4

15.9K 206 0
                                    

Nakapasok naman kami ng maayos sa loob pero nakakatakot na nakakaexcite pala dito. Nakakatakot kasi maraming mga pares ng mata ang titig na titig sa akin kanina habang nasa labas pa lamang kami ni Jared at nakakaexcite dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganitong atensyon.





"Oh, bakit ba ang tagal nyo sa entrance?" Maja asked.


"May kinausap pa kasi akong kakilala ko kaya medyo natagalan. Nasaan nga pala si Alex?" Pag-iiba naman ng topic ni Jared.



"Kausap yung isang waiter, kumukuha ng kapit. Libre nga 'tong VIP natin dahil sa kanya, umoorder na rin sya ng drinks." Aleila, bigla naman nyang inilipat ang tingin sa akin mula kay Jared.


"You need to have fun this whole night, Ivy. It's your night. Pagdating ni Alex, you need to shot those tequila glasses na ihaharap namin then after nun, kailangan mo namang i-lowerdance si Jared which happens to be your partner." halos pasigaw ng sabi sa akin ni Aleila dahil sa lakas ng trance music na pumapailanlang sa loob ng lugar. Tumango ako.





Iginala ko ang mga mata ko sa loob , simula sa mga tao sa balcony sa 2nd floor. Sa mga tables sa gitna na punung-puno ng mga teen-agers na nagsisiinuman. Sa mga waiters na palakadlakad , sa mga bouncers sa loob na may hawak ng flashlights, sa mga babaeng nagsisisayawan sa stage. Sa likod nila ay may tatlong tv or monitor na naka-flash doon sa screens ay "Purple", na pangalan ng bar, Dj Jaz Dj Lei Dj Rina, na hula ko ay salit-salitan nilang ginagawa ang trabaho nila. Magagaling silang pumili ng music at gumawa ng beat. I'm a dancer , and I think I am ready enough to dance wild there. That excites me!




Nawala ang konsentrasyon ko ng biglang may humapit sa beywang ko. That tingling sensation again. Napangiti ako sa taong gumawa nun. Inilapit nya ang bibig nya sa aking tenga upang bumulong.






"Abi, pwede ko namang sabihin kay Alex na wag ka na lang uminom ng tequila, just Bacardi would be enough."


Nginitian ko sya, hinalikan ko sya sa kanyang tenga at kinagat ito ng bahagya na syang ikinakiliti yata nya.



"Don't worry, heavy drinker ako. Hindi ako malalasing ng 3-shots-of-tequila na yan."



"Ok lang ba na gawin mo yung bodyshots? You---"



"Masyado kang nag-aalala. First time kong gagawin yung bodyshots, pero ok lang sa akin since ikaw ang partner ko. I have nothing to worry about."




"How about the dance sa stage??"





"Dancer ako di ba? Walang kaso yun."




Naputol yun no'ng magsalita yung MC sa harap na ang pagkakaalam ko eh si Mc Louie. Well, nasa monitor naman eh.




"Party people, put your hands up! Dance! Dance to beat! You are partying with Dj Dexter in the house!"





Naghiyawan sila, sa pagkakatanda ko, wala naman akong nabasang Dj Dexter kanina. Pero agad ding nasagot ang tanong ko.





"Inuwi ata ni komander si Dj Jaz. Yeah! Ha-ha! But the party won't stop right there! Jump! Jump! This is Mc L-o-u-i-e MeLouie!"





At nagstart na rin ang drinking session, natapos ako sa three shots, bodyshots na! Twice lang naman eh.




"Asan na yung asin? Rivas, iabot mo na kay Ivy yung lemon at glass ng tequila!" utos ni Marvin.




"Put the salt on Red's Collarbone!"




Huh?




Inilagay naman agad nila yung asin duon. Bahagyang nakabukas ang tatlong butones ang kanyang polo para daw hindi sagabal.





Unti-unti kong inilapit ang bibig ko sa parte ng may asin, inilabas ko ang dila ko and licked it. Pinaglaruan ko pa nga yung dila ko doon bago ko inilayo na yung bibig ko. Ininom ko iyong tequila at sinimsim ang lemon. Magmamarka yan panigurado.





I saw him smirked. Gago talaga!





"Intense 'to!" sabay-sabay nilang sigaw kaya napunta sa amin yung atensyon, silang lahat ay sa amin ni Jared nakatingin, dahil nakaupo ako sa lap nya at nakaharap sa kanya.





Tinawag nila ako sa harap, ngumiti ako at tumayo upang lumapit sa kanila.. Pero hinigit ni Jared ang braso ko.






"Stay, Abi. Please, you don't need to go."






Hinawi ko ang kamay nya at tumuloy sa stage..



"What's your name beautiful, sexy and definitely a hot chic lady?" tanong nung Mc sa akin.





"Full of flattering words. My name's Aleina. But you can call me Alley." humagikhik ako sa harap. Lahat sila nakatitig sa akin at nakangiti. Wow naman.




"Wow. Bagay na bagay sayo,Ms. Alley. Ilang taon ka na ba?"




Tumingin ako sa mga kasamahan kong nakangiti rin.





"Actually, I just turned 18 last week."







"Wow. Fresh na fresh!" pagbibiro nito at napapalakpak naman sila.





"Take your shirt-off! Take it off!" lahat sila isinisigaw iyon, maging ang mga kaibigan ko. Tanging si Jared lang ang hindi umiimik at mataman lang akong tinititigan.






What's with the party without having some fun, right?

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon