit mo naman naalala si jeno? May gusto ka ba sa kanya?" Masungit na tanong niya.
"Eh ano naman sayo kung may gusto ako kay jeno? Tsaka diba ang sabi ko sayo layuan mo na ako? Bakit mo ko kinakausap?"
"Gusto kong kausapin ka eh. Wala kang pake. Tsaka wag mong gustuhin si jeno. May girlfriend na yon." Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako ng masama.
"Pauso ka, renjun! Wala kayang girlfriend si jeno." Inirapan ko siya.
"Sino ba ang bestfriend sa ating dalawa? Ikaw ba ha? Ikaw ba?"
"Teka nga, renjun. Ano bang problema mo? Sasapakin na talaga kita." Umamba ako ng susuntukin siya pero inilapit lang niya ang mukha niya sa akin.
"Kiss mo na lang ako." Napamulagat ako sa sinabi niya.
Tangina, nangyari na rin to samin 2 years ago. Parehas na parehas yung sinabi ko at yung sinagot niya. Ang pinagkaiba lang, wala siyang girlfriend noon. Ngayon, meron na. Umiling ako para mawala na sa isip ko ang alaalang iyon at tinignan siya ng masama.
"Gago ka ba? May girlfriend ka na, renjun. Ang landi landi mo." Binatukan ko siya. Inakbayan naman niya ako.
"Selos ka naman kay Kae?" Napairap ako ng marinig ang pangalang yon.
"Pwede ba? Wag mo ngang banggitin ang Kae na yan. Tandaan mo, may Kae din ang pangalan ko. Kaena ang itawag mo sa kanya pag mag uusap tayo." Sabi ko.
"Oh? Mag uusap pa ulit tayo? Akala ko ba pinapalayo mo na ako sayo?" Nakangising tanong niya.
"Ah, basta!" Nasabi ko na lang.
Ginulo niya ang buhok ko at tumawa.
"Alam mo ba, Kai. Sobrang pamilyar---"
"Mahal kooo!" Napabaling ako sa sumigaw at nakita kong kumakaway si leleq kasama yung pinsan niyang si ken tsaka si jisung.
"Leleq!" Kumaway ako at malapad ng ngumiti.
Lumapit sila sa gawi namin ni renjun ng nakangiti.
"Bakit mo kasama si renjun?" Ay walang galang talaga si leleq.
"Wala kang pake." Pabalang na sagot ni renjun.
Siniko ko si renjun at tinignan siya ng masama. Humarap naman ako kay leleq at ngumiti.
"Epal kasi tong bestfriend mo, leleq. Bigla na lang sumulpot dito tas kinausap ako. Inakbayan pa ko, leleq." Pagsusumbong ko.
"ANO?!" Sigaw ni leleq.
Mabilis niya akong hinila patayo at nilagay sa likod niya. Infairness, ang tangkad na talaga netong leleq.
"Bakit mo naman inakbayan si Kaekai, renjun? Pinapalayo ka na niya diba? Bakit mo siya ginugulo?" Masama ang tingin ni leleq kay renjun.
"Eh ano bang pake mo? Tangina kung umasta ka parang girlfriend mo si Kai eh bestfriend ka lang naman."
Napailing na lang ako at hinilot ang noo ko. Mag aaway pa yata ang dalawang to.
BINABASA MO ANG
moomin | h.renjun
Short Story"putangina mo, ibalik mo sakin yung moomin ko." ▪status: completed ▪date started: 01-01-19 ▪date finished: 07-20-19 ▪epistolary/narration 〰 r e a d a t y o u r o w n r i s k 〰